XXVIII

61 7 2
                                    

Neo's PoV

"Bakit?" Tanong ko dito sa taong nasa harap ko ngayon na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Nasa garden kasi ako ngayon mag-isa dahil sa Sevianna ayon busy sa loob maglinis. Linggo kasi ngayon kaya hindi ako pumasok at para mas matuon ko ang atensyon sa pagda-drawing.

"You're so cute." Napapikit naman ako nang mariin sa sinabi nito at napailing. Kung pwede lang manapak ngayon ay ginawa ko na ngunit hindi ko magawa dahil may binigay itong napakamahal na regalo sa akin.

"What are you doing here, Reiner?" Tumawa naman ito nang mahina at ginulo ang buhok ko na kinainis ko dahil lagi na niya itong ginagawa kapag bumibisita siya rito.

"Bakit? Bawal ka na ba bisitahin?" Naparolyo naman ako nang mata sa nasabi niya. Kung hindi lang ako binigyan nito ng mamahaling gamit ay baka ilang beses ko nang nasampal 'to.

Hindi ko nalang siya pinansin bagkus nag-drawing nalang muli.

Pansin ko rin ang patayo nito bitbit ang kaniyang upuan at tumabi sa akin.

Mga nakaraang araw nagdududa na ako sa kinikilos nito dahil pansin ko masiyado na siyang nagiging clingy sa akin at madalas din akong asarin nito.

"Neo."

"Ano?" Sagot ko nang hindi tumitingin dito.

"Neo."

"Ano nga?" Minsan nakakainis na talaga 'tong si Reiner, nagtitimpi lang ako sa kaniya.

"Neo." Napakagat ako sa labi ko at napabuntong-hininga at hinarap siya.

Ngunit nagulat ako nang makitang sobrang lapit ng mukha nito sa akin at nakangisi siya kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Ano ba kasi Reiner?" Naiinis ko nang tanong dahil may maloko na itong ngiti sa kaniyang labi.

Nadako ang tingin ko sa isang bintana at doon nasilayan si Cohen na masamang nakatingin sa amin. Agad naman nitong sinarado ang kurtina kaya hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagda-drawing.

"Bakit ka ba kasi nandito, Reiner?" Sinandal naman nito ang kamay niya sasandalan ng upuan ko na para bang inaakbayan ako.

"Dahil may mission ako." Napakunot naman ang noo ko sa nasabi niya.

"Mission?"

"Yup!" He said popping the 'p' sound so I just shake my head.

Reiner's PoV

I glance at Ryder's office room and smirk. Gumagana na ba ang ginagawa ko Ryder?

Naalala ko ang napag-usapan namin nung nakaraang linggo at napangisi muli.

Let's see how long you can last, Ryder.

"Hindi ba't parang magkamukha si Noemi at Neo? Kung hindi ko lang sila kilala ay pagkakamalan kong magkambal sila." Bigla kong wika kay Ryder na seryoso sa binabasa.

Dahil totoo naman talagang parang hawig si Neo at Noemi na para ba silang magkapatid. Siguro naman pansin din ni Ryder iyon.

"May tanong ako, Ryder." Binaba nito ng bahagya ang binabasa at napatingin sa akin. Wala itong suot na mask kaya para bang nananalamin lang ako.

"What?" Napangiti naman ako nang nakakaloko at napasandal sa sofa.

"Who will you choose, Neo or Noemi?" Tanong ko dito na nagsimula muling basahin ang mga papeles. Nasa company's building office room niya kasi kami ngayon.

Naisipan ko ding tanungin siya niyan sapagkat gusto kong makasigurado sa totoong feelings niya.

"What's with that shitty question?" Halata sa tono nito ang pagkainis.

Fated With YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя