Chapter 58: The Invitation

89 5 0
                                    

Hola cariños! :).. Last 8 update :).

__________________________

Chapter 58: The Invitation

Zhai´s POV

Kinarga ko agad si Raph at pinaikot ikot. Tuwang tuwa naman ang bata dahil sa ginawa ko. Napapatingin ako kay Phia na hanggang ngayon naluluha na.

¨Felicitaciones a mi mami y papi..¨ Tuwang tuwa naman kaming niyakap ni Raph. Kiniss niya pa kami pareho sa cheeks ni Phia.

Pagkatapos ng yakapan na iyon. Pinagmasdan ko sa mga mata si Phia. She´s now being speechless. Tulala lang din siya habang nakatitig sa mga mata ko..


¨I´m sorry.. Im sorry....if...¨ Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng paghahampasin niya ako sa dibdib.

¨Nakakainis ka! Nakakainis ka!!¨ Iyak siya ng iyak.

Pinilit ko siyang hulihin para yakapin. Yakapin ng sobrang higpit.


¨I love you, Phia..¨ Marahan akong kumalas sa yakap para tingnan siya. Pulang pula ang mga mata niya. 



Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Magsasalita pa sana ako ng bigla na kaming higitin ni Raph.


¨Mommy and Daddy.. Quero comer.¨ Nakapout na sabi ni Raph. Napatingin naman kami pareho ni Phia at pareho napatawa..




--

1 week later.


¨Sigurado ka ba na gusto mo ng bumalik?¨ Tanong sakin ni Phia, habang inaayos ang mga gamit namin upang ilagay sa luggage.

Nilapitan ko siya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

¨I think it´s about time to face them..¨ Sabi ko ng nakangiti.. Ngumiti naman si Phia. Napag-usapan narin kasi namin ang tungkol sa pagbalik namin sa Pilipinas. Noong una ay nabigla siya sa sinabi ko pero kinausap kona rin siya ng maayos tungkol don, hindi naman pwedeng habambuhay nalang kami na nasa ganitong sitwasyon.

¨If that so...¨ 

¨Phia..¨ Kinuha ko ang dalwang kamay niya.. ¨I love you..¨ Sabi ko at hinalikan siya sa noo..


Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. Kasabay ng pagngiti niya..

Niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan sa ulo.





*****

Ryan´s POV



¨Heeey tol, it´s been a long time since the last time I saw you here..¨ Napangiti ako ng sabihin yan ni Ken. Well nandito lang naman ako ngayon sa Bar na pagmamay-ari niya, 2 days narin ako simula ng makabalik dito sa Manila.


Hindi ko natagpuan si Phia sa Albay. Pero isang sampal sakin ang balitang natanggap ko.

¨Vodka con redbull. Please!¨ 

¨So what brought you here?¨ Tapos tumingin pa siya sa may likod. ¨Hindi mo ata kasama yung girlfriend mo.¨ 

Napapikit ako.

¨Ken, please! Not now.¨ Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Im really pissed everytime na maaalala ko sila.

¨Ok! Ok! Chill.¨ 


¨I´m here to talk to you..¨ Sabi ko kay Ken. Napatawa naman siya.


¨About what? Girls?¨ 

¨No!!!¨ 

¨Oh! So ano nga yon?¨ 


¨Lilipad ako papuntang Spain..¨ Halata naman halos ang pagtataka sakin ni Ken.



FLASHBACK!


¨Ryan!?¨ Napangiti ako ng makita ko ang Mama at Tita ni Phia. Nagkatinginan pa sila bago muling ibalik ang tingin sakin. ¨Anong ginagawa mo dito!?¨ Tanong ni Mama Eli, mama ni Phia.



Hindi kona napigilan ang mapayuko at maluha..


Unti-unti kung inihakbang ang mga paa ko palapit sa kanila, pakiramdam ko ang bawat paghakbang ko ay napakabigat



Pero pinipilit ko padin. Namumuo ang mga luha sa mata ko, pero kinakaya ko itong hindi patuluin.



Pinagmamasdan nila ako mula ulo hanggang paa. ¨P-patawarin niyo ko..¨ Tanging nasabi ko at hindi kona nga nakaya pang pigilan ang mga luha ko. ¨Hindi ko s-sinasadyang m-masaktan ang anak nio.¨ Lumuhod ako sa harapan nila. Hikbi ako ng hikbi, kung kaya ko lang ibalik ang lahat ng nangyari, kung kaya ko lang.. Ginawa kona!

Sana hindi ko siya nasaktan ng sobra, sana hindi ko siya nagawang pagtaksilan..


Pero nagulat na lang ako ng bigla nilang hawakan ang kamay ko, napaangat ang tingin ko sa kanila mula sa pagkakayuko.

Pinatayo nila ako sa pagkakaluhod ng walang sinasabi. Hindi ko alam kung anong iniisip nila.


¨Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin para....para maibalik ang lahat sa dati..¨


¨Ryan..¨ Nagkatinginan si Mama at tita ni Phia, umalis na muna ang tita ni Phia kaya tanging kami na lang ni Mama niya ang magkaharap ngayon.




¨Ma...patawarin nyo po ako!¨ Iyak ako ng iyak, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.







¨Anak....¨ Napangiti ako ng tawagin niya ulit akong anak. ¨Kung mahal mo talaga ang anak ko.. Hahayaan muna siya kung saan siya masaya..¨ Nawala agad ang kakapirasong ngiti ko dahil sa sinabi niya.


¨Po!?¨ 


¨Alam ko kung anong nangyari sayo.. Kung talagang mahal mo siya, ipaglalaban mo siya at hahayaan nalang sa kung saan siya magiging masaya..¨ 


¨Hindi ko po kayo maintindihan..¨ 


¨Anak, alam ko na nakulong ka. Alam ko na matagal mo ng hinahanap ang mag-ina mo.¨ 


¨Ma, gusto ko hong m-malaman kung nasaan sila. Gusto ko pong m-malaman.. Gusto ko po s-silang makita.¨ 


Ngumiti naman si Mama. ¨Masaya na ang anak ko kung nasaan man siya ngayon. Sana maging masaya ka na lang din para sa kanila.¨ 



¨P-pero....¨ 


¨Hayaan muna ang anak ko Ryan.. Bumalik kana sa inyo.¨ Napaiwas agad ako ng tingin.


¨H-hindi.. Hindi ho ako papa.....¨ 


¨Pakiusap!¨ Hinawakan ni Mama ang kamay ko. At kinausap gamit ang mga mata at ang isip. Matagal kaming nagusap ng mga mata niya, at after non binitawan na niya ang kamay ko at nilampasan ako.




--

Ilang araw na akong laging susubok subok sa bahay nila, alam kona alam nila na magpasa hanggang ngayon ay nandito padin ako.


Hindi nako umalis, nanatili kami ni Con na natutulog sa kotse ko.


Umulan man o umaraw hindi padin ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko ang mag-ina ko.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon