85

24 0 0
                                    

Eighty-Five

"Oh? San kayo galing na dalawa?"

"Nag-start na ang party."

Bumukas ang elevator at iniluwa nuon sina Subin at Rio. Hindi pa sila basa kaya siguradong hindi pa sila nakakapag-lublob sa pool.

"O san ka pa pupunta kung nag-start na?"

"..."

"M-may kukunin lang ako sa kwarto. Sige na, mauna na kayo." -Pinilit ko namang sagutin si Subin.

"Tapos na rin ba yung promotional video?" -Said the girl beside him.

Iba ang itsura ni Rio ngayon at medyo hindi sya nakakatakot kausapin. Ang cute rin nya sa suot nya. Mukha syang lumabas sa japanese manga sa suot nyang mini tutu.

"Hm hm, tapos na kanina pa. Nagsa-saya na sila don. Pumunta na kayo."

"Aishht! Hindi ko napanuod! Ito kasing unggoy na to e."

Nagdadabog pa si Rio bago tuluyang sumara ang elevator na kinaroroonan ko.

Pero wala pang ilang segundo ay bumukas ito ulit.

Natanaw ko pa yung dalwa na naglalakad sa lobby papunta sa pool area.

At pumasok naman sa elevator ang isang foreigner. Muntik pa syang matisod bago sya sumandal.

Sa kilos nya, malamang marami na syang nainom.

A blonde man with a built body. He's around his middle 30's. Mukhang galing rin sya sa pool dahil medyo may talsik ng tubig ang suot nyang shirt.

"Hi."

Nag-bow naman ako ng bahagya sa kanya bilang tugon sa bati nya.

Amoy alak nga sya at sigurado akong yun yung isineserve sa pool.

"You're beautiful."

That was so sudden.

"T-thank you."

This is getting weird, lalo na ang pagtingin nya sa akin ng matagal. Sana bumaba na sya sa kasunod na palapag, dahil kung hindi, ako ang bababa kahit hindi pa ako dapat bumaba.

Sanay naman akong makipag-usap kaninong tao but this guy's a little weird for me.

Pati tuloy sa vibrate ng cellphone ko ay nagulat ako.

Binasa ko yon at nagsimulang mag-type ng reply para naman mabawas-bawasan ang tension ko.

Han Seungwoo

Where are you going?
08:19 pm

Do you want me to come over?
08:19 pm

No, Woo. Bababa rin ako kaagad.
sent ✅

Okay. Don't get too long.
Hahanapin ka ng mga kaibigan natin.
08:20 pm

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora