37

43 1 0
                                    

Thirty-Seven

"Hi. Kailangan mo ng subject?"

Maganda nga sya. Lalo na sa malapitan.

Pero hindi ko muna sya sinagot.

"Transfer ka diba? Oh Ha Young."

Binitiwan ko yung camera para abutin ang kamay nya. Sya palang yung unang babaeng kumausap sakin sa klaseng ito.

"Heo Chan."

Hindi ko naman itatanggi na sa lahat ng kaklase ko, sya yung pinakamaganda. Maganda rin naman si Naeun, but she is somewhat sassy. While this Hayoung is a preserved one.

"Smile." Ngumiti naman sya kaagad nang makita ang kamera kong nakaharap sa kanya.

Maganda rin ang rehistro nya. Dahil genuine at inosente ang ngiti nya.

Hindi ko sya pwedeng gawing subject. Simply because I dont subject girls. Well, I did. Pero masyado nang pinuno ng isang babae ang camera ko dati ng pagmu-mukha nya.

"I saw you swim last tryout." Komportable syang naupo sa harap ng upuan ko.

"Mabilis ka pa kay Kuhn." Ikinumpara nya ako kay Kuhn, sya ba ang ace swimmer nila?

"Swimmer ka rin ba?" Malamang Oo ang ibig sabibin ng ngiti nya.

"..."

"So, gusto mo ba kong gawing subject?"

Ngumiti parin sya nang tumanggi ako.

My phone vibrated and pull it out from my pocket.

Open Conversation?
No | Yes

My Ana
I'm making dinner. Anong
oras ka uuwi?
04:45 pm


Kung nandito sya ngayon sa harap ko at nakita nyang natatawa ako sa text nya, malamang nabatukan na ako noon.

Para syang asawa kung mag-text. At bakit ba nya ako tinatanong ng oras ng uwi? E hindi naman kami sa iisang bahay nakatira. Yeah, she invites me sometimes pero ngayon lang sya nagtanong kung anong oras ako uuwi.

Not sure. May tatapusin pa
kasi ako.
sent✅

You can wait if you want.
sent


~

Pasado alas otso na at pauwi palang ako. Inabot rin ako ng halos sampung minuto sa pag-aantay palang ng bus sa station. Sumasakit na ang ulo ko sa gutom, hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa gawain.

Halos 15 minutes lang ang aabutin kung ganito lagi kabilis ang sasakyan. Dadaan pa sana akong fast food para kumain, pero mas gusto kong umuwi na. Tutal inaya naman akong kumain ni Ana sa kanila. At kung hindi nya naman ako hinintay, magra-ramyeon nanaman ako.

Wow. College is fun.

"Hi, Chan."

Nilingon ko yung tumawag.

Sya? San kaya sya umuuwi?

"Bababa ka rin ba?" Tumango lang ako.

"Nagsimula na ang Fall." Nakatingin sya sa labas ng sasakyan ng sabihin yon.

Kung taga Jongno sya at sa apartment tumutuloy, malamang kasabay ko rin syang maglalakad pauwi.

"Gusto mo bang sumama sa movie review sa Friday night? Masaya kapag marami kang kasama hindi ka maiinip."

Sa dami naman kasi ng ipapanuod sa amin e bakit sampung classical movie pa. Baka hindi pa ako nakakaisa e makatulog na ako.

"S-sure."

"Mabuti ka pa madaling kausap."

She smiled to me. Hindi ako madaling kausap. Wala naman kasi akong pagpipilian kaya umoo ako. Mahina ako sa English kaya kapag pinanuod ko yung mga classical movies na yon, siguradong walang korean subtitles dahil kung saan-saang baul lang yon nang-galing.

I was right right. Bumaba rin sya sa binabaan ko. Maglalakad pa ako ng kalahating kilometro bago ang bahay namin at ang apartment naman nya ay sa susunod na kanto na.

Hindi manlang nawala ang pag-ngiti nya mula kanina. We are walking side by side and this doesnt feel uncomfortable for her dahil magaling syang mag-dala ng usapan. Ako nga palagi ang walang masabi kundi oo at hindi lang. Hindi naman sya madaldal, but somewhat confident instead.

"..." I saw her laces are untied. Pero hindi ko masabi sa kanya dahil nagku-kwento pa sya.

"Why did you choose this course? I mean, masaya at competitive sa ibang department, pero itong sa atin ay---"

"Uy? Kanina ka pa tahimik."

She snapped her fingers to me at katulad ng inaasahan ko, nakangiti parin sya.

"I-ah...lift up your foot to me."

Nabigla lang ako kaya ko nasabi yon.

"H-ha?" She looked down on her feet para tingnan kung anong mali sa paanan nya.

"A-ako na." She said, but I saw her struggling to get down because of her clothes.

"Just lift your foot, its ok."

"S-salamat, Chan."

Hindi ko pa nga naitatali ang sintas nya, nagpapasalamt na sya. Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang sya naging mahiyain.

"S-salamat." Nagpasalamat nanaman sya ng maitali ko iyon.

"Sure."

"Dito ka na ba?" Tinanong ko sya nang makitang sa kanto na sya liliko.

"I-ah...I'll be going, Chan. Ingat ka."

"Hm."

Inalis ko sa pagkakapamulsa ang kamay ko para magpaalam rin sa kanya. At nagsimula nang maglakad ulit pauwi.

Paliko na sana ako nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na tao sa loob ng convenient store.

At ano nanamang ginagawa ng babaeng to dito, anong oras na nasa labas pa sya. She doesnt usually goes to store just to buy Binggrae. Sa sobrang tamad nyang maglakad, hindi sya lalabas ng bahay kahit anong uhaw o gutom.

O wag mong sabihing naiwala mo nanaman ang susi ng bahay nyo?

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum