09

34 2 0
                                    

Nine

"Wag ka nang makulit, dadalan kitang pagkain. Kaya ko naman e." Pagmamatigas ko sa kanya.

"Wag na. Dadaan nalang ako ng 7/11 at bibili. Isa pa hindi naman ako magugutumin." Si Chan habang isinisilid ang gamit nya sa training bag.

"Delikado pag gabi kaya dito ka nalang." Habol nya pa tsaka ginulo ang buhok ko at tuluyang lumabas ng pinto nila.

Lumabas na rin ako para umuwi sa bahay naminMagluluto ako ng pagkain at dadalan ko sya sa ayaw at gusto nya.

Babalik kasi sya ng school para mag-train ng swimming. Varsity sya ng team. At malamang alas dose nanaman ng hating gabi sya uuwi gaya nung nakaraan.

Kung aasa sya sa 7/11, ilang kalye pa ang lilikuan nya. At kilala ko si Chan, hindi yon lalabas para lang bumili. Tapos uuwi sya at sasabihing kumain sya.

I want to do little things for Chan, not because he do all favors for me. But because I love him --- he's my good good cousin, brother and friend.

•••

"Anong ginagawa mo rito?" He removed his goggles ng makalapit sakin.

"Ah-"

"Ba-bye!" Mabilis kong inabot sa kanya ang bento at tumalikod kaagad para hindi na sya magsermon.

"Hoy, teka." Teka daw e, kaya tumigil ako. May kinuha sya sa bench at lumapit ulit sakin.

"Baka sipunin ka." At ibinalot sa akin ang jacket nya.

"Sige na umuwi ka na, madilim na." Ang hirap hirap mag-braid pero ginulo nya lang!

•••

Sinisipa ko ang maliliit na bato sa daan habang nagmumuni-muni't naglalakad. Nasa bulsa ng jacket ni Chan ang mga kamay ko. Buti naman malapit na ko, makakapag-review na ko. Uunahin ko ang Math dahil bulok ako dun. Hihi.

Pero.

Teka----

Shit.

Kinapkap ko ang bestida ko pero wala nga pala itong bulsa.

Kinapkapan ko rin ang suot kong jacket pero hindi ko pa to suot kanina bago pumuntang gym.

Wala rin akong dalang bag kundi bento kanina kaya imposibleng naiwala ko yun sa daan.

Naupo ako sa gutter sa tapat ng bahay namin. Pumunta rin ako sa bahay nina Chan pero sarado rin.

"Anong gagawin ko? Siguradong pagagalitan ako ni Chan pag sinabi kong nasa labas lang ako ng bahay magdamag."

"Wala pa naman sina Seungsik ngayon, san ako pupunta, nakakainis naman." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Aish! Nakakainis! Nakakainis! Bat kasi nagmamadali ka masyado naiwan mo tuloy yung susi sa loob! Pano ka ngayon papasok ha?!" Mahina kong inumpog ang ulo ko sa aking tuhod.

I looked around. Mukang dito lang talaga ako magdamag.

•••

"---Ana?" Nakarinig ako ng boses mula sa pagkakaub-ob ko.

Mabilis akong napatayo sa taranta at pinagpagan ang likuran ng aking damit.

"C-Chan." I smiled at him.

"Anong Chan, anong ginagawa mo dito, alas onse pasado na." Inayos nya yung pagkakasuot ko ng jacket.

Kamot ulo lang akong ngumiti sa kanya.

He sighed and rolled his eyes.

Mukang na-gets nya na kung bakit ako nasa labas.

"Bakit hindi ka bumalik ng gym kung wala kang mapuntahan. Ang lamig lamig dito."

He grabbed my hand and pulled me walking into their house.

"E kasi baka sigawan mo lang ako sa kabobohan ko. Tapos sisisihin mo ko kasi nagdala-dala pa ko mg hapunan mo. T-tsaka ayoko dun---dami daming lalakeng hubad dun. Yoko." I found myself in a pout explaining many things to him.

Nabawasan ang lamig ng makapasok kami sa loob ng bahay nila.

Opp---bakit sya nakatitig at nakangiti lang sakin, di ba sya magho-homiliya sakin dahil may isa syang bobong pinsan na patutulugin dito.

Nawawala nanaman yung mata nya sa kangingiti nya. At yung dimple nya.

"Cute." Yung bangs ko naman ang inaayos nya.

"H-ha?" He even moved closer.

"You're right. Don't look at any guy but me." Ngayon naman haplos haplos nya yung dalawang pisngi ko.

Ang init ng kamay nya. Pati titig nya na mas seryoso ngayon.

Niyakap nya ako. But my hands remained on his chest. Like they are afraid to embrace back.

I can feel his lip on my ear from that hug.

He kissed me on my forehead. Gently and lovely. Before he let me go.

"Gamitin mo yung kama ko, dito nalang ako sa sala."

He walked away from me at papunta ata sya sa kwarto nya para magbihis.

Nang makabalik sya ay pinapasok na nya ako sa kwarto nya para matulog. At sya naman ay nahiga na sa couch.

I felt tiredsome when my back meets bed. Parang ngayon palang ako huminga mula kanina.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum