34

46 1 0
                                    

Thirty-Four




"---Sino yan?!" Lokong Ms.Hong to ah.

Napatigil ako sa pagcocomment nang may marinig akong mga yabag.

Walang tao.

Shit.

Wag mong sabihing nagpadala pa sya ng mga mananakot sakin?

"Sino ba yan?!" San ba galing yung mga yabag na yun?

Parang naglalaro na nagsasayaw. Nasan ba yun?

"I-isa!" Jung Subin wag ka ngang duwag.

"Dalawa.  Sino ba yan?!"

Walang multo sa Dongguk. Tinatakot ka lang ng siraulo mong professor. Magpasalamat sya at hindi pa ako masyadong mainitin ang ulo. Pag labas ko dito, yari talaga sakin yung matandang menopaus---WWAAAHHHBSIAJDNAIKSNAHDIS!!!

"HOY!"  -NAGSASALITA SYA!

"HOY! ANO BA?!" SILIP LANG SUBIN, SILIPIN MO LANG!

"..."

"..."

"---Ano ka?! I mean s-sino ka?!" Parang nakakatakot sya, pero may multo bang naka-hood?

Teka...parang pamilyar.

"Bakit ka ba nandito?"

Put---ang lamig ng boses nya. Scary.

"Ikaw ang bakit nanjan sa dilim mag-isa?!"

"Tsaka---teka, tao ka?" -Sinapok nyang aninagin ko ang mukha nya.

Tao nga amputa.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Nagkakabisado ako ng sayaw sa likod, naka-headset na ko pero rinig parin kita."

"Teka nga muna..."

Lumapit ako sa kanya ng marealize kpng hindi ito multo o kung ano.

"A-anong ginagawa mo?" Ayan. Sabi ko na sya yon.

Kung hindi ko pa aalisin ang hood nya, hindi ko pa makikita kung ano ba sya.

"Sabi ko na ikaw yan e."

"Di ka naman pala multo." Dugtong ko.

Bat ba ansama tumingin nito? Kasalanan ko bang dito ko pinatapon ng teacher na yon at naistorbo ko ang pagsasayaw nya?

"Anong ako? Anong multo?"

"Ikaw. Ikaw yung babaeng pasmado lagi ang kamay. Diba?"

"Una, hinulog mo ang phone ko. Pangalawa, nakabasag ka at itinapon mo pa kay Wooshin yung bote ng---" Ang sama nya tumingin!!!

"---ng alak! Teka nga dito ka nga sa liwanag nakakatakot ka sa dilim e! Alam mo ba yon?!"

Higit-higit ko sya sa dalawang string ng jacket nya hanggang mapunta sya sa liwanag.

Kulang nalang masunog sya.

"Bat ka ba nandito?"

Bakit sayo ba tong theater hall? Sungit mo sa personal ha.

"Anak ka ba ni Ms.Hong? Bakit magka-ugali kayo?"

Umupo ako sa inupuan ko kanina bago pa nagparamdam tong babaeng pasmado.

"Ms.Hong?"

"Oo. Yung teacher na pangit, oily ang muka, amoy albatross, kapos ang bangs at araw-araw menopause!"

"Sinasabi mo bang pangit ako, ha?" A-antapang nyang pagtaasan ako ng boses at kilay.

Ako si Jung Subin. Isa akong Youngmaster igalang mo ako.

"Wala akong pakialam kung youngmaster ka at kung bakit ka nandito sa loob ng hall, lumabas ka na dahil palagi mo akong binubwisit! Naiintindihan mo?!" ARAY-ARAY-ARAY TENGA KO NAMAN!!!

NAKAKARAMI KA NA PAPATULAN NA KITA.

"Wala akong sinabing youngmaster ako nasisiraan ka na ba ng ulo? Bitaw nga! Nagugusot yung tshirt ko!"

"Makalabas na nga dito. Baka patulan pa kita pag-nainis ako sayo e." Kinuha ko na yung hoodie kong suot kanina na hinubad ko dahil mainit.

"College na, may bangs pa." Hahaha makaalis na nga.

"Anong sinabi mo?!" Sige, sumigaw ka pa, pikon.

"Hoy bumalik ka dito!"

"Babaeng pasmado!"

Buti nalang hindi na sya humabol sa labas ng hall. May sira ata ang ulo ng babaeng yon. Cute naman sya...pero bakit palaging mainit ang ulo nya? Nauuna pa yung mahaba nyang nguso sa paglalakad nya. Hay. Iba na talaga ang mundo. Wala ng pinipiling edad ang menopause.

Papasok  pa ba ako sa next subject o uuwi nalang ako? Nakakatamad naman. Kasalanan to ng prof na yon at nung babaeng pasmado e. Nawala na tuloy ako sa mood.

Teka. Si Chan hyung at Ana yun ah? Ano namang ginagawa nila dito? Sabagay, building rin to nila Ana. Pero tapos na ang lunch break, san naman kaya yun pupunta?

Sana makita ko rin si Sese para may maaya akong tumambay sa alley.

"O Subin, tapos na ang break anong ginagawa mo dito?"

"Oy Woo hyung!"

"Wala, napag-tripan nanaman ako nung prof ko."

"Anong gingawa mo dito?" Tinanong ko sya.

"Dadalan ko ng pagkain si Ana. Hindi kasi yun nagla-lunch pag walang kasabay e."

Hm, hindi nya siguro nasabayan si Ana dahil puro laptop ang kaharap nya. Ang OA talaga ni Hyung. Kakain rin yun pag gutom. Buti nalang wala akong girlfriend.

"Ah si Ana, nakita ko kasama ni Chan hyung ngayon-ngayon lang."

"Si Chan? S-san naman pupunta? Tapos na ang break ah."

"Ewan ko. Mahahabol mo pa yun kaaalis lang, pero baka nagpapatulong lang si Chan hyung."

Baka nga nagpapatulong si Chan hyung sa pinsan nya, kasi may kulang pa syang requirements sa admission mula nung pumasok sya. Eto namang si hyung, praning. Kala mo mawawala yung syota nya.

"Pumasok ka na hyung, male-late ka na sa klase mo."

"At ikaw, san ka pupunta?"

Ayt. Kamot sa di makati Jung Subin.

"Hahanapin ko si Sese, magkakape."

"Sus. Kape."

Tinapik nya ako sa braso at tumalikod na rin. At ako, san naman kaya ako pupunta. Wala bang gustong sumama sakin?

Sa susunod, isasama ko na si Jaws, para may makausap naman ako. Kahit naman suplado yung pusang yon, mas may puso pa yon kesa sa Ms.Hong na yon at dun sa babae kanina.

Ang hirap din na puro POV mo lang naririnig mo, no?

Makauwi na nga lang.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now