X

100 6 0
                                    

Kim's PoV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Lucas na may dalang prutas, hilig kasi ng magulang nito na kumain ng prutas kaya naman naisipan ko silang bilhan nung papunta ako rito.

Pagkarating ko sa bahay nila ay pumasok agad ako, okay lang sa kanila na hindi na daw ako kumatok at pumasok na lang daw ako since welcome na welcome naman daw ako sa bahay nila. Nakakatuwa lang isipin na ganito ang trato ng magulang ng boyfriend mo sa'yo.

Pagkabukas ko ng pinto ay kita ko silang tatlo na nakaupo kaya naman lumapit ko sa mga ito at masigla silang binati.

"May dala po akong prutas, lalagay ko lang po sa lamesa." Sabi ko sa mga iti at dinala sa lamesa ang dala kong prutas at naupo sa tabi ni Lucas, ngunit hindi umiimik ang mga ito at tila ba mga seryoso ang mga mukha at mukhang malalim ang iniisip.

"May problema po ba?" Tanong ko dito at kita kong para bang nagulat si tita nang makitang nandito ako.

"O-oh, ikaw pala Kim, sorry kung hindi ka namin napansin." Paghingi nito ng paumanhan kaya naman sabi ko na ayos lang.

"May dala nga po pala akong prutas, nilagay ko po ito sa lamesa, sana magustuhan niyo po." Ngumiti naman si tita at nagpasalamat.

"Oo nga po pala, mukhang ang lalim ng iniisip niyong tatlo ah." Nagulat naman kaming tatlo nang biglang marahas na tumayo si Luca at rinig ko ang bulong nito na, "Shit!" At sabay umalis na hindi man lang ako pinapansin.

"Pasensya kana Kim ha, may problema kasi kaming kinahaharap eh." Kita ko sa mukha ni tita ang pag-aalala at rinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni tito.

"Ano po bang nangyayari?"

"Si Elijah kasi nawawala." Nanlaki naman ang mata ko sa nasabi ni tita at naintindahan kung bakit ganoon ang inasal ni Lucas kanina.

"Po? Bakit po, ano pong nangyari?" Kita kong parang maiiyak na si tita kaya naman iginayad ko itong maupo.

"Hindi rin namin alam ang dahilan, paggising namin may nakita kaming sulat sa lamesa at pagkita namin sa kwarto ay wala na ang mga gamit ni Elijah." Kaya naman pala gano'n ang mukha nilang tatlo pagpasok ko. Ano naman kaya ang rason ni Elijah ba't siya lumayas.

Alam ko ring mas nag-aalala ng husto si Lucas, kaya miyang iwan ang lahat para kay Elijah, gano'n niya kamahal ang kapatid nito. Tanda ko nga nung first date namin ay bigla itong umalis dahil nagka-emergency si Elijah, naintindihan ko naman ito kaya hindi ako nagrereklamo.

Pagdating talaga kay Elijah ganiyan ka...

Sana ganiyan ka rin sa'kin...

Lucas

Elijah's PoV

Nagising ako ng maaga since nakasanayan ko na rin, paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng umagahan, natuto ako kay mama na magluto, nais ko rin talagang pursigihin ito at sa kahit ganitong paraan man lang ay matulungan ko si Lemuel at laki ko ring pasasalamat rito sapagkat pinayagan niya akong manatili rito.

Tinignan ko ang refrigerator at wala akong masabi... Mukhang laging nag-oorder o kumakain sa labas 'tong si Lemuel sapagkat tanging itlog lang ang nakikita ko sa refrigerator niya. Mukhang itlog ang lagi naming ulam ngayong araw na ito.

Matapos kong mailapag sa lamesa ang pagkain ay saktong pagbaba rin ni Lemuel mula sa kwarto niya.

"Good morning Elijah!" Masigla nitong bati sa akin habang nag-uunat pa siya.

"G-good morning." Nauutal kong sabi kaya naman napayuko ako dahil sa hiya. Hindi parin talaga ako sanay sa ibang tao.

"Oooh fried egg?"

Fated With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon