75

30 0 0
                                    

Seventy-Five


"Kung wala lang tayong event bukas, ansarap mag-puyat ngayon dito!"

"Tumakas na tayo, Byung, di naman tayo kailangan ni Bela ih. Magaling yun kahit mag-isa."

Sumagot naman si Subin na yakap yakap ang pusa nya na hindi ko alam kung paano nya ipupuslit sa hotel.

"Tumakas ka na Subin, at iligaw mo yang pusang yan, bwisit yan sa buhay ko." -Si Sese na naka-krus pa ang mga kamay.

Mga gago talaga.

Pinagtutulungan ng mga lalakeng ibaba ang mga bagahe sa luggage compartment ng bus. Maiingay at puro excited naman lahat pero nangingibabaw talaga ang boses ni Byung, Sese at Subin. Parang hindi alas onse ng gabi sa kanilang tatlo.

Inabot rin ng apat na oras ang byahe bago kami nakarating sa lodge. Nagkasya kami sa isang bus dahil naka-kotse naman ang mga professor na kasama namin. Kaya naging masaya sa loob ng bus dahil walang nagsa-saway na teacher. Pati nga driver nakisali pa sa tawanan.

"Pwede bang wag na tayong mag-seminar at mag-teambuilding bukas, mag party na agad tayo!"

"Hoy, ang ingay mo, yung bagahe mo iiwanan mo nanaman?"

"Ay---akala ko ipagbubuhat mo ko, Hyung."

Malakas talaga ang pitik ni Byungchan. E halos pareho sila ni Subin na punong puno ang maleta e.

"E kung ipukpok ko sayo tong tripod? Ang laki-laki ng bag mo, puro pang-swimming ang laman. Siraulong to."

"Sik hyung, wag kang maingay alas onse na ng gabi."

Inakbayan ni Subin at Sese si Seungsik na akala mo hindi sila nag-iingay kanina. Si Byung naman ay kinuha na ang bag nya.

Nag-simula akong maglakad at sumunod sa mga kasama namin papasok sa Hilton.

"We'll have the same room, Ana." -Nagulat ako ng may sumulpot sa tabi ko.

Si Hayoung.

"Yeah." -Matipid lang akong ngumiti sa babaeng kumausap sakin.

She's looking at her cell habang diretso lang kaming nagla-lakad.

Hanggang may isang pigura pa ang lumapit sa amin ni Hayoung bago pa kami maka-pasok sa entrance ng hotel.

"Akin na." -He said pertaining to the other girl at kinukuha ang hila-hilang maleta nito.

Lumingon muna sakin si Hayoung bago sumagot sa lalake.

Mabait ang babaeng to at wala akong problema sa ugali nya, pero bakit pakiramdam ko iniinggit nya ako sa closeness nila ng lalakeng kasama nya?

Hindi ako kumibo, nag-panggap na wala akong nakita at hinanap sa bag ko ang wallet kunsaan nandoon ang school ID ko.

"Salamat." -Si Hayoung ng ibigay ang hawakan ng maletang dala nya sa lalakeng katabi.

Ako naman ay palapit na sa frontdesk.

I was looking at the view outside habang hinihintay ang mga kasama namin para umakyat. Andami paring tao sa pool kahit hating-gabi. Siguradong malamig ang tubig dahil malamig ang panahon.

"..."

"Ako na."

Nalipat ang mga mata ko sa kamay kong nakahawak sa handle ng maleta dahil may ibang humawak dito.

Tiningnan ko sya sa mata. At kung hindi pa sya tumitig ng nakakailang sa akin, hindi pa ako matitinag.

"Ako na rin ang magda-dala." -Him

Nilingon ko si Hayoung at nakangiti lang sya sa akin.

"..."

"No. Ako na Chan, hindi naman mabigat e."

Binawi ko kaagad sa kanya ang handle ng bag at tumalikod na sa kanila. Mabuti at hinintay ako ni Seungsik kaya sumabay na rin ako sa kanila nila Byungchan.

Kung kinuha nya ang bag ni Hayoung dahil girlfriend nya ito, hindi ko ipadadala sa kanya ang maleta ko kahit anong bigat nito.

"We'll be two to three rooms away, tawagan mo lang ako pag may kailangan ka."

I answered Sik with a nod. We went in the lift papunta sa kwartong kinuha para samin.

Hindi ko rin tinanggap ang alok nya na ipag-dala ako ng bag dahil halos magkasing dami ang dalahin namin. Bukod sa maleta nila ni Sejun ay dala rin nila ang sariling film at recording set. Mabigat parin yun kahit dala ni Seungwoo sa kotse nya ang iba.

Ako naman ay ilang canvas, mga brushes at halos lahat ng painting medium. Hindi kasi ibinigay ang tema ng exhibit kaya kailangang dalhin ko lahat dahil hindi magpo-provide ang school ng mga gagamitin ng mga kasali.

"Sino yung mga kasama ni Rio?" -Narinig kong tanong ni Byung kay Subin habang nasa elevator kami.

"Malay ko. Mukha ba kong tanungan?" -Si Subin.

"Hindi naman taga-Dongguk ang mga yun, diba?"

"Pero bat magka-kasama sila? At hiwalay pa ng sasakyan satin?"

"Andami mo namang tanong Byung. Pinatira ko lang yun sa bahay ko. Wala akong alam sa babaeng yon."

"Magsi-tahimik nga kayong dalwa, alas-dose na ng madaling araw. Asan na ba sina Sejun at Sese?"

Malamang pa-akyat na rin yung mga yun. Nag-message din si Seungwoo na malapit na rin sya.

Naunang pumasok sina Seungsik at Sejun sa kwarto nila. Tatlo sina nina Seungwoo'ng magkakasama don. Nakita ko naman sina Kuhn at Sungwoon sa kasunod na kwarto. At kina Subin, Byung at Sese naman ang sumunod.

"Wag ka munang pumasok---maawa ka! Mahihiya kang matulog dito, Sese."

Idinungaw pa ni Byung ang ulo mula sa pinto para asarin si Hanse. Palibhasa likas na makalat sa kwarto ang kaibigan kaya sinabi nya yon.

"Tabi nga jan. Magka-kalat ako dito at maya't maya ako tatawag ng room service. Tutal hindi naman ako ang magba-bayad e."

Tsaka ko kinuha ang electronic card pass sa bulsa para makapasok na rin sa kwarto namin. Malamang kasunod ko na sina Bela at Hayoung.

Nagawi nanaman ang tingin ko sa glass panel.

Tsk.

Sayang naman to.

Ang ganda ng view.

Kung marunong lang sana akong lumangoy mae-enjoy ko yung ganito ka-gandang pool.

Nakailang hikab na ako mula pa kanina sa byahe.

At kailangan ko nang matulog.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now