31

44 1 0
                                    

Thirty-One





"P-para san naman to?" Hindi naman makati ang ulo ko pero napakamot ako dito.

"Para sayo yan. Hindi ako sigurado pero alam kong dapat kitang pasalamatan."

"S-salamat."

Tiningnan ko ulit yung inabot nyang bento.

Putangina bat ang cute nito?

Sa anime ko lang nakikita ang ganito ka-cute na bento. Nasa isang pastel blue checkered na tela pa nakabalot.

Sa itsura nyang masyadong seryoso at iilan-ilan lang ang kinakausap, lalo syang naging cute sa paningin ko.

Hindi ko alam kung mahihiya ako sa mga nakikitingin kong kaklase o  mahihiya ako sa kaharap kong babae.

"Masarap yan. Si lolo ang nagluto at ako ang naghanda nyan para sayo." Mas maganda pala ang mata nya kapag walang suot na salamin.

Para akong tanga na tatango-tango lang sa sinasabi nya.

"Hoy? Bakit hindi ka nagsasalita? Kanina lang naabutan kitang nakikipag-batuhan ng water tumbler, ngayon tameme ka?"

Magsalita ka, Lim Sejun, palay na ang lumapit sa manok.

"Ang kwelyo mo." Inayos ko ang kwelyo nya dahil kanina ko pa nakikitang hindi maayos ang isang side non.

Wow. Isa kang alamat, Lim.

"Salamat. Nagmadali kasi akong mag-bihis ng P.E e." Na-conscious yata lalo sya sa ginawa ko.

"Salamat rin dito."

"I'll treat you lunch tomorrow, hindi pwedeng tumanggi." Ang gwapo ko sa part na yun.

"Basta pagkain, hindi ako tatanggi."

Bibilin ko lahat ng pagkaing gusto mo, basta ngingitian mo lang  ako ng ganyan habang kumakain tayo.

"Sige na, aalis na ako may klase pa. Kainin mo na yan."

Pinanuod ko lang sya habang palayo. At napabuntong-hininga nang wala na sya sa paningin ko.

Ano naman kayang gagawin ko sa dosirak na to? Mahilig nga akong kumain pero college na ko para sa mga ganto ka-fancy na bento. Iuwi ko nalang kaya to?

"Ang cute nyan ah. Tititigan mo lang ba yan?" Tumigil ka Sik, alam ko namang inaasar mo lang ako.

Isa pa tong Jinjin at Doyoung na to na kanina pa ko pinagbubulungan.

Ayaw nya atang ipakain to sa sobrang higpit ng pagkakabuhol. Kulang nalang, magliwanag ang laman nito sa sobrang ganda ng arrangement ng pagkain.

Hindi ako nagkamali dahil masarap magluto ang maglolo na yon.

"Ang bango naman. Patikim ha." Tapos ngayon mang-aagaw ka nalang mg chopsticks?

"Kanina lang pinagtatawanan mo ko tapos ngayon makikitikim ka?" Maintindihan nya kaya ako sa sobrang puno ng bibig ko?

"O bakit, sabi ko lang ang cute ah." Naging kamuka nya yung aso nya nung ngumuya sya.

"Girlfriend mo ba yon?"

Pasalamat sya hindi ko naibuga yong kinakain ko sa kanya sa klase ng tanong nya.

"Hindi pa." Huling kimbap na yung sinubo ko dahil nakihati pa tong Seungsik na to.

"Mag-lunch ka nga ng iyo!" -Ako

"Kaklase ni Byung at Subin yon diba?" May balak ata syang ubusin lahat ng laman.

"Oo na, bakit ba?" At ako nama'y parang tangang nakipag-espadahan ng chopstick sa kanya para lang wag nyang ubusin.

"Cute sya."

"Alam ko. Pipili ba ko ng hindi cute?"

"Pinili ka na ba?" Aba---gago to ah.

"Malay mo ako ang piliin." Sirain ko kaya buhay nito?

Palibhasa alam nya na kapag mejo gusto ko ang babae, sa kanya nagkakagusto. Dahil ang gusto nila ay isang pala-aral at responsableng lalake kagaya ng pagmumukha nya. Lakas ng loob ng loko.

Inilagay ko ang chopsticks sa loob ng lunchbox.

"O ano nanaman to?" -Hindi pa nga ako nakakapagligpit ng lamesa inilagay nya na yung laptop.

"Tapusin mo na yang trabaho mo, wag puro Bela." Tumutulong naman ako sa film ah?

"Si Seungwoo muna. Busog pa ko e." Itiniklop ko yung laptop at inabot sa kanya.

"Gumagawa si Woo sa pc nya, kaya wag kang pa-dumbell."

"Pwede pa ba mag-shift sa strand ni Chan---Aray!!!"

Sumosobra na kaka-sapok to ah.

"Kayang kaya mo yan."

"Ansipag mo nga mag-dye ng buhok e." Dagdag nya.

Kung hindi lang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko, nahampas ko na sya ng libro sa harap ko.

Kapag message ni Byungchan ang dumadating, kinakabahan ako dahil pag hindi istorbo, gulo lang ang dala nya.

Open Conversation?
No   |   Yes

Choi Byungchan
12:07 pm

+82********
1-B Shin Bela

Choi Byungchan
Libreng lunch ang kapalit nyan.

Kahit libre ko pa angkan mo.
sent ✅

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now