XVIII

61 6 1
                                    

Neo's PoV

Nang masaksihan ko kung papaano yakapin ni Cohen ang babae ay may kung anong kirot akong naramdaman, hindi ko alam ang gagawin sa oras na 'yon kung kaya't tumakbo nalamang ako sa labas na hindi na binigyan pa ng huling silay ang dalawang magka-yakap.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko at kahit masakit tumakbo dahil sa heels na suot ko ay kinaya ko at ngayon nasa harap ako ng fountain na napapalibutan ng mga puno at iba't ibang uri ng bulaklak.

Hinabol ko ang aking hininga at naupo sa bench na nasa harapan ng fountain. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumingala at pinagmasdan ang kalangitan.

"Peaceful." Tangi kong nasabi nang makita kung gaano kapayapa ang kalangitan kasama nang pagningning ng mga bituin sa langit na parang ang saya saya nila. Kumawala muli ako ng malalim na hininga at dinama ang sariwang hangin dito dahil sa dami narin ng puno at lamig ng simoy ng hangin na natatamasa ko ngayon.

Tumayo ako at palihim na pumitas ng isang rosas sa tabi ng fountain at tinitigan ito. Kay gandang pagmasdan ang mapupulang petal nito ay buhay na buhay halatang alaga ito. Napangiti naman ako habang patuloy na pinagmamasdan ang rosas.

"Neo!" Nahulog ko ang rosas sa sobrang pagkagulat sa tumawag sa akin. Pagkatingala ko ay hindi ko aasahan na makikita ko ang taong ito sa harap ko.

Kita kong hiningal pa ito at napahawak sa magkabila niyang tuhod at hinahabol ang hininga,nang makabawi na ay agad itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko rin alam ang gagawin sa oras na iyon dahil hindi ko talaga aasahan na magkikita kami ng lalaking ito dito.

"Neo, saan kaba nanggaling? Bakit ganiyan ang suot mo? Ano'ng nangyari sa'yo? Alam mo bang ilang buwan na kitang hinahanap?" Walang preno nitong tanong sa akin at ramdam ko rin na mangiyak-ngiyak ito dahil sa garalgal ng kaniyang boses. Tumugon naman ako sa kaniyang yakap at napapikit.

"Lemuel." Ayan lang ang tangi kong nasabi sa dinami dami ng kaniyang katanungan sa akin. Huminga naman ako ng malalim bago kumawala sa kaniyang yakap at iginayad itong maupo.

Ikunuwento ko kay Lemuel ang lahat ng nangyari sa akin, lahat-lahat wala akong kahit ni isang detalyeng iniwan at bakas ko sa mukha nito ang pagkagulat at galit sa mga natamasa ko.

"T-then, let's go! Umuwi na tayo sa'tin." Sabay hila nito sa aking pulsuhan, kita ko pa ang pagpunas ni Lemuel sa kaniyang luha habang hinihila ako pero pinigilan ko siya.

"Ano'ng ginagawa mo? Ayaw mo bang umuwi?" Nakakunot noong tanong sa akin nito at napayuko ako at napahawak sa aking braso.

"G-gusto kong umuwi ang k-kaso may kailangan pa akong bayaran." Napabitaw naman sa akin si Lemuel at hinarap ako.

"Huwag mo nang intindihin 'yon Neo, umalis na tayo hangga't may pagkakataon pa!" At sabay hihilahin sana muli ako nito pero umilag ako dito at napahakbang nang paatras.

"Isang daang milyon iyon Lemuel! Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag hindi ko siya magawang bayaran!" Tila nanlaki pa ako mata nito sa nasabi ko.

"I-isang daang milyon?" Hindi nito makapaniwalang tanong at dahan dahan nalang akong tumango.

"K-kahit na! Magagawan natin 'yan ng paraan kaya tara na Neo matagal kitang hinanap eh!" At sabay hinila muli ako sa pulsuhan ko, paalis na sana kami sa lugar na iyon nang mahinto kami sa tapat ng isang tao na ngayon ay matalim ang pinupukol na tingin sa kamay ni Lemuel na nakahawak sa akin.

"What's going on here?" Seryoso nitong tanong na nanatiling nakatingin sa kamay ni Lemuel kaya hinila ko ang pulsuhan ko kay Lemuel at napatungo nalamang.

Fated With YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant