XXI

75 7 1
                                    

Neo's PoV

Nandito ako ngayon sa garden pero hindi ako sa dati kong puwesto nakaupo kundi sa likod ng naglalakihang damuhan dahil baka mamaya makita ko muli ang pagmumukha ng Noemi na iyon kaya naisipan kong dito sa damuhan maupo at magdrawing.

Natatawa rin ako sapagkat kanina pa ako hinahanap ni Sevianna. Hindi rin kasi ako nagpaalam dito at maagang nagtungo dito sa garden.

Hindi ko na rin nagawang kumain ng umagahan dahil naaliw na ako dito sa pwesto ko dahil walang nakakakita sa akin.

Napatitig naman ako sa drawing ko at napangiti. Naalala ko tuloy ang puri sa akin ni Cohen nung nakaraang araw.

"Don't worry dad, I'll make sure na matutupad ang plano." Napakunot naman ang noo ko sa pamilyar na boses dito sa likod ng damuhan. Pagkasilip ko ay laking gulat kong si Noemi ito at mukhang magaling na sapagkat wala na ito sa wheelchair niya.

"Is Bianca doing her job to be me?" Napaupo muli ako sa pwesto ko at hindi gumawa ng kung ano mang ingay dahil baka mamaya makita ako ni Noemi dito.

"Okay good, just a little more and mapapa sa akin na rin sa wakas ang apelyidong Cohen." Nagsablubong naman ang kilay ko sa huli nitong sinabi bago umalis dito sa garden.

Anong ibig sabihin nito? Habol ba ng babaeng ito ang apelyido ni Cohen? Pero bakit? Mukhang galing naman si Noemi sa mayamang pamilya.

Nasa malalim akong pag-iisip nang mapansin na may tao na pala sa harap ko.

"Tangina mo naman Sevianna, huwag ka ngang susulpot ng ganiyan sa harap ko baka magkasakit ako sa puso!" Laking ginhawa ko rin sapagkat akala ko nahuli na ako ni Noemi dito.

Napatawa naman nang malakas si Sevianna at napakamot sa ulo.

"Ang seryoso kasi ng mukha mo diyan Sir. Neo. Kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lang pala." Tumayo naman ako sabay pinagpag ang suot ko. Kinuha ko ang sketchbook at lapis ko sa lapag sabay nagtungo sa dati kong pwesto at naupo.

"Ano bang ginagawa mo doon Sir. Neo?" Tanong nito matapos makapaglagay ng pagkain sa lamesa na nasa harap ko. Napatitig ako ng saglit kay Sevianna bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Wala, nag-try lang ng ibang pwesto at maganda rin naman doon." Pagsasabi ko rito ng totoo. Napatango naman ito bago umupo sa harap ko't nag-umpisang kumain.

Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Sevianna ang nalaman ko about sa tawag ni Noemi kanina.

Napatingin naman ako kay Sevianna na masayang kumakain at inisip rin na mas mainam na hindi ko nalang sasabihin sapagkat baka mapahamak pa ito.

"Kain na Sir. Neo." Tumango nalang ako dito bago nag-umpisa ring kumain.

Matapos makakain ay napagpasiyahan kong pumasok sa loob upang makaligo. Nagtaka rin ako nang makita kong naka wheelchair muli si Noemi.

"What are you looking at?" Mataray nitong tanong.

"Nothing." At umakyat nalang ako sa kwarto ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga nasabi ni Noemi kanina sa garden. Ano ba talaga ang balak nito?

Kumuha ako ng damit ko at nagtungo sa bathroom upang maligo.

Shadow's PoV

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jason kay Lemuel na nakatunganga habang nakaupo kaharap nito. Nag-alala namang napatitig si Jason dito dahil matapos nitong maikwento ang pagkikita nila ni Neo ay naging ganito na ito.

Tinapik nito ang balikat ngunit hindi pa rin ito kumikibo. Napabuntong-hininga naman si Jason sabay pinisil ang magkabilang pisnge ni Lemuel.

"Aray! Ang sakit kaya!" Napangiti naman si Jason sa naging reaksyon nito dahil masama ang tingin nito sa kaniya habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang pisnge nito.

Fated With YouWhere stories live. Discover now