II

219 19 0
                                    

Lemuel's P.O.V

"Grabe, kinareer mo talaga 'yung panglilibre ko sa'yo ah." Nandito kasi kami ngayon sa isang mamahaling restaurant.

"Hindi ba't ikaw mismo ang nagsabi na ililibre mo ako?" Nakataas pa ang kilay nito nang sabihin ni Neo iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kaibigan at nag-order na lamang dahil wala narin naman akong magagawa.

"Patay gutom ka talaga." Nasabi ko ni nang makita ang mga pinago-order ni Neo.

"So?" Sabay kain sa mga inorder kaya napailing ako. Naalala ko rin noong una kaming magkita ni Neo. That was way back 9 years ago. I was 20 that time and Neo was around 12 or 13 something.

Ako kasi ang kumuha ng test kung anong class ba ito at nasaksihan ko rin kung papaano ito masampal ng ama matapos malaman ang resulta. Pagkatapos ang ilang buwan ay nakita ko itong pagala-gala sa lansangan kaya naman nilapitan ko ito at tinulungan.

"Hinay-hinay, baka mabilaukan ka." Kakatapos ko lang sabihin iyon ay nabilaukan nga si Neo kaya inabutan ko ito ng baso na may tubig.

"Yan kasi, katakawan." At napatawa nalang ako sa nangyari sa kaniya.

"Gusto mo maging living Meme?" Sinamaan ko naman ng tingin si Neo dahil sa sinabi.

"Ikaw na bata ka sarap mong hambalusin ng cactus." 8 years naman ang agwat ng aming edad. 21 na si Neo at ako naman ay 29. Naipagtapos ko rin ito ng pag-aaral at ako narin ang tumayong magulang nito. Parang bunsong kapatid ko narin kasi kung ituring si Neo kaya ganito ako sa kaniya. May dalawa naman akong nakakatandang kapatid at pareho naring may mga asawa ito kaya hindi narin nila masiyadong pinapakialaman ang mga desisyon ko sa buhay gayun din ang mga magulang ko kaya hindi sila umangal nang sabihin kong ako na ang mag-aalaga kay Neo.

Ang Nanay ko ay Sub-beta. Ito 'yung mga ipinanganak na may dugong Alpha/Omega, pwede silang magtrabaho pero hindi rin maiiwasang mahusgahan. Ang Tatay ko naman ay Purong Beta. Ito 'yung mga taong hindi nahuhusgahan kahit saan sila magtrabaho, kung may huhusga man ay yun naman ang mga Alpha.

Ang mga Alpha naman, sila 'yung feeling superior na nilalang, lahat ng mata sa kanila nakatuon, malaki ang kanilang responsibilidad sa buhay pero may iilan na inaabuso ang pagiging Alpha. May tinatawag din tayong Sub-Alpha, katulad ng Sub-beta, sila din ang taong may dugong Beta/Omega kaya naman ay miminsan kinukutya sila ng mga purong Alpha.

Ang huli ay ang pinakanakukutya sa lahat ng class. Ang Omega. Ito ang mga tao na kung saan may mga monthly heat na tinatawag. Ang monthly heat ay nangyayari lamang sa mga purong Omega, kinakailangan nilang uminom ng suppressant upang mahimasmasan ang kanilang Heat na nilalabas ng kanilang katawan.

Kapag naglabas ito ng heat sa katawan ay walang Alpha ang makakatakas sa nilalabas nitong pheromones. Well, ang mga Betas naman ay natatablan rin pero hindi ganoon kalakas hindi katulad ng sa Alphas. Pero ibang usapan kapag isang Pure blooded na Omega ang naglabas ng heat, mapa-sub, puro, Alpha o Beta ka man ay malakas ang tama nito sa'yo, iba ang amoy ng mga pure blooded kung kaya't andaming gustong may mag-ari sa kanila, maliban sa kakaibang amoy ng mga ito ay bibihira rin na may isang Pure blooded Omega sa mundo.

Kaya naman todo rin ang protectiveness ko kay Neo. I gave him a collar to protect him from the hungry Alphas. Malayo rin ang kwarto namin sa isa't isa para kung magkaroon ito ng heat ay hindi ko ito maaamoy and attack him. Tho, I always supply him his needed.

If you're wondering what is heat.
A heat is the time when the Omega is most fertile and ready to mate, or just hide away until the heat is over. A strong scent will be released. If that Omega has a mate, that will be fortunate for him/her because by having sex to their partner the heat will disappear but, if that Omega doesn't have a mate yet, it is quite dangerous especially leaving the house. They could get raped and forced into all of this, even if they protest and try to run. So they basically lock themselves in a room and use many toys to get through this.

Fated With YouWhere stories live. Discover now