XXXVI

76 11 9
                                    

Shadow's PoV

"Hindi ka man lang ba babati sa papa mo?"  Takot at kaba ang biglang naramdaman ni Noemi sa nasabi ni Reiner.

Napalunok ito sabay ngumiti nang pilit at humarap sa lalaking katabi ni Reiner.

"O-of course I'm just j-joking." Lumapit ito sa lalaki at yumakap.

"G-glad to see you here p-papa." Napataas naman ng isang kilay si Reiner.

"Akala ko ba dad tawag mo sa kaniya? Bakit naging papa." Napalunok muli si Noemi sa natanong ni Reiner. Nakaramdam din ito ng inis dahil alam niya ang ginagawa ng binata.

"A-ah, minsan kasi dad or papa tawag ko sa kaniya." Lumingkis ito sa braso ng lalaki at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat nito.

Bigla itong napakunot ng noo nang biglang tumawa ng malakas si Reiner.

"Bitch. Stop pretending to be Noemi when in fact you're not actually her." Seryosong pinagmamasdan ni Cohen ang dalawa tila naguguluhan din sa nangyayari.

"W-what?! How dare you!" Tumayo bigla si Noemi at sasampalin na sana niya si Reiner nang may biglang nagsalit na kinatigil niya.

"Stop there young lady." Napatingin si Noemi sa lalaki at bigla itong nanlamig nang makita niya kung papaano siya tignan nito ng matalim.

"I already got the gist of what's happening now." Humarap ito kay Reiner at tumango.

May kinuha ito sa kaniyang bulsa at may dinial.

"Bring him here." Biglang sumilay ang nakakatakot na ngiti ni Reiner nang masambit ng lalaking katabi niya ang katagang iyon.

Mas lalong nakaramdam ng matinding kaba, panganib at takot si Noemi. Para bang ano mang oras ay may mangyayaring masama sa kaniya.

Humarap ito kay Cohen sabay lumapit dito at kinapitan ang braso.

"B-babe! Tell them to stop already!" Napatingin si Cohen kay Noemi at kita sa mukha nito ang matinding takot na nararamdaman.

Walang awa o kahit ano mang nararamdaman ito kay Noemi ngayon. Gusto na ni Cohen malaman ang totoong nangyayari kaya hindi niya pinansin ang nagmamakaawang si Noemi.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking maputi na ang buhok at parang wala sa sariling pinagmamasdan ang paligid.

"Wow! Ang ganda naman dito!" Sambit nito nang makapasok na.

Pinagmasdan lang ni Cohen ang lalaki hanggang sa ma-realize niya kung sino ang lalaking iyon.

"What is he doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cohen habang nakatingin parin sa lalaki. Ang lalaking iyon ang ang lalaking laging bumibisita sa kanila noon. At ang lalaking laging dinadala si Noemi sa kanilang bahay.

"Fredo Sullivan, Noemi's real father. " Biglang nanlaki ang mata ni Noemi sa ibinulgar ni Reiner.

"What do you mean?! Isn't he my real father?!" Sabay turo nito sa lalaking katabi ni Reiner kanina.

Umiling ang lalaki sa kaniya at ngumiti ng tipid.

"I'm just his caretaker." Parang hindi maproseso sa utak ni Noemi ang nangyayari.

Ilang taon siyang naghintay sa pagkakataon na ito ngunit mukhang mawawala nalang ang lahat ng pinaghirapan niya.

"I can't believe it, you're still pretending to be Noemi pero hindi mo man lang alam ang itsura ng iyong ama? How fake can you be?" Napakagat naman ng labi si Noemi at matalim na tinignan si Reiner.

Fated With YouWhere stories live. Discover now