XXXIV

62 6 2
                                    

Elijah's PoV

"Sino 'yon kuya?" Tanong ko kay kuya nang makapasok na ito sa loob.

"Hindi ko kilala eh, pero may hinahanap Neo daw." Nanlaki naman bigla ang mata ko dahil sa nasabi ni kuya.

"Neo?" Pag-uulit kong tanong upang makasigurado.

"Oo, kilala mo?"

"Opo, siya yung dating nanunuluyan sa kwarto ko pero may nangyari kaya wala na siya diyan." Napatango naman si kuya at nagtungo papunta sa kusina.

"Handa ko lang yung kakainin tapos start na tayo mag netflix and chill." Napakunot naman ang noo ko sa huling sambit ni kuya at nagtaka rin ako dahil nakangisi ito. Hindi ko nalang pinansin ang nasabi nito at napatango nalang.

Nagpunta ako ng kwarto ko upang makakuha ng kumot at unan dahil baka biglang maisipan ni kuya manuod ng horror dahil gawain niya 'yan minsan.

Pagkababa ko ay inilalapag na ni kuya ang mga pagkain sa lamesa.

Gumawa si kuya ng popcorn at banana chips at nagtimpla rin siya ng juice.

Halos ilang linggo na rin na ganito si kuya. Araw-araw ako nitong binibisita, lagi akong pinagluluto, nagdadala ng bulaklak at chocolate at minsan ay siya na rin ang naghahatid at sundo sa akin sa paaralan.

Ilang araw na rin akong kinikilig dahil sa kinikilos ni kuya. Nakakainis siya.

"Halika na dito Elijah, tapos na ako dito."

"Sige kuya." Sabay upo ko sa lapag dahil mas komportable ako roon. Inilapag ko ang unan sa taas ng hita ko at ang kumot naman ay sa tabi ko.

Hindi ko na tinanong kay kuya kung ano ang papanuorin namin dahil alam kong hindi rin naman niya ito sasabihin sa akin.

Binuksan na ni kuya ang telebisyon at nag-scroll sa mga movies at pinapanuod ko lang ito habang ginagawa niya.

Una naming pinanuod ni kuya ay comedy. Hindi nga namin mapigilan matawa dahil sa kalokohan nung bida.

May horror din kaming pinanuod at parang comedy ang pinapanuod ni kuya dahil tawa ito nang tawa habang nakatingin sa akin na nakataklob ng kumot at yakap yakap nang mahigpit ang unan ko.

"Ang sama mo kuya!" Pero tinawanan lang ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Marami pa kaming napanuod at ngayon nag-scroll ulit siya. Last na daw ito at sa susunod naman daw ulit.

"Pikit ka muna Elijah." Bigla akong napatingin dito at napakunot ang noo.

"Bakit kuya?" Ngumisi ulit ito sa akin.

"Basta." Nagkibit-balikat na lamang ako at isinubsob ang mukha ko sa unan.

Matapos ang ilang minuto ay mukhang tapos na rin siya.

"Okay na Elijah, nuod na tayo ulit." Tinanggal ko na ang pagkakasubsob ko sa unan at kumuha ng makakain dahil nag-uumpisa na ang palabas.

Mukhang romance ata ang genre na papanuodin namin dahil sa vibes na nakukuha ko sa movie.

Bigla nagsalubong ang kilay ko nang makitang biglang naghalikan ang dalawang lalaki sa palabas.

Ramdam kong umupo bigla si kuya sa likuran ko at yumakap sa bewang ko sabay ipinatong amg kaniyang baba sa balikat ko.

Dumdum.

Tunog ng puso ko at bawat minuto ay pabilis ng pabilis ito.

Ramdam kong nag-iinit na rin ang pisnge ko dahil damang dama ko ang mainit na hininga ni kuya kaya tinaas ko ang unan ko at niyakap ito dahil baka mapansin ni kuya ang pamumula ko at baka dama niya rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Fated With YouWhere stories live. Discover now