68

34 0 0
                                    

Sixty-Eight



"Magugunaw na yata ang mundo. Sa unang pagkakataon, ipasi-silip ni Jung Subin ang loob ng bahay nila!"

"Minsan nga naisip kong pinaglo-loko tayo ng Subin na to e, sa laki ng bahay na yon. Baka katulong lang sya don, diba? Makikita natin mamaya pag-pasok sa kanila!"

Bwisit na Byungchan to, akala mo nasa bundok ang kausap nya sa lakas ng boses at sobrang daldal.

"Pwede bang hina-hinaan mo yang boses mo, para kang may kaaway e. Ha?" -Ang sabi ng Rio na to.

Ewan ko ba kung bakit palagi ko nang buntot ang babaeng to. Daig ko pa ang napikot dahil sa kalokohan ng Wooshin na yon. Ako tuloy ang nao-obliga.

Sabagay, ayos na rin na sa bahay tumutuloy ang Rio na to. May taga luto ako, taga-linis at taga pag-pakain kay Jaws. Pagtya-tyagaan ko na kahit laging nasho-short circuit yung toaster ko at nakadalawang basag na sya ng mga antique na vase sa sala!

Galing pa kami ng school at dumiretso na sa grocery dahil wala ng laman ang ref ko at wala akong iluluto pag-punta samin ng mga demonyo.

Ilang taon ko nang kaibigan ang mga to at halos magkakalapit ang bahay namin pero ni-isang beses, hindi ko pa sila napa-pasok sa bahay namin.

"Mamaya, ise-send ko sa gc natin ang picture ng dalwang to kanina sa grocery, napag-kamalan pang ulzzang couple ang mga gago!" -Si Byung

"Byung pwede bang manahimik ka muna kahit ilang minuto lang! Nasa kabilang linya lang ang kausap mo pero lahat ng pasahero sa bus nililingon ka na."

Bakit ba ako nagka-kaibigan na ganto? Nakakahiya rin minsan e.

"Hoy ikaw, ibaba mo lahat ng pina-mili at ako ang maglu-luto." -Utos ko sa babaeng kasama namin nang makita kong malapit na kaming bumaba ng bus.

"Ginugulat mo talaga ako Subin, kelan ka pa natutong mag-luto?!"

Tinulungan ni Byung si Rio na isa-isang kunin ang mga bag ng pinamili namin. Birthday kasi ni Byung ngayon, kaya sinabi kong sa amin naman kami mag-celebrate. Sakto naman na bukas ng gabi ay may lakad ang ilang estudyante ng Dongguk...at kasama kami don.

"Walangya. Nauna pa kayo sa may-ari ng bahay ah, mga hyung."

Nasabi ko nang makita ko sila sa harap ng gate namin. Daig pa nila ang vlogger na iha-house tour ko sa bahay namin.

Kasama ni Sejun ang girlfriend nya at pareho silang hindi pa bumababa sa motor na sinakyan nila. Si Hanse at Sik hyung naman ay naka-sandal sa kotse ni Woo hyung. At si Chan at yung girlfriend nya, halos kasabay lang naming naglakad pa-punta dito sa bahay.

Maayos naman pakisamahan ang mga girlfriend nila, hindi katulad ng ibang mga babae sa Dongguk na akala mo mga prinsesa.

"Kaya mo ba kami papapasukin dito ay dahil wala ang mga amo mong may-ari ng bahay?"

Kanina ko pa gustong batukan to si Sese, nag-sabwatan nanaman sila ni Byung sa kagaguhan.

"Ako ang may-ari ng bahay na to, kahit itira mo pa buong angkan mo dito."

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now