XXIV

65 9 0
                                    

Neo's PoV

"Sir. Neo kain na po ng breakfast!" Napaupo naman ako sa higaan ko at kinusot ang mata ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang nakangiting Sevianna.

"Good morning Sir. Neo! Nakahanda na po ang pagkain niyo sa garden!" I sighed. I already told Sevianna na Neo nalang ang itawag sa akin ngunit napakakulit talaga at nagpo-po pa sa akin eh mas matanda nga siya sa akin.

Tumango naman ako dito at sumunod sa kaniya sa garden. Dito na talaga kaming dalawa ni Sevianna kumakain lagi at hindi na ako sumasabay sa kanila Cohen at Noemi kapag kakain dahil ayaw ko na nang gulo. Gusto ko nga sanang gantihan ang bruhang iyon pero mas gusto kong payapa na ang pamumuhay ko ngayon.

"Sir. Neo oh pinabibigay pala ni Sir. Cohen mga desserts ulit." Napatingin naman ako sa mga matatamis na pagkain na inilapag ni Sevianna sa lamesa. Hindi ko alam bakit lagi nalang akong binibigyan ni Cohen ng mga ito parang gusto ata ako nito magka-diabetes.

"Kinikilig talaga ako, may pa-desserts talaga si Sir. Cohen sa'yo." Naparolyo naman ako ng mata panigurado dahil sa mga ginawa niya sa akin kaya siya ganito.

Habang kumakain ay naisip ko na literal na wala na talaga akong ginagawa sa mansion dahil maliban sa inagaw na ni Noemi ang dapat kong ginagawa ay may taga-laba, taga-linis ng kwarto ko at taga-luto. Para bang isa akong parte ng pamilya ni Cohen.

"I'll start working as a maid again." Sabi ko at napatingin naman sa akin si Sevianna.

"Huh? Hindi ba't ayaw makita ni Ma'am Noemi ang mukha mo sa opisina ni Sir. Cohen?" Nilunok ko muna ang pagkain bago siya sagutin.

"I'll work as a regular maid here... or maybe as a butler since I don't want to wear a maid uniform." Nagulat pa ako nang hampasin ni Sevianna ang lamesa.

"No! Masiyado kang pretty to be a butler." Pinitikan ko naman ang noo nito at napairap dahil sa kalokohan.

"I'm a man, Sevianna. Nararapat lang na butler uniform suot ko hindi maid uniform." Napanguso naman ito sabay pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos makakain ay nagtungo ako sa sa opisina ni Cohen. Ramdam ko rin ang mga tingin ng mga maid sa akin habang naglalakad ngunit hindi ko sila binigyan ng pansin . Alam ko namang napilitan lang sila ngunit hindi ko pa rin sila mapapatawad sa pagbibigay ng maling impormasyon.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa opisina ni Cohen.

"Who's that?" Rinig kong tanong nito mula sa loob.

"It's Neo, master."

"Come in." Pagkapasok ay kita ko kaagad si Noemi sa tabi nito habang nakamasid kay Cohen na busy sa mga papeles. Naparolyo naman ako ng mata dito bago tinuon ang tingin ko kay Cohen na nakatingin na sa akin ngayon.

"What brings you here, Neo?" Huminga muna ako nang malalim bago magsalita dahil ramdam ko ang sama nang tingin sa akin ng babaeng katabi ni Cohen.

"I would like to work as a regular maid to pay my debt to you." Napabitaw ito sa hawak niyang mga papeles at seryosong napatingin sa akin kaya napalunok pa ako.

"Aren't you my personal maid?"

"I don't think I've been working as your personal maid properly. I haven't done any job here so I thought maybe I could work as regular." Dahil nakaka-bored din naman kapag wala kang ginagawa at tanging hilata, basa, drawing at kain lang ang ginagawa ko.

"Alright, do as you wish."

"Also..."

"What is it?" Napalunok pa ako dahil sana naman ay pumayag siya sa gusto ko.

Fated With YouWhere stories live. Discover now