05

69 2 0
                                    

Five

"Good thing you came, Eli."

A girl said from their shower room.

Akala nanaman siguro ng babaeng to umuwi yung kuya nya. Isang linggo na ko dito pero nakakalimutan nya paring may susi ako ng bahay nila.

Limang taon ang tanda sa kanya ni Eli hyung pero hindi manlang nya tinatawag na kuya. Half brother nga lang sila pero halos si Eli hyung naman ang naging magulang nya noongmga panahong wala sina tito

Kapatid ni mama yung papa ni Ana kaya kami naging mag-pinsan. Yes, she was from my uncle's infidelity. May asawa kasing totoo si Tito at hindi ang mama ni Ana iyon.

Isang taon palang si Ana noong mabuko sila, at mas pinili ni tito yung legal nyang pamilya kesa sa mama ni Ana.

Ang mama nya naman ay nagkaroon rin kaagad ng ibang boyfriend at mabilis nasundan si Ana ng nakababatang kapatid ring babae.

Dahil don kaya sya kinuha ni Tito mula sa kanyang ina. But she carried her mother's maiden name kaya isa syang 'Yang' at hindi 'Kim' na katulad ni Tito at stepbrother nyang si Eli hyung.

She was too little, a 5 year old, to understand but she never grew anger in her mind.

Siguro dahil parehong mabubuting tao ang nakilala nya.  At mababait rin talaga ang mga Kim dahil tinanggap nila si Ana.

Tito and his real family flew to Washington with Ana. At ang mama nya naman ay nanatili sa Seoul at hindi na pinakialaman pa ang buhay ni Ana.

Sampung taon na sya noong bumalik sila sa Korea.

But her family appointed business on States again kaya si Eli nalang ang nakasama nya sa Seoul. At lumipat na rin ang pamilya ko sa Seongnam.

We got closer and closer with each other becaise of that, siguro  dahil na rin parehong kuya na lang namin ang nakakasama namin.

Good thing she grew with everything positively straight in her mind.

Na-explain ko nang lahat pero di parin sya tapos maligo.

"May pagkain sa ref, kumain ka nalang jan." Sabi nya ulit sa akala nya kuya nya.

"It's Chan, you brat."

Kausap ko parin ang sarili ko.

Inayos ko ang mga nanga-hulog na magazines at manga nya sa glass table.

Oh fuc-- ano bang klaseng bahay to, Yang Ana! Nawalan ka ba ng ganang maglinis dahil mag-isa ka lang dito?! Parang mag-iimbita ka lagi ng mga daga!

She is not like this. She was not. Ultimo pagtubo ng damo sa garden sisipatin nya pa hanggang magpantay, sa sobrang obsess nya sa arrangement ng mga bagay bagay.

There was this time na pati closet ko nag-presenta syang ayusin. At nagulat nalang ako dahil pinagsama-sama nya yung magkakakulay.

I picked up pieces of papers. Some are crampled at ang iba naman ay may mantsa ng pintura. Malamang ay pinag praktisan ng pinsan ko.

This one's painted nicely, pero tinapon lang nya. I can't even draw a straight line.

Ilang minuto pa ang lumipas.

I found myself segregating her laundry.

"Chan?" Hindi ko sya nilingon pero nakikita ko sa sulok ng mata ko ang pag pupunas nya ng tuwalya sa buhok.

"Bakit, kamuka ko na ba yung kuya mo?"

"So you really are going." Ako ulit.

Akala ko nagbibiro lang sina Byung kanina na sumasama tong pinsan ko na mag-good time.

"Oo, ikaw? W-what the---" She paused.

"Those are my stuffs! A-anjan ang mga p-panloob ko, why do you have to do that?!"

My cousin had grown shame on her individuality? Hahaha. Cute.

"What's new? Ipinag-titiklop pa nga kita noon, diba?" Ramdam ko ang hiya nya nang mag-impit sya ng reaksyon.

Hindi ko masasabing namula sya sa hiya dahil hindi ito Kdrama at pangalawa, dahil hindi naman yon mahahalata sa kulay nya. Hahaha.

"I missed us talking shits like these." Ibinaba ko na yung basket nya para di na sya mailang.

"I missed you." Pero para nanaman syang robot sa sinabi ko.

Ano bang problema ng babaeng to?

"I missed my girl." Lalo pang humigpit ang hawak nya sa nakabalot nyang roba.

Ana, para kang tanga jan.

Gusto ko syang sapukin dahil hindi na ata sya humihinga sa kinatayuan nya.

"Lumayas ka na nga, kaliligo ko lang pina-iinit mo nanaman ang ulo ko." Natuto na rin pala syang mag-taray.

"Alam mo bang uso ang gang rape sa bar?" I tried to scare her para hindi na sya tumuloy.

"Lumabas ka na, labaaaaas." Nakalimutan nya na atang naka-robe lang sya.

"A-ray! Alam ko kunsan ang pinto wag mo kong itulak!" Payatot pero ang lakas.

Muntik pa kong maipit nang tuluyan nyang maisara ang pinto.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now