38

42 1 0
                                    

Thirty-Eight

Mabuti nalang at tumalikod ako kaagad ng matapos silang mag-usap. Baka kung ano nanamang isipin ng lalakeng to pag nakita nya ako sa labas. Hindi sya maniniwala kapag sinabi kong gusto ko lang ng maiinom kaya nasa 7/11 ako.

At hindi rin naman ako aamin na ang tagal-tagal nyang umuwi kaya lumabas ako para hintayin sya, at umabot na ako sa convenient store na to.

O diba, kung hindi ko nakitang may kasama syang babae hindi ako mapapabili ng banana milk na to at mag-iisip ng palusot. Nakakainis.

I was about to stand up when I felt something tickles on my neck.

Labi ng tao yon.

Bullshit.

Alam ko kung sino to. Dahil sya lang naman ang may lakas ng loob na kumilos ng ganito sa kahit saang lugar. I got startled when he even pecked on my neck. Pakiramdam ko kinilabutan ako sa ginawa nyang yon.

"Hinihintay mo ba ako?" Naramdaman ko nalang ang sobrang lapit na boses.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang lalakeng bumulong sa akin. Ngising-demonyo nanaman siguro sya dahil nataranta nanaman nya ako.

He's an asshole. Akala ko uuwi na sya nung tumalikod sya pero bat pumasok pa sya dito wala naman syang bibilhin.

"Told you don't roam outside at night. Mag-isa ka pa naman." He sounded authoritative again.

Nandito ka naman na, hindi na ako mag-isa---Wow. Whats that? Nanlalambot ka nanaman sa kanya, build up.

Mabuti nalang at naka-sweater ako kaya hindi nya nakikita ang pagtayo ng balahibo ko sa bawat bulong nya. Dahil baka dumagdag pa yon sa pang-aasar nya.

"How was my house wife's cooking?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at humarap sa labas ng tindahan.

Kelan ba ako masasanay sa pambubuyo nya? He wasn't this intent before he left. O baka bata pa ako noon at hindi aware na higit pa sa pagiging pamilya ang closeness namin? Dahil sadya sa taong ito ang malambing at prangka magsalita.

Ako lang talaga itong hindi napapakali pag kasama sya.

Hinigit nya naman ang isang upuan palapit sa akin dahil magsisimula na naman sya ng pang-aasar.

"Tinamad ako magluto kaya nag-ramyeon nalang ako. Kaya kumain ka mag-isa sa inyo."

Wow. Nainip na yung gutom ko sa pagtitiis dahil ang tagal tagal mo. Sana lang bilisan mo sa pang-aasar para makauwi at makakain na ko.

"Bakit mainit nanaman ang ulo mo?"

I grabbed the purse and was about to leave when he hold my hand wanting to walk first before me. We went out of the store together. We haven't even been farther when I felt uneasy. Nasa labas kami at baka kung anong isipin ng mga tao.

"Bitaw." Lumingon sya sakin nang maramdamang bumagal ako sa paglalakad.

"Ano nanaman?"

Anong ano? Sabi ko bitaw, pero lalo nyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Ana. Wag mo na akong sawayin dahil hindi ka naman mananalo." Aba't---siraulo talaga!

"At isa pa..."

This is bullshit. Bakit ba ako kinakabahan sa bawat kibo at buka ng bibig ng lalakeng to?!

"At isa pa, ayos lang na hawakan ko ang kamay mo. Dahil boyfriend mo ako, Ana."

Hmp! Heo Chan!!!

He likes making decision on his own. Yung kahit hindi ako pumayag basta sinabi nya, yun ang nangyayari at hindi ako maka-kontra sa---!

"...Ana."

Ano nanaman kaya? Kumalma ka, tinawag ka lang.

"H-ha?"

"Uuwi ako ng Seongnam sa Saturday."

Seongnam? Bakit naman kaya?

"O ano naman?"

"Anong ano? Sasama ka sakin."

"Oh. Okay." Nahulaan ko nang lilingon sya sakin dahil sa sagot kong yon.

"O bakit ka nakatingin?" Malamang nagtataka sya kung bakit umoo ako kaagad.

"Anong nakain mo?" -Him

Nagtaka ka pa talaga? Alam mo namang maalin lang sa 'pinilit mo ako o gusto talaga kitang kasama' ang dahilan. Pero dahil birthday nga pala ng mama mo, sasama na rin ako.

"Hindi pa ako kumain dahil ang tagal tagal mong umuwi. Kung kani-kanino ka pa nakipag-usap bago umuwi. At isa pa, kung iniisip mong hi-hindian kita, nagkakamali ka, dahil sigurado ka namang susundin kita, diba. Bakit pa?"

Yang Ana. You should have seen yourself just now. Kelan ka pa naging ganito ka-denfensive? Nasusunod sya lagi dahil nagpapadala ka sa kaba mo, gaga.

"You're scary."

Scary pero naka-ngisi?

"You're right. You should obey me. I know what is best for us."

Heo Chan, what on earth are you talking about?

"At wag ka mag-alala uubusin ko lahat ng niluto mo."

"Let's go."

Sunod-sunod nyang sabi pero hindi na ako nakapag-salita. Lumutang na nga ang utak ko sa mga sinabi ko, hindi ko pa ma-absorb ang mga sinabi nitong baliw na to.

Nasa Seongnam ang magulang nya. Hindi naman masamang ideya na isama ako, ilang taon na rin naman nung huli kong makita si Tita. Birthday nya, at isa pa, wala naman akong gagawin sa Sabado.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now