I

424 21 5
                                    

Shadow's P.O.V

"Bilis! Habulin niyo ang babaeng 'yon!" Sigaw ng mga taong hinahabol ang isang tao na sobrang bilis tumakbo. Napatawa naman ang taong iyon dahil napa-isip ito na uto-uto daw ang mga humahabol dito.

Nakakita ito nang isang eskinita at pumasok roon na hindi naman nakita ng humahabol.

Binuksan nito ang kaniyang bag at tinanggal ang wig nito at nagpalit ng mga damit. Matapos makapagpalit at ayos ay lumabas na ito sa eskinita at saktong nakasalubong ang humahabol sa kaniya kanina.

"Boy, may nakita kabang babae dito na tumakbo? Makinis ito at kasing tangkad mo, mahaba ang buhok nito at kulay brown na wavy." Napakamot naman ito at sinabing wala itong nakita na gano'n ang itsura.

"Sige, pasensya na sa istorbo. Tara, hanapin natin!" Matapos mawala sa paningin niya ang mga humahabol ay napatawa ito ng malakas.

"Mga tanga-tanga. Mabuti na lamang at dinala ko itong suppressant scent ko." Sabi niya habang nakatitig sa isang pabango na nakatulong sa kaniya. Ipinasok na niya ito sa kaniyang bag at naglakad muli.

••••••

"Kumusta ang paghahabulan?" Tanong ng kaniyang kaibigan na nakahiga sa sofa habang nanunuod ng T.V.

"Ayon, nakatakas ulit ako." Sabay bato dito ng kaniyang bag na naglalaman ng mga damit na suot kanina.

"Kapag ikaw nahuli ng mga iyon ewan ko lang talaga sa'yo."

"Matagal ng nangyayari ito kaya tiwala na ako sa kakayahan ko." Sabi nito sabay kuha ng maiinom sa refrigerator.

"Pero sana mag-ingat ka. Alam mo namang maraming aso na nakakalat diyan sa paligid at once na nahuli kana ng mga ito ay lalapain ka." Concern na sabi ng kaibigan dito at hindi niya alam kung ilang beses na niya itong narinig sa bunganga niya.

"Oo, mag-iingat ako." Nasagot niya na lamang.

"Talagang mag-ingat ka. Alam mo naman na ikaw ang nag-iisang lalaking Omega and once na may ibang nakatuklas no'n ay delikado na ang buhay mo kaya naman please mag-ingat ka, Neo." Napangiti ito ng malungkot sa sinabi ng kaibigan niya. Maliban sa magulang niya ay isa rin ito sa nakakaalam ng sikreto niya at ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan niya.

"Huwag kang mag-alala Lemuel, lagi akong mag-iingat." Nakangiti nitong sinabi bago tumabi sa kaibigan.

"Oo nga pala, may gamot ka paba diyan? Malapit na ang monthly heat mo, alam mo naman minsan basta-basta nalang ito umaatake." Tinignan niya ang lagayan niya ng gamot bago napatingin sa kaibigan.

"Paubos narin ito." Kinuha ng kaniyang kaibigan ang bote at isinuri.

"Sige, mamaya kukuhaan ulit kita."

Nagpapasalamat talaga siya sa kaniyang kaibigan dahil ito lang ang tumutulong sa kaniya sa oras ng walang wala siya. Sinubukan kasi ng tatay ni Neo na ibenta siya nung malaman na isa itong omega, galit at lungkot ang naramdaman noon ni Neo nung gawin sa kaniya iyon ng kaniyang ama kaya naman tumakas siya mula rito. Hindi rin maintindihan ng mga magulang nito kung bakit naging ganun ang resulta. Pero tanging kaniyang ina niya lamang ang tumanggap dito pero sa kasamaang palad ay pumanaw na ito dahil sa isang sakit.

"Oo nga pala, wala kabang trabaho ngayon Lemuel?" Isa kasing doctor ang kaniyang kaibigan kaya naman ito rin ang nagbibigay sa kaniya ng gamot.

"Dahil sa ilang araw na daw akong naka-duty eh pinagbakasyon muna nila ako nang isang linggo." Napatango na lamang ito at nakinuod narin ng T.V.

••••••

"Ano? Hindi niyo parin siya nahahanap?" Tanong ng isang lalaki na nakaupo ngayon habang naninigarilyo kaharap ang kaniyang mga pinagutusan.

Fated With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat