XIX

68 7 0
                                    

Neo's PoV

Maaga akong nagising ngayon upang makapaghanda at makapunta na sa office room ni Cohen. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang pangalan ng babaeng idinala rito ni Cohen.

'Noemi' parang tila ba mapagbiro ang tadhana at ipinaalala nanaman sa akin ang nakaraan. Napailing na lamang ako at tinapos suotin ang cat maid uniform ko. Tinignan ko muna ang sarili sa full mirror bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ay kabayo!" Gulat kong nasabi sapagkat bumungad kaagad sa akin ang gulat na gulat na ngayong mukha ni Sevianna. Na-concious pa ako dahil tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganiyan." Sabi ko dito pero mukhang wala itong narinig at kita ko pang sumilay ang ngiti nito at hinawakan ako sa magkabilang balikat sabay niyugyog ako.

"Omg! You're so pretty talaga Sir. Neo! Sayang wala akong phone 'di kita ma-picture-an." Itinigil ko ang pagyugyog nito sa akin at binatukan siya dahil sa kapilyuhang taglay.

"Tigilan mo nga ako Sevianna, gawin mo na dapat mong gawin at magtutungo na ako sa office room." Ngumuso naman ito bago tuluyang umalis. Napabuntong-hininga naman ako sabay naglakad papunta sa office room ni Cohen.

Pagkapasok ko ay nagulat pa ako sapagkat nandito rin ang babaeng dito na daw manunuluyan, si Noemi.

"What are you doing here?" Nakataas kilay nitong tanong sa akin. Halata sa tono nito na may pagkamaldita ito.

"Ah, good morning po Ma'am. I'm here since I'm Master's personal maid and master wants me here every morning to greet and brew his coffee." Pagpapaliwanag ko. Ang nakataas nitong kilay ay mas lalo pang tumaas. Humakbang naman ito papunta sa akin at tanging 6 inch niyang heels ang maririnig sa kwartong ito.

"Get out, Cohen don't need you anymore." Ako naman ang napataas ang kilay dito. Hindi ikaw ang nagbabayad sa akin kaya wala kang karapatan.

"I'm only here for my master's orders." Sabi ko sabay yuko dito at nakipagtitigan ng tingin. Bakit pakiramdam ko gusto kong sabunutan ngayon din ang babaeng ito.

"I'm also now you master, so get out!" Hindi ako sumunod dito at nakipagtitigan lang. Wala akong pake kung maabutan pa kaming nagsasamaan ng tingin nitong babaeng ito ni Cohen basta hindi ako aalis.

Maya-maya lang ay nakarinig kaming dalawa ng yabag ng paa at nagulat ako ng biglang napaupo ang babae sa sahig at umiyak, nakakunot noo ko itong tinitigan.

"What are you do--" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko sapagkat pumasok na si Cohen at nagulat pa ito nang makita na nasa sahig ang babae.

"What is happening here?" Halata sa boses nito ang pagkagalit sabay lumapit ito sa babaeng umiiyak pa rin.

"I have n--" hindi ko muli natapos ang sasabihin nang ituro ako ng babae.

"S-she pushed me because I t-told her I-I'll be the one to make y-you coffee." Nagsalubong naman ang kilay kong napatingin sa babae dahil una sa lahat hindi ko siya tinulak, siya nga 'tong makasigaw sa akin kanina.

Matalim namang tumingin si Cohen sa akin kaya napalunok ako dahil nanghihina ako sa tuwing titignan ako nito ng masama.

"Why did you do that, Neo?!" Nanlaki naman ang mata ko nang sumigaw na ito. Bakit parang kasalanan ko?

"Wala po akong ginawa kay Ma'am, hindi ko siya tinulak." Pagsasabi ko ng totoo at patuloy pa rin ang babae sa pag-iyak. Sasampalin ko talaga 'to kapag kaming dalawa lang para naman magsabi na ng totoo next time.

"Neo, get out!" Masama naman ako tumingin kay Cohen bago lumabas at marahas na sinara ang pinto nito. Nakakabanas akala mo sinong biktima eh wala nga akong ginagawa sa babaeng 'yon.

Fated With YouWhere stories live. Discover now