59

25 1 0
                                    

Fifty-Nine




Hindi ko na pinihit ang siradura ng silid nya. Nakikita ko naman sila sa maliit na salaming transparent sa pinto. Mukhang kapapasok nya lang at inaalalayan pa ng nurse pababa ng wheelchair at papunta sa katabing kama. Sa likuran naman nila si Hayoung.

Hihintayin ko nalang ang mga kaibigan namin para sabay-sabay kaming papasok at hindi ako mag-mukhang kakaiba kay Hayoung.

He has a bandage on his head and on his right arm, palibot hanggang sa palad nya.

The nurse went out the room after Chan was settled. Si Hayoung naman ay naupo sa gilid ng kama nya. At nakatitig lang ako sa kanila mula sa labas pero hindi nila ako nakikita.

Bakit ba ako nalulungkot ngayon? Nakita ko naman na maayos sya.

Bakit ba ako nagkakaganito ngayon?

Asan na ba sina Seungsik?

Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko.

Yung kaninang takot, kaba at pagkataranta ko, ngayon lang tumalab at pakiramdam ko hinang-hina ako.

Ganito yung pakiramdam noong unang beses kong makita si Chan na pag-tulungan ng tatlong lalake noon.

Ganitong-ganito yung takot.

Bakit hindi nya ako kasama kanina nung nangyare sa kanya yon?

Nakarinig ako ng mga yabag at alam kong sina Seungwoo na yon.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi at mata ko bago sila makalapit.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" -Sik

"K-kahahanap ko lang ng kwarto."

Alam kong hindi sya naniwala sa sinabi ko.

Hinawakan ni Byung ang doorknob at inikot ito para buksan ang pinto. Isa-isa silang pumasok at naramdaman naman ito nina Chan at Hayoung kaya nilingon nila kung sino ang pumasok.

He also got bruised on his left eyebrow and beside his lip. Nakita ko iyon ng makalapit kami sa kanya. Pero nakakangiti parin sya dahil hindi naman malala ang inabot nya.

"Nagawan na sya ng ct-scan para matingnan kung may skull fracture."

"..."

"Mabuti nalang at hindi sya nakatulog ng tuluyan nung iumpog sya ng barkada ni Dongwoon sa pader."

"..."

"I-Im sorry." -She bowed.

"..."

"Wag ka nang mag-sorry, girlfriend ka ni hyung kaya ayos lang yon."

Nag-liwanag ang mukha ni Hayoung nang sabihin ni Byung yon.

Bakit hindi nya sabihin ang totoo na wala silang relasyon at nag-panggap lang?

Tumigil ka Ana, napaka-immature mo para sa ganyang negativity.

Hayoung kept on talking, hindi ako makatingin kay Chan pero alam kong nakatitig sya sakin. Nagbibiruan pa yung magkakaibigan pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Chan.

Bakit hindi ko sya pwedeng yakapin at sabihin sa kanyang takot na takot ako sa nangyare?

Ni hindi ko matanong kung alin ang masakit sa kanya.

"Ngayon lang ako kinabahan at nataranta ng ganito...Mabuti naman at dumating na kayo medyo nawala na yung tension sa utak ko."

"..."

"Umuwi ka na Hayoung, ihahatid ka ni Woo. Para makapagpahinga ka na. Alas onse na rin ng gabi."

"Ako nalang ang maiiwan dito." -Dugtong ni Sik.

"..."

"Para kayong mga tanga, umuwi na kayong lahat dahil maayos ako. At bukas lalabas na ko."

"No. I'll stay here. Hayaan nyo nang ako ang magbantay kay Chan. Para naman mabawasan ang guilt na ako ang puno't dulo nito."

Seryoso si Hayoung nang sabihin nya yon.

"Please?"

Siguradong walang magagawa ang mga kasama ko kundi umoo sa sinabi ng babae.

Hindi ganito ang inaasahan ko. Akala ko pag-pasok ko ng kwarto ni Chan, mayayakap ko sya at sasabihin nyang wag akong umiyak dahil maayos naman sya.

Katulad dati.

Pero hindi ganun ang nangyare.

Binilisan ko pa ang takbo papunta sa kwarto nya para may ilang minuto pa ako para yakapin sya habang hindi pa dumadating ang mga kaibigan namin.

Gustong-gusto ko syang yakapin.

Pero nandito pala si Hayoung.

Nandito yung girlfriend.

"I-ah...M-mauna na akong umuwi. Amoy beer pa kasi ako." -Singit ko sa usapan nila.

"M-Mukang okay naman si Chan."

Kahit sa totoo lang ay wala akong pakialam kahit mag-amoy araw pa ako at mag-mukhang dugyot. Kunwari hindi ako nag-alala at kuntento nang makita ko syang maayos.

Kahit halos makipag-patayan ako sa utak ko na kumalma sa kaiisip sa lalakeng to.

Hindi ako pipigilan ni Seungwoo dahil kilala nya ako kapag mas gusto kong mag-isa ako.

Lumabas ako ng kwarto ni Chan.

Uuwi ba talaga ako?

Mag-iisip lang din naman ako sa bahay at hindi ako makakatulog.

Lumakad ako papunta sa elevator.

I pressed the lift to ground floor. And I saw my reflection as I went inside it.

Anong itsura yan, Yang Ana? Mukha kang nanganak ng sampung panganay sa sobrang haggard mo.

Na-mulsa ako sa jacket ni Seungwoo na suot ko.

I've had my way on the hallway going out the hospital.

I bit my lip nang may maalala ako. At napapikit ng mariin sa sobrang kabobohan ko.

Bwisit talaga.

Ano ba namang buhay ko ito?

Ano nanamang katangahan ko ito?

Boba.

Gaga.

Ulyanin.

Paano ba to?

Nasa kotse ni Seungwoo ang bag ko.

Nandoon ang pera, cards at phone ko.

Paano ako uuwi kung wala akong pamasahe o bus pass?

Magmumukha naman akong tanga pag hinintay ko silang makababa dito, diba?

Para san pa't nag-walk out ako?

At mas lalong magmumukha akong tanga pag bumalik ako sa taas at sinabi kong kukunin ko muna yung gamit ko sa kotse.

I am all fucked-up.

Naglakad ako papunta sa waiting area sa harap ng information center. I occupied a seat at tumitig lang sa pina-flash sa LED doon.

Seriously? Tutunganga lang ako dito. Hindi ako mag-iisip ng paraan para makauwi nang hindi natatapakan ang ego ko.

Wow.

This is a full-time frustration.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now