XV

80 4 0
                                    

Elijah's PoV

"ELIJAH!"

"--lijah? Elijah?" Nagulat naman ako bigla ng tapikin ni kuya Lemuel ang balikat ko.

"Parang balisa ka ah, ayos ka lang ba?" Napahawak naman ako sa noo ko at basa ito dahil sa pawis kaya kumuha ako ng panyo at pinunasan ko ito.

"A-ah, opo kuya Lemuel, kain na tayo." Nandito kami ngayon ni kuya Lemuel sa isang kainan, kakatapos lang din kasi namin mamili. Kanina habang namimili ay parang nakarinig rin ako ng pamilyar na boses na tumatawag sa akin, feeling ko si Kuya iyon.

"Pagkatapos natin kumain, gusto mo ba mamili ng mga damit?" Napatingin naman ako bigla kay Kuya Lemuel dahil sa nasabi niya.

"Huwag na po kuya Lemuel, marami naman po akong damit atsaka baka hindi ko rin po magamit." Nakakahiya narin naman kasi kung magpapabili pa ako kay kuya Lemuel ng damit, nakikituluyan na nga ako sa kaniya eh.

"Nah, I insist paulit-ulit na 'yang damit mo kaya tara mamili na tayo!" Sabay hinatak ako papatayo kahit hindi pa ubos ang kinakain namin.

"Ayan, halika dito tulungan kita mamili ng damit." Kahit nakakahiya ay wala na akong nagawa kung hindi ang mamili ng damit dahil kung hindi daw ako mamimili ay bibilhin daw lahat ni Lemuel ang damit na tinapunan ko ng tingin.

"Elijah, tignan mo 'to mykhang bagay sa'yo." Napatingin naman ako sa gawi ni Lemuel at kita kong may hawak itong oversize na hooded jacket, lalapit na sana ako dito ng may narinig ako biglang sumigaw.

"ELIJAH!!" Napalingon ako sa tumawag at nanlaki ang mata ko si Kuya na nakatingin sa akin, nagtago ako bigla kay kuya Lemuel na nagtaka sa ikinilos ko.

"Ano'ng nangyayari Elijah?" Hindi ako sumagot dito at mahigpit na napahawak sa damit niya dahil kita ko si kuya papalapit na sa pwesto namin.

"Elijah!" Nang makalapit si kuya ay nakangiti itong nakatingin sa akin sabay seryosong napatingin kay kuya Lemuel.

"Sino ka?" Nagkatingin naman kami ni kuya Lemuel bago ibinaling ni kuya Lemuel ang tingin kay Kuya Lucas. Ramdam kong humawak sa balikat ko si kuya Lemuel sabay pisil dito.

"I'm Elijah's boyfriend, ikaw sino ka?" Bigla naman akong napatingin kay kuya Lemuel sa nasabi niya, palihim naman itong kumindat sa akin. Kita kong mas lalong nagalit si kuya sa nasabi ni kuya Lemuel.

"What do you mean you're Elijah's boyfriend? Elijah is a guy!" Mas lalong tumindi ang kapit ko sa damit ni kuya Lemuel dahil sa sigaw ni kuya Lucas.

"So? Is the first gender still matters?" Napakunot naman ang noo ni kuya Lucas at medyo lumapit sa amin kaya napakahakbang ako patalikod.

"What do you mean by that?" Rinig kong napangisi si kuya Lemuel.

"What? Hindi paba nasasabi ni Elijah sa'yo?" Wait...no...no...kuya Lemuel you can't tell him!

"Na ano?" Mas tumindi ang kapit ko at ramdam kong hinahaplos ni kuya Lemuel ang balikat ko.

"Na kaya lang naman lumayas si Elijah ay dahil isa siya--" hindi ko na pinataoos sa pagsasalita si kuya Lemuel dahil sumigaw na ako, "STOP!" ramdam kong napatingin silang dalawa sa akin kaya tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoong second gender ko, hindi pa ako handa.

Shadow's PoV

Napatingin pareho si Lucas at Lemuel sa biglang pagsigaw ni Elijah, parehong may gulat rin sa kanilang mukha.

Matapos sumigaw ay tumakbo palayo si Elijah, hahabulin sana ito ni Lucas ngunit pinigilan siya ni Lemuel.

Fated With YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora