XXIX

68 5 0
                                    

Neo's PoV

Nakaupo ako ngayon dito sa lapag napagod at hinahabol ang hininga dahil kanina ko pa hinahabol itong si Sevianna na hindi ko na makita. Paniguradong nagtago ito dahil for sure makakatikim sa akin ng sapok 'yon.

'Makakatikim ka ng iba't ibang uri ng kurot sa akin Sevianna makita lang kita!' pagbabanta ko sa isipan ko habang naka yukom ang kamao.

"Neo." I flunched when I heard that voice. I didn't expect him to be here again.

Napatingala ako dito at ramdam ko muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Yes?" Hindi ko rin alam ba't ako tinawag nito.

"Nothing." Sabay alis.

Parang timang 'di ba, tatawagin ako tapos sasabihing 'nothing' lang tapos lalayasan pa ako. Galing.

Tumayo nalang ako at pinagpag ang suot ko sabay hinanap muli si Sevianna.

•••••

"Aray Sir. Neo ang sakit!" Daing nito habang hila hila ko siya at pinipingot sa tenga.

"Ikaw, alam mo bang pinagod mo ako kakahabol at kakahanap sa'yo eh nasa kwarto lang pala kita kumakain!"

Napagod na kasi ako kakahanap dito kanina kaya naisipan kong magtungo nalang sa kwarto para makapagpahinga ngunit pagbukas ko ng pinto ay nakita ko 'tong bruha na kumakain pa sa higaan ko habang tinitignan ang sketchbook ko.

"Sorry na Sir. Neo! Malay ko bang hinahabol mo pa pala ako!" Mas lalo kong diniin ang pagpingot ko sa kaniya kaya mas napa 'aray' ito.

"Papatawarin lang kita kung ide-delete mo yung picture na kinuhaan mo!" Dahil alam kong nakakahiya ang pwesto naming dalawa ni Cohen doon at mapapansin ang pagpula ng mukha ko kaya ayaw kong manatili pa ang litratong iyon.

"Eto na eto na!" Sabay nilabas ang kaniyang phone at pinakita sa aking binura niya iyon.

"Ayan! Happy?" Binitawan ko siya at naparolyo ng mata. Kita ko itong napangisi kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Bakit ka nangisi ngisi diyan ha aber?"

"Bakit? Masama ba?" Sinamaan ko nalang ito ng tingin at kumuha ng damit upang makapag hugas ng katawan.

"Lumayas kana at magpapahinga na ako." Sabay tulak dito palabas sa pinto.

"Sige Sir. Neo, labyuu!" Napailing pa ako sabay sinaraduhan siya ng pinto at nagtungo sa banyo.

Ang lakas din mang-trip ng babaeng 'yon sarap nila pag-umpugin ni Reiner.

Isinandal ko ang sarili ko dito sa loob ng bathub at napapikit. Iniisp ko ang pangyayari sa garden kanina.

Handa ko na sanang tanggapin na babagsak ako ngunit nasalo ako ni Cohen bago mangyari iyon.

Ang tanong, bakit nandoon si Cohen? Coincidence lang ba na nandoon siya o sinusundan kami nito? Ang assuming mo naman Neo kung gano'n.

Napadilat ako at tumayo sa bathub sabay pinunasan ang katawan ko at nagbihis.

Nagtungo ako sa kama ko at tinapon ang aking sarili doon. Napagod talaga ako sa paghabol kay Sevianna kaya nakatulog na pala ako.

Pagdilat ko ng mata ko nadako ang tingin ko sa bintana at gabi na pero ang bigat ng pakiramdam ko para bang inaapoy ako ng lagnat pero iba.

Hindi rin ako makatayo mula sa kama dahil nanghihina ang katawan ko.

Fuck, it seems I'm having my heat.

Cohen's PoV

Nandito ako ngayon sa office room ko sa mansion. Nakatingin ako ako sa garden at pinagmamasdan si Neo at Sevianna na masayang nag-uusap kaya hindi ko napansing nakangiti na pala ako.

Fated With YouWhere stories live. Discover now