XI

92 6 5
                                    

Neo's PoV

Lumipas na ang ilang araw at nawala narin ang heat ko, the thing I did days ago, I fucking regretted it. I don't know why I even do it pero ang alam ko lang ay kusang kumilos ang katawan ko.

Here I am laying down still scolding myself for what I did. Habang patuloy sa pagsuntok sa unan ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto, tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Yes?" Tanong ko kay Cohen na bihis na bihis, well lagi naman siyang nasa formal attire niya.

"Get dress we will be going. I will be waiting at the lounge." Sabay alis matapos niyang sabihin iyon. Now that I think about it, I'm sure naririnig niya ang pinaggagawa ko during my heat. Thinking about that made me blush because of shame.

"AAAAAAAA." Sigaw ko matapos ko ma-realize ang pinaggagawa ko.

"A-are you okay?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita, pagtingala ko ay nakita ko ang lalaki na nakatingin sa akin ng may pag-aalala.

"Y-yeah." Ilang beses pa akong napakurap at agad na sinara ang pinto ko, inis kong sinabunutan ang sarili ko at nagbihis na lamang.

"What took you so long?" Bungad na tanong sa akin ni Cohen na umiinom ng kape. Lagi nalang 'to umiinom ng kape.

"N-nothing." Sabay ibinaling ang tingin ko sa iba. Ibinaba naman nito ang iniinom na kape sabay tayo.

"Let's go." Sumunod na lamang ako kay Cohen, hindi ko narin siya tinanong kung saan kami pupunta since hindi rin naman yata ako nito ililigaw.

"To Borley Rectory." Tumango naman ang driver at nag-umpisa ng mag-drive.
I wander my eyes outside the window and enjoyed each view I'm seeing. Rinig ko ring may kausap sa phone si Cohen.

"We're on our way there." Tahimik lang akong nakikinig dito.

Ilang oras na biyahe ay tumigil na ang sasakyan, mukhang nandito na kami sa lugar na ipinunta ni Cohen.

Uh... I don't know if I'll have fun at this place. It freaking look like a haunted house!

"Sir. Cohen, are you sure this is the important place you're talking about?" Nagdududa kong tanong pa dito. I think pati rin siya ay nagdududa rin ngunit hindi ito umimik at naglakad papunta sa bahay na nakakatakot tignan.

Luminga-linga pa ako sa paligid bago dahan-dahan ni sinundan si Cohen. I might have a heart attack, ang creepy rin ng tunog ng footstep namin, sobrang dami ring alikabok ng bahay na ito at marami ring sapot ng mga gagamba, para talaga itong haunted house kulang nalang ay...

"MULTOOO!" Napasigaw ko bigla sabay tumakbo sa hindi ko alam saang parte ng bahay ako napunta, hindi ko narin napansin si Cohen, knowing that guy I know he wouldn't chase me.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa pagod, tagaktak narin ang pawis ko dahil sa kaba at takot, okay lang sana kung makipagpatayan ako sa buhay na tao, pero huwag lang sa multo! Nang hindi na ako masiyadong hinihingal ay napatingala ako dahil parang may nakatayo sa harap ko, mukhang nagsisi pa akong humarap dito.

Putangina bakit and daming mannequin?!

"AAAAAAAAA." Sigaw ko muli at nagpatuloy sa pagtakbo, nakakita naman ako ng kwarto at pumasok roon nakakita naman ako ng cabinet, bahala na si Cohen basta magtatago ako.

Niyakap ko naman ang tuhod ko at sabay takip sa tenga ko dahil nakarinig ako ng yapak ng paa na papalapit dito sa tinataguan ko, napapikit naman ako ng mariin at narinig kong tumigil ang yapak sa mismong harap ng cabinet.

Rinig ko ring pabukas na nito ang cabinet kaya napasigaw ako, "NOOOOO--" napatigil ako sa pag-sigaw dahil hinawakan ng multo ang balikat ko.

Pag dilat ng ko ng mata ay napasigaw muli ako, "AAAAAAAaaa..." Unti-onting nawala ang sigaw ko dahil puta si Cohen lang pala.

Fated With Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें