Chapter 13 Part II

55.2K 364 11
                                    

** PL's Note: Dedicated sa kanya. Gusto  niyo malaman kung bakit? Hahaha.. Naaa! Gusto ko lang naman.. Hello kay  inkpurpleheart.. ^____^V.. ________________________________________________________________________

Chapter 13 Part II

 

Pagdating namin ni Ryan sa hospital. Yep! Sinamahan niya ako, sabi ko nga baka may pupuntahan siya, kaya lang sabi niya 'wala naman daw'.. =______= Pero nakita ko, kagabi sa side table ng kama niya na may dates na naman siya, puro babae kasi pangalan ng Imimeet-up niya..

Nakaupo lang kami dito sa labas ng Operating Room at naghihintay na may lumabas na Doctor. Kanina padin ako hindi mapakali..

Ryan's Pov

 

Kanina pa tawag ng tawag si Mommy, paano ba naman kasi naalala ko na nangako nga pala ako na dun na muna ako sa bahay namin sa Ayala uuwi.. Pero anung ginawa ko? Eto kasama ko si Phia na kanina pa hindi mapakali, siguro naman maiintindihan ni Mommy at Daddy kung sasabihin kung nagkaron lang ng Emergency.. Hindi ko naman pwedeng iwanan si Phia dito na ganito ang kondisyon.

Pati ako nag-alala narin sa kanya eh. Psh! Don't get me wrong, nag-aalala ako dahil isang buhay ang nakataya dito.. Hindi na nga namin napag-usapan ni Phia ang nangyari kagabi dahil, halata namang umiiwas siya na pag-usapan namin iyon at isa pa tingin ko naman ay hindi ito ang tamang oras para pag-usapan yon. Katulad nalang kanina.

FLASHBACK

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa Bathroom.. Nakadapa ako at sumilip sa nakasaradong pinto nito. Hindi ko alam kung baliw na ba ako o sadyang nahihibang na.. Napapangiti ako sa tuwing aalalahanin ang nangyari samin kagabi.

Isa lang ang alam ko sa ngayon, iba si Phia sa lahat.. May something sa kanya na hindi ko pa maintindihan sa ngayon, kagabi kahit masyado kaming nadadala ng mga pangyayari ay hindi padin siya pumayag.. Pumayag na ibigay ang sarili niya.. Natutuwa ako dahil sa isipin na yun.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga, at binuksan ang pinto. Good thing na hindi ito nakasara.. Pumasok ako at hinawi ang plastic na kurtina..

Bakas sa mukha ni Phia ang pagkagulat kaya mabilis niyang kinuha ang towel at itinakip sa hubad niyang katawan.

"R-ryan anung ginagawa mo dito?" Takang tanung niya, bakas padin sa mukha niya ang pagkagulat. Ngumiti lang ako at niyakap siya..

"Bilisan mo! Sasamahan kita sa hospital." Bulong ko sa kanya, at saka hinalikan siya sa noo, sa ilong, napapikit pa siya ng halikan ko siya sa labi..It was just a smack, ayoko pa man na bitawan agad siya, kaya lang kailangan na naming magmadali.

Lumabas nako don, at baka mamaya hindi na ako makapagpigil may magawa pako.. Pagkatapos ni Phia na mag-shower, ako naman ang naligo, paglabas ko bihis na siya.

"Phia." Tawag ko sa kanya, ng makita kung kinakagat niya ang kuko, nakita ko kasing paikot-ikot siya sa buong kwarto, at bakas sa mukha ang lungkot.. I feel bad for that! Tumigil siya sa kakalakad at humarap sakin na may luha sa mga mata. "Phia yung nangyari nga pala...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng napaupo siya sa kama at tinakpan ang palad ng kamay.

"R-ryan nag-aalala ako kay Mama.." Umiiyak padin siya. Gusto ko man pag-usapan namin ang nangyari kagabi, kaya lang mukang hindi pa ito ang tamang oras.. "*sobs* Sana maging successful ang operation ni Mama." Iyak padin siya ng iyak.. Parang nararamdaman ko din tuloy yung sakit na nararamdaman niya. Nilapitan ko siya kahit na medyo basa basa pako at nakatowel lang. "Kasalanan niya to!!" Madiin niya sabi, inakbayan ko na payakap si Phia at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko habang iyak padin siya ng iyak. Hindi ko man malaman kung sinong tinutukoy niya sa sinasabi niyang kasalanan niya to! Ang mahalaga mapagaan ko ang loob niya.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora