57

34 1 0
                                    

Fifty-Seven

"Contact-in mo nga, antagal naman nun mag-sisimula na e."

"Sinabi kasing agahan e."

"Sa dami ng tao, baka natabunan na yon."

Sobrang ingay talaga. Hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nitong mga to kahit halos nagsisigawan sa kami.

Unang araw ngayon ng selebrasyon ng Lantern Festival. Ito ang pinakamasaya sa loob ng halos dalawang linggong celebration. Andaming night restaurants at iba't ibang uri ng tao na ang nakakasalubong namin. Maingay na rin ang mga local bands galing sa buong Seoul.

At kaya nagmamadali ang mga to ay dahil huling tu-tugtog ngayon sa opening ang pinakang-kilalang banda ng Seoul. Highlight yon. At pag-Highlight ang usapan, nagiging fanboys, real quick tong mga kasama ko. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto nila yon, e ang yayabang ng members non.

[ a/n : pero alam nyo naman kung sinong number 1 fanboy ng Beast sa Victon, diba? hahaha. ]

"Mga hyung, chill nga lang kayo ha. Buti pa si Chan hyung pa-yosi yosi lang. Pa-hits muna hyung---Aray naman nagbibiro lang e!!!"

Nabatukan ko sya ng mahina, pinayagan na nga syang mag-inom, pati paninigarilyo gusto nya pang matutunan.

Kulang nalang mag-sapukan na si Sese at Byung dahil wala pa si Seungwoo. Sya nalang ang wala. Kaya lang naman hinihintay sya ay dahil sa dala nyang canned beer.

"Magsi-tigil nga kayong dalawa, ipu-pukpok ko sa mga ulo yung beer mamaya e." -Sik

Masaya kapag may tumutugtog na banda dahil puro kabataan ang nagsasaya. Noong nakaraang taon nga ay N.Flying ang tumugtog sa opening at nahigit pa ako sa backstage nung leader nila. Napagkamalan daw nya akong member nila na Jaehyun yata yung pangalan, may sapak ata ang loko.

Dahil nga puro kabataan, maraming loko-loko kaya nasanay na kaming nagbubuhusan at nagbabasaan ng beer habang may tumutugtog. Masaya kaya ganito karami ang tao.

Nung mga taon na nasa Seongnam ako, bumabyahe pa ako sa Seoul, para sa Festival na to at nakakasama ko itong mga barkada ko.

"Malapit na daw si Woo, hindi nya raw kasama si Ana. Baka susunod nalang."

Palaging hindi sumasama sa kanila si Ana dito taon-taon. Dahil ayaw nya akong makita. Pero ngayon ay magsasama-sama kami.

Hindi naman sya nag-iisang babae dahil kasama ni Sejun si Bela at kasama rin ni Subin si Rio. Ilang gabi nang natutulog ang batang yon kina Subin. Ayaw naman sabihin ni Subin kung bakit. Kung siraulo nga kami, iisipin naming ini-tanan nya na si Rio.

"Iniwan nya pa daw kasi yung kotse sa park dahil hindi na makalusot sa traffic."

"Ayun na yata si Hyung, oh." -Byung

Nilingon naman sya ng mga kasama ko.

"Sya na nga yon, nagliliwanag sya sa kagwapuhan"

Natawa naman si Sik sa sinabi ni Byung.

Palapit na samin si Seungwoo. Kinuha naman kaagad ni Sese sa bagong dating ang dala nitong shoulder bag kung saan nandoon ang canned beer. Legal to. Wala pa namang nag-bawal na gawin ito sa ilang taong lumipas.

Naglabas si Sese ng beer galing sa bag at iniabot sa amin. Umawas pa yon ng buksan nya at agad rin naman nyang ininom.

Kasalukuyang tumutugtog ang Bandage ngayon ng kanta nilang Invisibles. Member nito si Kyoungyoon na kaklase ni Sese.

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now