XL

66 8 0
                                    

Elijah's PoV

"Sure kaba dito kuya?" Nag-aalalang tanong ko dito.

"I'm very sure about this, Elijah." Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Habang papalapit nang papalapit kami sa destinasyon namin ay mas lalo akong kinakabahan.

Sana naman ay maging maayos ang lahat.

Nang makarating kami ay pareho kaming napatingin ni kuya Lucas sa bahay na nasa harap namin.

Ramdam kong kinuha nito ang kamay ko at iginayad papasok.

Bawat paglakad namin ay patindi ng patindi ang kaba ko. Para ba akong ipinasok sa loob ng oven dahil na rin sa tindi ng pawis ko.

"Elijah! Lucas! Nakakatuwa naman at napadalaw kayo dito sa bahay." Bumitaw ako sa kamay ni kuya Lucas at tumugon sa yakap ni mama.

"Tara pasok at tamang tama tapos na ako magluto." Napatingin naman ako kay kuya Lucas at ngumiti lang ito sa akin bago sumunod kay mama.

"Elijah oh, hindi ba't paborito mo iyan?" Ngumiti naman ako kay mama nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Salamat ma." Tahimik lang kami habang kumakain, si kuya lang ang kumakaisap kay mama at papa samantalang sumasagot lang ako kapag may itatanong sila sa akin.

Nang matapos kumain ay parehong nasa harap na namin sina mama at papa at magkatabi naman kami ni kuya Lucas.

Hindi ko ring magawang titigan sina mama at papa dahil sa sasabihin namin ni kuya Lucas.

"Ang seryoso naman ata ng mukha ninyong dalawa, lalo kana Elijah ang tahimik mo sa hapagkainan kanina." Matindi naman akong napalunok dahil sa nasabi ni papa. Napatingin ako kay kuya Lucas at seryoso ang mukha nito at hindi makikita sa mukha nito ang kaba.

"Ano ba 'yang sasabihin niyo sa amin at nagkakaganiyan kayo?" Rinig ko pang napalunok si kuya. Mukhang nagkamali ako na hindi ito kinakabahan.

"A-ano...ano po k-kasi..."

"Let me Elijah." Napatingin ako kay kuya Lucas at nakatingin rin ito sa akin nang may ngiti sabay humarap kila mama at huminga ng malalim.

"Ma, Pa. I'm in love with Elijah and we're currently in relationship." Para bang nawalan na ako ng hininga nang tuluyang sabihin iyon ni kuya Lucas.

Sumilip pa ako sa naging reaksyon nila mama at papa at kita sa mukha nilang pareho na nagulat sila sa naging rebelasyon ni kuya.

Kita kong nagkatinginan pa silang pareho bago ibinaling ang tingin sa akin kaya napayuko ako muli at napapikit nang mariin.

Hindi ko kayang makita ang mukha nila lalo na ang mukhang...pandidiri.

Ramdam kong hinawakan ni kuya ng mahigpit ang kamay ko kaya naibsan kahit papaano ang kaba ko.

"Are you both happy?" Napadilat ako ng mata at napatingin kay mama na ngayo'y may seryosong ekspresyon gayun din si papa.

"Yes ma. I've never been this happy." Pagkatingin ko kay kuya Lucas ay may malapad na ngiti na ito sa kaniyang labi.

"What about you Elijah?" Napaharap ako bigla kina mama at papa.

Am I happy?

Gaya ni kuya ay ngumiti rin ako ng malapad kina mama at papa.

"I'm very happy po." Ang ngiti ko ay napalitan nang pagkabigla ng ngumiti sina mama at papa.

Tanggap ba kami? Ayos lang ba sa kanila. Won't they find it disgusting?

Fated With YouWhere stories live. Discover now