XXIII

63 7 0
                                    

Reiner's PoV

"Wala ka pa rin bang nahahanap na impormasyon about Noemi?" Tanong ko kay Alexis sa kabilang linya. Papunta ako ngayon sa mansion ni Ryder upang bumisita at para mamatiyagan maiigi ang Noemi na iyon.

"Wala pa eh, nakakapagtaka dahil ang mukha nito hindi ma-detect at walang impormasyon na lumalabas." Mukhang mahihirapan pa nga kaming magsagap ng impormasyon sa babaeng iyon. Ang nakakapagtaka rin ay hindi daw ma-detect ang mukha nito.

"Okay, I hope you can get information soon." And ended the call. Hindi pa rin talaga ako mapalagay sa babaeng iyon at kinukutuban ako dito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa mansion niya. Nag-park ako at naglakad papasok sa loob.

Now speaking of Noemi, mas kamukha pa nga nung babaeng nakita ko noon sa bookstore ang totoong Noemi at naisip ko noon na baka si Noemi iyon ngunit nung bumisita ulit ako ay hindi ko na ito nakita.

Habang naglalakad ay may biglang humila sa akin patungo sa garden. Magpupumiglas sana ako nang mamukhaan ko ang taong humihila sa akin.

Nang makarating sa garden ay naghabol nang hininga ang taong nasa harap ko, nakakunot noo naman akong nakatingin dito.

"What's happening?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Humawak ito sa kamay ko at ramdam kong nanginginig ito at umiyak siya bigla.

"S-sir. Reiner... please help Sir. Neo!"

•••••

"RYDER!" Sigaw ko habang hinahanap nang aking mata ang aking kapatid na gago.

"RYDEER!" Sigaw ko muli at kita kong may taong pababa na masamang nakatingin sa akin. Lumapit ako dito at binigyan siya ng suntok na kinagulat niya.

"What the fuck are you doing, Reiner?!" Sumuntok muli ako dito ngunit nakailag ang puta.

"Reiner, ano bang ginagawa mo?!" Napayukom naman ako ng kamao at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Why did you fucking put Neo in a curse room?!" Mas nainis ako dito nang ngumisi ito.

"He deserved it." Akmang susuntukin ko sana muli ito ngunit naunahan ako kaya ako ang nasuntok sa mukha. Napahawak naman ako sa parte na sinuntok niya.

"Hindi ko hahayaang may manakit kay Noemi."

"Nahihibang ka ba talaga?! Hindi pa nga natin alam kung si Noemi talaga 'yan! Ryder wake up! Kinokontrol ka lang ng babaeng 'yan!" Kita kong bumigat ang paligid, napatingin pa ako sa mga maid na nanghihina at parang hindi makahinga. Tangina talaga nito nagpalabas pa ng murderous aura alam naman niyang hindi ako nito maapektuhan dahil pareho kaming Pure blooded.

"She's Noemi! Wala ng iba!" Ang tigas talaga ng bungo nito, hindi ko pa rin tanggap na iisa kami ng mukha ng gagong 'to.

"Release Neo." Seryoso kong sabi dito.

"I won't." Nanginginig ang kamao kong masuntok siya muli.

Napatingin pa ako sa paligid sabay hawak sa bewang ko't huminga ng malalim. Napatingin ako kay Ryder sabay takbo at nagtungo sa Underground kung nasaan ang Curse room.

"Habulin niyo siya!" Rinig ko pang sigaw ni Ryder nang makalayo na ako. Mas binilisan ko pa ang takbo at habang tumatakbo ako kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.

Nakakainis, sobrang dilim talaga dito at pakiramdam ko ay anumang oras may lalabas na multo.

Napatigil ako sa harap ng bakal na pinto.

"Neo!" Tawag ko dito sabay hampas sa bakal na pinto ngunit wala akong nakuhang sagot mula rito. Pansin ko rin ang pagkain na nasa tabi at mukhang hindi ito kumakain.

Fated With YouWhere stories live. Discover now