76

23 1 0
                                    

Seventy-Six

"Se, baka gusto mong magpahiram ng mic!"

Namumula na si Byungchan kasasaway kay Sese. Pang-labing isang kanta nya na itong sunod-sunod. Hindi pa naman sya lasing pero napakatakaw nyang kumanta.

"Pakakantahin kita ng isa pero bumili ka pang token!"

Saglit lang syang huminto sa pagra-rap para sabihin kay Sik yon.

"Bwisit ka, sayo na yang mic, lunukin mo pa, basang-basa na yan ng laway mo hayop ka." -Subin

Humarap pa sa kanya si Sese habang nagra-rap para asarin sya.

"We just stay blessed stay prayed up
We gonna get new things
junbihae I spit new rap as if it’s my last
nae team
Hip-hop anijiman prove it
VICTON puleseo
Voice To New World
Seoul city finest
got jigu jeonchereul ssak da Blow up"

Hindi natinang si Sese sa pagkanta kahit sinakluban sya ni Sejun ng bucket ng beer sa ulo at nag-echo pa ang boses nya sa loob non.

"How many idols be trippin now
I’m whippin out
Look at how I’m spittin now bish

bureume daphae gureum wi gata
pureuji bakken mureupi ttange dake
nae team nae bieum
mot neukkim I don’t do with em."

Feel na feel nya yung kantang yon at hindi sya huminga hanggang matapos yung rap.

"Sinong sumaklob sa ulo ko, sasakluban ko rin ng arinola sa ulo." -Kinuha nya ang basong may ice tubes at sinalinan ng beer.

Ibang klase talaga tong mga to. Pagod kami sa seminar kanina, at lumaban pa ako ng swimming nung hapon pero wala talaga yata silang kapaguran.

Nag-yaya pang mag-noraebang at mag-inom ngayong gabi. Dito yata talaga sila magkakalat sa Busan.

"Di ko akalaing talo ka nung taga-SNU, Chan hyung! E mukang mas mabilis ka pa dun e!" -Si Byung bago sumimsim sa baso nya.

Nag-second place lang ako sa swimming. Full Scholarship ang mananalo sa event na yon. Hindi ko naman hinahabol dahil naka-half scholarship ako sa Dongguk bilang varsity. At sa palagay ko deserve naman ni Joohyuk ang panalong yon.

"Mas pogi kasi sayo yun, Chan." -Si Sejun at ipinahinga ang kamay sa sinasandalan ng girlfriend nya.

"Siraulo." -Komento ko.

Palagi syang nagthi-third place lang noon kapag nakakalaban ko. Si Kuhn on second at syempre, ako ang first.

Pero ngayon, hindi ako ang nanalo. Medyo nadagdagan kasi ang timbang ko sa katakawan sa beer. Mas matakaw naman ang mga to pero masama sakin yon.

"Baka naman magpakalasing pa kayo, may teambuilding pa bukas ng umaga." -Sik

"Hyung, wag na tayong sumali don. Marami namang kasali don hindi mapapansing wala tayo."

"Tumigil ka nga Jung Subin, at tama ka na jan ha. Sunog baga ka rin e."

Tinanggal ni Woo sa kamay ni Subin ang hawak nitong baso. Napakamot ulo naman ang nakababata.

"Pero seryoso, malalaking university ang kasama natin. Kaya kahit magagaling ang officers at contestants ng Dongguk, kailangan nating tumulong sa officers."

"Sus Sejun, sinasabi mo lang yan dahil officer yang katabi mo. Nung nakaraang taon lang ikaw pa daw nanguna mag-lasing nung nasa Jeju kayo, gago." -Si Byung.

"Kahit hindi tayo mag number 1 ngayon, basta mag-enjoy lang tayo. Ang mahalaga na-invite ulit ang Dongguk sa ganitong event na puro malalaking university ang kasali."

"Tuluyan nang nalason ni Sejun ang isipan ni Bela. Dati-rati pumapatay to ng ka-grupo pag inuuna ang kasiyahan! Tapos ngayon ikaw ang nagsasabing mag enjoy lang ta---ARAY KO NAMAN HYUNG!!!"

"Namumuro ka na ka-pupukpok sakin ng bucket na yan Chan hyung ha!"

Nagre-reklamo pa si Byung na parang batang nagmaktol.

"Laban nga pala ng pinsan mo ngayong gabi, Chan, diba?" -Kalalapag lang ni Sik ng mikropono matapos kumanta.

Kanina pa nag-simula ang Colleges of Arts na gumawa ng mga pieces nila. Malamang ngayon inaayos na lang ang Show Booth nila para sa judgments. Idi-display sa National Museum ang mapipiling piyesa.

Ana always gives her heart kapag canvas ang kaharap nya. She's been painting since I can remember.

Thats one reason kung bakit gusto ko sya.

Gusto ko kapag magulo ang pagkakatali ng buhok nya habang nagpi-pinta...

Kapag nakasuot sya ng apron na namantsahan ng gamit nyang pintura...

At kapag puno ng ibat-ibang kulay ang kamay nya,

Ang sarap nyang panuorin at pag-masdan.

Alas otso pasado palang ng gabi at alas nuwebe lang daw ay uuwi na rin kami dahil mahaba pa ang araw bukas.

"May cocktail din naman bukas sa pool party kaya bukas kayo magpakalunod." -Bela

Iniligpit pa nya ang mga kalat sa mesa sa loob ng karaoke room. Ganito sya lagi lalo na kapag kumakain kami sa labas ng magkakasama. Siguro dahil nasanay sya sa restaurant nila.

"Yun! Sana may mag-2 piece parin kahit hindi summer!"

"---Pero baka wala, magwiwinter ba naman e! Sino bang nakaisip ng gantong theme? Ang bobo. Sayang tuloy ang 2-piece."

"Manyakis ka na talaga, Subin!"

"---Teka nga muna, bakit kasama rin yung girlfriend mo sa Hilton? Saan sya kasali, hindi ko naman nakita pangalan nun sa post ni Huhgak ah!"

"Bakit ba tanong ka ng tanong sakin, Byung? E kung ikaw kaya magtanong?"

Huling kanta na yung natapos ni Sese at Sik at hindi na ulit sila nag-play pa. Inuubos nalang rin nila yung huling bucket ng beer.

"Chan, namumula ka na." -Nakangiti lang sakin si Hayoung nung nilingon ko sya.

"What about congratulate Ana when we reach back the hotel?"

She was still talking to me.

"Im sure she'll win." -She added.

Ana has been distancing herself from me. Pero kagaya ng sinabi nya, hindi sya bumalik kay Seungwoo.

Hayoung told me that she'll still accept my help. Na protektahan sya habang hindi pa nahahanap ng mga pulis ang dati nyang boyfriend.

Since I insisted na gawin yon, dahil in the first place, nasimulan ko na to. At malaking kabawasan sa pagka-lalake ko kung iiwan ko sya sa gantong sitwasyon.

Naireport na nya ang mga ginawa ni Dongwoon pagkatapos namin dumalaw sa mommy nya. Pero lalo lang syang pinagbantaan nito at patuloy na tinatakot sa text messages.

At kasalukuyan paring hinahanap ang lalakeng yon. Hayoung told me she'll talk to Ana after all the mess.

But I said not to.

I'd like to win her back.

Like alone.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now