XXXII

70 8 3
                                    

Shadow's PoV

Nag-aalalang nakatingin si Sevianna kay Neo na nakatingin sa kawalan.

Pansin nito na ilang araw ng nakatulala at parang wala sa sarili ito.

"Sir. Neo?" Pagtawag nito ngunit nanatili lang itong nakatulala sa kawalan. Sinubukan din niyang iwagayway ang kamay sa harap nito ngunit wala man lang kahit na anong reaksyon itong ibinigay.

Umupo ito sa harap ni Neo at tinitigan ang kaibigan halatang malalim ang iniisip.

Hinawakan nito ang magkabilang pisnge ni Neo sabay kinurot at doon ay nakaramdam na ng sakit ito.

"Aray! Sevianna ano ba 'yang ginagawa mo?" Irita nitong tanong sabay hawak sa magkabilang pisnge nito na namumula dahil sa kurot sa kaniya ni Sevianna.

"Kanina pa kaya kita tinatawag, nagwagayway na nga rin ako ng kamay sa harap mo eh hindi ka man lang nag-react." Sabi nito kay Neo na masama ang tingin sa kaniya.

"Ano ba 'yang iniisip mo? May problema ka ba?" Napayuko naman si Neo at umiwas ng tingin kay Sevianna kaya napataas ng kilay si Sevianna dahil sa naging kilos nito.

"Wala."

"Wala daw, ano nga? Baka may maitulong ako." Bigla namang tumayo si Neo at iniwan si Sevianna.

"Wait Sir. Neo! Saan ka pupunta?" Tanong nito sabay habol kay Neo.

"Mangunguha ng mangga." Nagsalubong naman ang kilay nito at nahinto sila sa isang malaking punto na maraming bunga.

"Aakyatin mo 'yan Sir. Neo?" Hindi makapaniwalang tanong nito nang makitang naghubad ng sapatos si Neo at inayos ang unipormeng suot.

"Nako Sir. Neo huwag na! Baka malaglag ka pa!" Nag-aalala nitong sabi at kinabahan ito nang makitang dahan dahan nang inakyat ni Neo ang puno.

"Oh my god Sir. Neo higpitan mo yung hawak mo!" Tila parang walang naririnig ito dahil patuloy pa rin ito sa pag-akyat.

Nakahawak naman sa dibdib si Sevianna habang pinapanuod si Neo sa pag-akyat, hindi na niya ito masiyadong makita dahil masiyado ng maraming dahon sa kung nasaan si Neo.

"Sir. Neo ayos ka lang ba diyan?!" Pasigaw na tanong ni Sevianna habang sinusubukang hanapin si Neo.

"Sir. Neo?!" Pagtawag nito muli.

Nakarinig naman ng kaluskos si Sevianna kaya nagpunta siya sa lugar kung saan niya ito narinig.

Halos parang binuhusan ito ng malamig na tubig at parang tinusok ng kutsilyo ang puso niya nang makita si Neo sa sahig namimilipit sa sakit.

Agad itong lumapit at parang mangingiyak.

"S-sir. Neo a-ayos ka pang po ba?!" Natataranta nitong tanong at nakitang nakahawak ito ng mahigpit sa kaliwang braso at kita sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.

"W-wait ka lang d-dito Sir. Neo maghahanap lang ako ng tulong!" Agad tumayo at tumakbo palabas si Sevianna at naghanap ng taong maari niyang hingan ng tulong.

"Oh Sevianna ano'ng nangyayari bakit parang natatae ka?" Tumakbo naman agad palapit si Sevianna kay Reiner na nakangiti dito.

Hindi nagsalita si Sevianna bagkus ay agad na hinila niya ito patungo kung nasaan si Neo.

Kahit nagtataka ay hindi na kumalas pa si Reiner at parang bigla itong kinabahan dahil ginawa rin ito ni Sevianna sa kaniya noong nakulong si Neo sa Cursed Room.

Pagkarating sa pwesto kung nasaan si Neo ay pareho na ngayon ng ekspresyon si Sevianna at Reiner. Parehong nag-aalala sa kalagayan ni Neo.

Agad na lumapit si Reiner dito at tinignan ang kalagayan ni Neo.

Fated With YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora