91

23 0 0
                                    

Ninety-One


"Ana, malayo-layo na to sa Dongguk, tsaka nasa University na ang mga estudyante sa mga oras na to."

Kanina ko pa sya sinasaway na tumigil na kakanakaw ng halik. Hindi naman ako natatakot na may makakita samin. Yun nga lang, sumusobra na sya.

"Nakaka-dami ka na." -Ako at nagkibit balikat lang sya.

Iniwan nya yung kotse ni Heo Jun sa labas ng Naksan. Itinakas nya lang yun dahil nag-commute ang kuya nya pa-luwas ng Gyeonggi kagabi.

"Chan look... Ang cute, no?"

Nilingon nya ang itinuro kong bata. Ang kyut kyut kasi non. Mahigit isang taon siguro ang batang babaeng iyon, at ang taba-taba ng pisngi. Naglalakad syang mag-isa at may hawak hawak na itlog. Sa likuran ng bata ay ang kanyang mommy, at ang daddy nya na mukhang suplado.

"Gusto mo?" -Si Chan.

"Siraulo."

"O. Sabi mo cute diba?"

Sinabi ko lang na cute, pero hindi ko pa gusto!

"I want three children from you, Ana." -Him

"..."

"Unless you'll want more."

Hindi naman sya mukhang nagbibiro pero ang weird na pag-usapan namin yon dahil lang nacute-an ako sa bata.

"Ikaw?" -Sya ulit.

"..."

"Kahit isa lang, basta gawa mo." -Pagbibiro ko.

He's too cute when he smiles like this.

He's too precious.

"Bakit isa lang? I could give you a team."

Siraulo talaga to.

"Gago ka talaga, ano Chan?"

"Bakit? Hindi mo ba naisip na magkakaanak tayo?" -Bakit ba seryoso ang itsura ng taong ito ngayon?

"..."

"Ako nga palagi kong naiimagine na isang araw, uuwi akong pagod...tapos sasalubungin mo ako sa pinto...kasunod mo yung tatlong anak natin na nag-uunahan palapit sakin..."

"Papa! papa! ... Ang cute diba? Tapos hahalungkatin nila yung dala ko at maghahanap ng pasalubong."

"..."

He even made a baby sound and it was just so cute.

"Ayaw mo ba?"

"..."

He found me staring at him.

"That's crazy..." -Ako

"..."

"...But that's too overwhelming, Chan."

It is just a vivid point in my head.

Kapag sinasabi ni Chan, parang nagiging fairytale ang lahat ng kwento tungkol sa amin.

Hindi ko na napansing hindi na yung lugar ang nae-enjoy ko, kundi yung oras kasama si Chan.

"After having lunch here, bibili muna tayong baon bago pumuntang Gyeongsang."

He seems really excited.

Apat na oras ang byahe pa-Gyeongsang. Kaya daw kami magba-byahe ng malayo dahil hindi namin na-enjoy ang Busan kahapon.

"Chan, hating-gabi na tayo makakabalik ng Seoul pag-pumunta tayong Yeongdeok."

"Oo nga, maliban nalang kung gusto mong magpalipas ng gabi don."

Mahilig ako sa horror movies pero hindi ako magpapalipas ng gabi sa lugar na yun. Baka maiuwi ko pa ang masasamang espiritu don.

"Tara na? Alas onse pasado na."

We started walking going out the village para kumain ng tanghalian pagkatapos ay bumyahe ulit.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now