XXX

67 8 1
                                    

Lemuel's PoV

"Parang ang lalim ng problema mo ah." Napatingin ako kay Jason na nasa harap ko na pala.

Napabuntong-hininga naman ako at napahawak sa sentido ko.

"Nalaman na kasi ni Lucas ang tungkol kay Elijah." Umupo ito sa tabi ko sabay kinuha ang kamay ko't hinilot hilot.

Gawain talaga ni Jason 'to kapag alam niyang naii-stress ako dahil nababawasan talaga ang stress ko kapag ginagawa niya 'to.

"Alam na rin ba ni Elijah?" Napahinga muli ako ng malalim dahil sa tanong niya.

"Yeah and he seems more afraid now na nalaman ni Lucas ang tungkol sa class niya." Simula nung malaman niya na alam na ni Lucas ang nangyari ay nagkulong na ito sa kwarto. Hindi na rin siya nakakapasok dahil doon at kahit anong tawag ko dito ay hindi siya lumalabas kaya grabi na ang pag-aalala ko sa kaniya.

"Did you explain to him?"

"I did pero kahit anong gawin ko ay ayaw parin makinig sa akin ni Elijah." Sinabihan ko ito noon tungkol sa ginawa ni Lucas para sa kaniya ngunit para itong bingi na walang naririnig.

I know Elijah been in love to Lucas for a years now since he told me. At ang rason nito kung bakit siya lumayas ay dahil kay Lucas.

Mukhang mahal na mahal nga nito si Lucas dahil hindi nito kayang makita siyang may mahal na iba lalo na at tinuturing siya nitong tunay na kapatid.

"What's your plan now?" I sighed. I don't know anymore how many times I've sighed today.

"I actually don't know anymore. I want Elijah to live happily pero hindi ko na alam ang gagawin ko para magawa iyon." Ilang beses ko na rin nakausap si Licas about Elijah pero maski ito ay takot na ring lumapit kay Elijah dahil baka kung ano pa daw ang magawa nito sa kaniya.

"It's okay, you're doing great. Siguro kailngan lang muna mag-isip isip ni Elijah." Hinila ako nito at niyakap sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Doon rinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso nito.

This feels comfortable to be honest.

"Dito pa talaga kayo naglandian, excuse naman para sa mga single." Lumayo ako bigla kay Jason nang marinig ang boses ni Ken na naka-pamewang pa ang seryosong nakatingin sa amin.

"Hindi kami naglalandian, bakit ka ba nandito?" Sabay nagparolyo ito ng mata at bumulong ng "sus hindi raw." Kaya napailing nalang ako.

"May naghahanap sa'yo, Lucas daw pangalan." Nagkatinginan naman kami ni Jason dahil do'n.

"Ayan nanaman naglalandian." Tumayo ako sabay binatukan si Ken.

"Siraulo ka, ewan ko sa'yo." Sabay nagtungo sa lobby kung nasaan nakikita ko si Lucas na may seryosong mukha.

Ramdam ko namang nakasunod din sa akin si Jason.

Lumapit ako kay Lucas at tumayo sa harap nito. Tumingala ito sa akin sabay tumayo rin.

"What brings you here, Lucas?" Tanong ko dito at kita kong huminga pa ito ng malalim.

"Sa sinabi mo about sa rason ni Elijah, totoo ba 'yon?"

"Of course, kay Elijah mismo nanggaling iyon."

"I've already decided, can you help me with it?" Napatingin naan ako kay Jason at tumango ito sa akin kaya humarap ulit ako kay Lucas na desidido na sa gagawin niya.

"Sure, what can I help you with?" Bigla namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

Elijah's PoV

Fated With YouWhere stories live. Discover now