XIV

79 5 3
                                    

Neo's PoV

2 months had passed and I must say na mas nagiging maluwag na ang trato sa akin ni Cohen, hinahayaan na ako nitong maglibot sa buong bahay niya na walang nakasunod sa aking guard, aside from pagiging maluwag, nag-iiba narin ang pakikitungo sa akin ni Cohen though he still making me wear those fucking cat maid outfit! Tuwing wala lang siya na pwede akong magsuot ng komportableng damit.

Nandito ako ngayon sa garden naglilibot since nasa kompanya ngayon si Cohen at naging busy rin siya kaya malaya ako.

"Good Morning, Sir. Neo!" Bati sa akin ng isang maid kaya ngumiti ako dito at bumati rin. Naging close ko rin ang mga taong nagtatrabaho rito, ako nga lang ang nag-iisang omega na nagtatrabaho dito since karamihan dito ay Beta. Ang mga Alpha guard naman ay nasa Main Gate, doon na sila inilipat ni Cohen kaya wala ng Alpha sa loob ng bahay niya. Hindi ko alam ang rason kung bakit niya ginawa iyon pero laking pasasalamat ko dahil narin natatakot ako na baka bigla nalang umatake ang heat ko.

Habang nagmu-muni muni sa garden ay nakarinig naman ako ng mga bulungan ng maid.

"Alam mo bang may bago daw na hire na maid dito?"

"Oo nga eh, nagbawas kasi ng maid si Sir. Cohen, tinanggal lahat ng alpha na maid." Dahil sa narinig ko ay hindi ko maiwasang ma-kuryos kaya lumapit ako dito upang magtanong.

"Totoo ba na nagtanggal si Cohen ng mga alpha dito?" Kita ko pa ang gulat sa mga ito pero nawala rin iyon at bumati sa akin.

"Opo Sir. Neo, ngayon daw po mag-uupimsa yung bagong hired na maid." Tumango naman ako dito at nagpasalamat, nagpatuloy naman sila sa paglalakad kaya bumalik ako sa pwesto ko at napa-isip.

I'm really surprised na ginagawa ito ni Cohen, I don't know what's happening pero I'll be thankful to him.

Makalipas ng ilang oras ay naisipan kong lumabas na ng garden at pansin ko rin na nagkakagulo ang maid kaya lumapit ako sa isa sa mga ito upang magtanong.

"Ano'ng nangyayari?"

"Ah, yung bagong maid mukha may nabasag kaya pinapagalitan ng head maid." Napatingin naman ako sa gawi kung saan silang lahat nagkakagulo at lumapit sa pinangyarihan ng gulo.

"Ah, ikaw po pala Sir. Neo" bati ng maid sabay nag-bow ito sa akin. Feeling ko nga parang mas mataas pa ang katungkulan ko sa head maid dahil sa inaasal nito.

"Ano'ng nangyayari dito?" Tanong ko muli kahit na alam ko naman kung ano ang nangyari.

"Ito po kasing bagong maid nakabasag ng isang vase kaya pinagsasabihan ko lang." Napatingin naman ako sa bagong maid at umiiyak na ito ngayon. Ba't naman 'to umiiyak hindi naman siya sinaktan.

"S-sorry po!" Paghingi pa nito ng tawad habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Huwag ka ng humingi ng tawad, ayos ka lang ba?" Mukhang nagulat pa ito sa tanong ko at dahang-dahang tumango.

"It's okay to make mistake, since we're going to learn from it, huwag ka ng umiyak, alam ko namang hindi na mauulit 'yon." Sabay bigay ko sa kaniya ng panyo, pinunasan naman nito ang luha niya gamit ang panyo at nagpasalamat.

"Ano'ng pangalan mo?"

"I'm Sevianna Alyana Mendoza Cortez po." Oh my... Ang haba ng name niya na hindi ko na maalala ang iba pa maliban sa Sevianna lang.

Ngumiti ako dito at inilahad ang kamay ko, "Nice to meet you, Sevianna. My name is Neo Sullivan, I hope we can get along here." Masaya niyang kinuha ang kamay ko. Humarap naman ako sa head maid at kita ko ang gulat sa mga mukha nila.

"Head maid " tawag ko dito, dali-dali naman itong lumapit sa akin, "Yes, Sir. Neo?" Tumingin ako kay Sevianna bago ibinalik ang tingin sa Head Maid.

"Ako na ang bahala kay Sevianna, so I hope you can forgive her this time." Nanlaki pa ang mata nito at yumuko.

Fated With YouWhere stories live. Discover now