08

35 2 0
                                    

Eight

"Mas maganda to sa commercial."

"Wag ka ngang maingay nakakahiya!" Nabatukan ko tuloy sya ng mahina.

"Sabi ko naman sayo ako nalang bibili kung nahihiya ka." Tatawa tawa pa sya habang naglalagay ng ilang packs ng sanitary napkins sa basket.

"Pag nasa counter na ko lumayo ka muna ha." Naiinis kong sabi kay Chan.

"Bakit ka ba nahihiya, wala kang magagawa kung anjan ka na sa age na yan." He opened a chip pack at kumain.

"Di pwede mag-adjust muna dahil first time?" Totoo ngang pag meron ang babae, mainit ang ulo.

Nagpasama lang naman ako dahil nahihiya akong bumili mag-isa pag para sakin e!
Pero ang gulo gulo nya, lalong nakakahiya!

Pumila ako sa counter at mejo lumayo nga sya gaya nung utos ko.

Pag minamalas ka nga naman talaga. Lalake na nga yung nasa unahan ko, tapos grupo pa ng mga lalake yung nasa likod ko. Isang babaeng may dalang napkin ang napagitnaan nila!

Hindi ko sila tinitingnan pero nagbubulungan sila.

Sa sobrang praning ko feeling ko ako ang pinag-bubulungan nila.

Napalingon sa kinatatayuan ni Chan at kumakain lang sya nung hotdog na binili nya sa stall.

Ayokong maramdaman nya'ng awkward yung sitwasyon ko ngayon kaya nagbawi na ako ng tingin.

Nakakainis naman, ano bang pinagtatawanan ng mga lalakeng to sa likod ko? Bat ba ang bagal ng kahera kanina pa---

Nagulat ako ng may umagaw sa basket ko.

"...ako na." Sabi nya at pinaalis ako sa pila.

"...intayin mo nalang ako sa coffee shop sa harap." Nakangiting sabi nya lang sakin.

Tumango lang ako at agad na tumalikod.

Sa halos 24/7 kaming magkasama ni Chan, imposibleng magtago ako ng sikreto at pakiramdam sa kanya.

•••

"Opo tito, maayos na po sya pero naka-oxygen pa rin." Naririnig ko ang boses ni papa sa telepono ng ospital.

Kausap sya ni Chan.

Kawawang Chan, pati pag-atake ng asthma ko nakikihati sya.
Akin ang hirap sa paghinga, sa kanya naman ang taranta.

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now