XXII

68 9 0
                                    

Neo's PoV

Nagising ako sa ingay na nanggagaling mula sa labas. Kinusot ko muna nang maigi ang mata ko bago tumayo sa aking kama upang malaman kung ano ang nangyayari bakit parang nagkakagulo sila sa labas.

Pagkabukas ko sa pinto ay nakakita ako ng dalawang maid na nakasilip sa baba kaya lumapit ako sa mga ito at mukhang nagulat pa sila.

"Ano'ng nangyayari bakit kayo nakatingin sa baba?" Tanong ko at nagtinginan pa ang mga ito na parang nag-aalinlangan kung sasabihin ba nila sa akin at buti naman sinabi rin nila sa akin.

"Ano po kasi Sir. Neo... si Sevianna po kasi pinapagalitan ni Ma'am Noemi sa baba." Ang mata kong nagpupungay pa dahil sa antok ay nawala at napalitan ng gulat dahil sa narinig.

"Bakit, ano ang nangyari?" Napakagat pa ng labi ang isa sa kanila at napatungo.

"Si Sevianna po kasi ano... natapunan ng juice si Ma'am Noemi kaya si Ma'am Noemi galit na galit dito at ayan po pinaghahampas po siya sa baba ngayon." Dali dali akong lumapit sa railings ng hagdan upang tignan at nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak na manipis na kahoy si Noemi habang nakaluhod at umiiyak na si Sevianna dahil hinahampas niya ito ng tuloy tuloy.

Agad akong tumakbo pababa upang pigilan ang bruhang ito.

"You stupid maid! Look what have you done! Alam mo bang mahal ang dress kong ito?!" Rinig kong sabi ni Noemi habang papalapit ako.

"Go to hell you stupid maid!" Akmang hahampasin niya ito muli ngunit hinawakan ko ito sa pulsuhan niya at rinig ko muli ang mga bulungan ng mga maid sa paligid na takot na nakatingin sa amin.

"What the hell are you doing?" Matalim akong tinignan ni Noemi at pilit nagpupumiglas sa hawak ko kaya mas lalo kong diniinan ang hawak ko dito at kita ko sa mukha nito ang sakit.

"I should be the one asking you that. What rights do you have to harass one of the maids here?" Seryoso kong tanong dito at pilit pa rin itong pumupumiglas sa hawak ko.

"I am Cohen's fiancè, I have the rig--" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita nang sampalin ko ito sa pisnge niya nang malakas. Rinig ko ang pagsinghap ng mga maids at kita ko ang pagkagulat ni Noemi nang gawin ko iyon.

"You fuc--" isang sampal muli sa kabila niyang pisnge ang binigay ko. Marahas kong binitawan ang kamay niya at hinawakan ang baba nito ng madiin at pinaharap sa akin.

"Do this again at hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin." Sabay sinipa ang wheelchair nito palayo sa amin. Gusto kong matawa dahil sa ekspresyon nito ngunit priority ko muna si Sevianna na marami ng sugat sa katawan.

"Are you okay?" Tanong ko dito nang makalapit ako. Bigla itong yumakap sa akin na patuloy pa rin sa paghikbi kaya hinagod ko ang likod nito.

Dinala ko si Sevianna sa aking kwarto upang gamutin ang mga sugat niya. Nakatungo ito ngayon at umiiyak pa rin.

"Dapat lumaban ka." Sabi ko dito.

"Edi lagot ako niyan kay Sir. Cohen baka mamaya ilibing ako ng buhay nun." Natawa pa ako ng mahina dahil hindi malayong gawin nga iyon ni Cohen.

"Next time kapag may gagawin ulit si Noemi sa'yo sabihin mo sa akin, ha?" Tumango naman ito kaya napangiti ako. Kumuha ako ng bulak at alcohol sabay dinampi sa mga sugat niya. Halos gusto na rin akong sabunutan nito dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Sir. Neo, please agawin mo na si Sir. Cohen mula kay Ma'am Noemi ayoko sa babaeng iyon! Feeling ko nga pinsan ni Lucy 'yon eh." Nagsalubong pa ang kilay ko sa huli nitong sinabi.

"Sinong Lucy?"

"Lucifer." Napatawa ako nang malakas dahil doon. Kahit kailan maloko talaga ang batang ito. Ay teka, hindi ko pa pala natatanong kung ilang taon na ito.

Fated With YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz