42

40 1 0
                                    

Forty-Two

"Ngayon ko lang nalaman na may ganitong library dito."

She has amazement on her face. Napakasimple naman ng lugar na to para maging ganito kaaliwalas ang mukha nya.

Hindi naman ako mahilig mag-basa pero kakaiba ang library na to kumpara sa iba. Walang may-ari nito at syempre wala ring bayad ang libro.

Ang mga unang libro dito ay galing sa nasunog na library sa Gangnam at itinambak sa bakanteng lote na to. At yung mga bookworm na walang pag-lagyan ng pre-loved na libro ay dito na rin nagtambak. Hindi na binawi ng Gangnam ang mga libro hanggang sa dumami at ginawa ng free corner.

Pwede kang kumuha ng librong gusto mo at ang kapalit ay mga lumang libro mo rin. Walang bantay pero hindi nauubos ang laman kahit ang iba ay walang kapalit na dala. Siguro dahil dito na rin sila nagbabasa. Isa pa, makokonsensya ka dahil sa nakasulat sa labas ng library, 'a person that reads is smart and a smart person does not steal' .

Palagi ko syang nakikitang nagbabasa sa canteen kaya inassume ko na mahilig sya sa libro. Kumain lang kami at maaga pa para umuwi kaya inaya ko muna sya dito. Samin kasing magkakaibigan, ako lang ang taga Jung district kaya malapit lang sa school at hindi ako gagabihin masyado sa pag-uwi. At si Bela, taga-Jung rin.

Hindi nya naman alam na pupunta kami sa gantong lugar kaya wala kaming dalang libro. Maliban dito sa librong nasa bag ko. Libro to ni Woo na binigay kay Chan nung nagshu-shoot kami ng Secret Santa sa project naming me7men. Hindi nya naman na siguro to hahanapin. Hahaha.

"Siguro ka bang hindi nya na kailangan to?"

"Tsaka, bakit naman sya nagbabasa ng gantong libro?" -Sya

Sa totoo lang hindi ko rin alam. Hindi ko sya nasagot dahil busy ako sa pagkuha ng litrato nya. She' cute.

"Magkaibigan nga kayo ni Jung, pareho kayong mahilig sa picture."

Alam nya palang pinipicturan ko sya. She's been browsing books for a minute when I saw the book she opened, Letters from the Earth.

"Gusto mo bang sumama sa bahay para magdinner?" She said eyes on the pages.

"Sure." Sure agad ng mabilis pa sa alas kwatro, Sejun.

Kakakain lang namin pero mabuti na rin yon para mas matagal ko syang kasama.

"But I'll drop by at Jungbu, gusto ko ako ang pipili ng iluluto para sayo."

Twenty minutes lang mula dito ang supermarket. She's gone comfortable with me, at ngayon naman ay kusa na syang nag-aaya. Akala ko mahihirapan akong i-approach ang babaeng to.

Byung and Subin told me she only talks to few people. Matalino sya pero hindi naman sya pa-nerd, dahil sa totoo lang, siraulo rin syang kausap minsan.

•••

"Nakailang picture ka na ba mula sa library, sa supermarket at ngayon dito sa kusina?"

Bakit nya alam na kinukunan ko sya ng pictures kahit nakatalikod sya?

"May mata ka ba sa likod?"

She chuckles when she realized what I meant.

"May gusto ka ba sakin?"

O ano, Lim Sejun, bakit na-tameme?

"My grandfather was a photographer."

Yung isang lolo nya siguro ang ibig nyang sabihin.

"He took photos of my grandmother almost a lot."

Hindi ko alam kung anong ginagawa nya basta nagluluto sya yun na yon.

"He said people photographs what they think is important...and so was my grandmother to him."

...loading Sejun

"Kaya bawas-bawasan mo ang mga kuha ko jan bago ko isiping importante ako sayo."

Hindi ko masasabing estudyante ako ng Filmography kaya natural sa akin ang kumuha ng kung anu-anong litrato. Dahil kung tutuosin, si Chan lang ang mahilig don. Halos wala ngang laman ang gallery ko kundi screenshots ng mga plano kong orderin sa Gmarket, 11th Street at Coupang. Ni selca, wala.

"I just like the idea being with you."

Boom. Ang galing mo Sejun. Di halatang torpe ka sa gwapo mong yan.

"Torpe ka talaga."

What the---

"You'll lose the chance pag hindi ka pa umamin ngayon."

Wala nanaman akong naisagot. Mula sa pag-approach ko sa kanya, sa pagtulong dito sa shop at sa pag-aaya ko, mahirap itanggi na may gusto nga ako sa kanya.

"Oy."

She snapped a finger to my face.

"I was just joking. Lumabas ka na, kakain na tayo, gutom na si Lolo."

Mahina lang nya akong tinawanan at lumabas na dala ang unang tray ng pagkaing niluto nya.

Ambobo mo talaga Lim Sejun.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Onde as histórias ganham vida. Descobre agora