XLII

45 4 0
                                    

Neo's PoV

"Are you really Lennon?" Tanong ko dito habang nakahawak sa dibdib ko at ramdam ko kung gaano kabilis ang bawat pagtibok nito.

Kita kong nagsalubong ang kilay nito matapos marinig ang tanong ko.

"What's with your sudden question?" Napakagat pa ako ng labi bago siya sagutin.

"Just curious." Kita kong ibinigay nito ang kaniyang suit sa mga maid sa likod niya at tinanguan ang mga ito sabay pag-alis din nila.

Lumapit sa akin si Cohen habang nakatingin diretso sa aking mata kaya bugla akong napayuko dahil narin sa hiya.

"You heard it from the maids?" Dahan-dahan naman akong tumango.

"Yes, my full name is Ryder Lennon Cohen so what about it?" Nang sabihin niya ang buo niyang pangalan at nang marinig ko ang 'Lennon' mas lalo akong kinabahan at napaisip kung siya nga ba talaga ang batang nakilala ko noon.

"-eo?"

I know na hindi lang siya ang Lennon sa mundo pero what if? What if siya yung iyakin na bata na nakilala ko? What if siya yung lalaking laging tumatawa noon sa tabi ko?

"-o?"

What if....siya yung batang nag-confess sa akin noon?

"Neo?" Bahagya akong nagulat nang may humawak sa balikat ko at pagtingin ko si Cohen pala.

"I've been calling your name many times, are you okay?" Kita ko sa mata nito ang pag-alala. Please stop that, ayoko ng umasa.

Lumayo ako sa kaniya ng kaonti bago huminga ng malalim at hinarap siya.

"H-have we met before?" Tila parang nagulat pa ito sa natanong ko ngunit nawala rin ito kaagad.

"Hmmm, why? Is there something bothering you with my full name?" I feel like he is changing the subject here.

"Wala naman sige na matutulog na ako." Saka ako tumalikod at dali-daling nagtungo sa kwarto ko.

Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong nagtungo sa kama at napaupo sa gilid nito.  Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin ang pangalan niya. May possibility na siya nga ang batang nakakalaro ko noon.

Kung siya man how will I approach him? Knowing his personality now I just can't friendly approach him and say that I'm the 'Noemi' he met before.

I frustratedly lay down on my bed while staring blankly at the ceiling.

"I guess I'll just sleep." I murmured to myself and decided to close my eyes.

Ryder's PoV

"Are you really Lennon?" I was caught off guard nang tanungin ni Neo sa akin 'yan matapos kong makauwi dito sa bahay.

I guess my information regarding my full name has already been spread because of those maids. I'm not surprised.

"What's with your sudden question?" I asked trying to know what he had been thinking.

"Just curious."

"You heard it from the maids?" Dahan-dahan naman itong tumango. What an honest boy.

I smiled.

"Yes, my full name is Ryder Lennon Cohen so what about it?" I admitted at kita ko kung papaanong biglang may malalim itong iniisip kaya ilang beses kong sinubukang tawagin ang pangalan niya.

"Neo?" Pagtawag ko muli sabay hawak sa balikat nito at ramdam ko ang pagkagulat niya ng bahagya which is cute.

"I've been calling your name many times, are you okay?" I wonder if something is bothering him. I'm worried.

Fated With YouWhere stories live. Discover now