Kabanata 39

1.1K 85 32
                                    

Kabanata 39

NAPAHINGA nang malalim si Allie. Iba ang kirot sa ulo niya ngayon. Ilang ulit na siyang pabalik-balik sa banyo dahil sa paulit-ulit na pagsusuka. Tila nawawalan na rin ng lakas ang mga binti niya. Minsan din ay nararamdaman niya ang pamamanhid ng braso at hita niya.

Ilang araw na lamang ay aalis na sila ng kanyang daddy papuntang Germany upang ipagamot siya. Kahit puwede namang dito sa Pilipinas, gusto rin ni Allie na sundin ang daddy niya. Gusto niya kung saan gagaan ang pakiramdam nito. If he thought Germany was for the best, then so be it.

Mahirap iwan si Enzo pero para rin naman ito sa lalaki. Kapag nanatili siya, mas masasaktan lamang ito dahil makikita nito ang paghihirap niya.

Maybe, just maybe, he would be happier if she would let him go. Even if it hurts, she would let him go.

Lumapit siya sa bintana nang makarinig ng tila nagkakasiyahan mula sa labas ng bahay ng mga Gutierrez. Nakita niya ang mga kaibigan ni Enzo kasama ang kanya-kanyang nobya ng mga ito. Nagseselebra marahil ang mga ito ng katatapos lamang na graduation rites sa SVU.

Ang alam niya, lahat na ng mga kaibigan ni Enzo ay may mga nobya na puwera na lamang kina Rein at Chase. Good for them. Sana, kapag wala na siya, tulungan ng mga ito si Enzo.

Allie realized that no matter how much she wanted for Enzo to heal, he would not if he wouldn't make the right steps in order to heal. Na kay Enzo na ang desisyon kung gusto ba nitong maging buo ulit. Sana lang ay mahanap na nito ang dahilan nito para gustuhing maging buo.

God knows how much Allie wanted to be Enzo's reason to be whole. Gusto niyang siya ang maging dahilan pero mas gusto niyang ang maging dahilan ni Enzo ay ang sarili nito.

The pain Allie felt while looking at Enzo was unbearable but she could not help but look at him more. Masokista siguro siya. Pero gusto niyang sulitin ang natitirang araw na makikita niya si Enzo. This was the first time she had seen Enzo since their fallout. Hindi ito umuuwi at tinatawagan lamang sina Tita Lily at Tito Miguel. They let him sort his mind out. Miss na miss ito ni Allie kung kaya't pinagsasawa niya ngayon ang tingin sa lalaki.

This would be the last time, after all.

"Problem?"

Napatingin siya sa nagsalitang si Rein, isa sa mga kaibigan ni Enzo. Halos kaedad niya ito at kagaya ni Enzo ay may pagkasuplado rin. Right now, she could not see the old Rein. Kagaya niya, pilit nitong itinatago ang sakit na nararamdaman nito, nakikita niya iyon sa mga mata nito. Ito ang lalaking mahal ng kaibigan niyang si Ashleigh. Alam niya ang pinagdaraanan nito ngayon at ni Ashleigh dahil umiiyak na ikinuwento iyon sa kanya ng huli.

Napangiti siya nang mapait. Maybe she could help her friend. Baka kapag iniuntog niya ang ulo ni Rein sa pader, baka matauhan ito at matulungan pa niya si Ashleigh.

"Bakit may mga lalaking kay daling sumuko sa unang dagok pa lang ng problema? Magsasabi sila na mahal nila ang isang babae, 'tapos kay dali naman sa kanilang iwan ang babaeng tinutukoy nila. Isn't it stupid? Pagmamahal ba 'yon? I think it's bullshit, it's stupid, and fucking dumb," matigas na aniya. Grabe ang pagpipigil niya upang hindi pumatak ang mga luha niya.

"Maybe he did that because he loves her that much and he's scared of hurting her more if he stays," mahinang tugon ni Rein.

Naglitanya pa si Allie. Hindi siya maawat. Bawat salitang binabato niya kay Rein ay bumabalik sa kanya. She hoped her voice would reach Rein, for Ashleigh's sake. Kagaya nga ng sabi ni Enzo, their friends deserved to be happy.

Iniabot niya kay Rein ang hawak niyang school paper. "Baka gusto mong basahin. A girl expressed her feelings in that. Matauhan sana 'yong lalaking mahal niya bago siya magsisi sa huli."

Iniwan na ni Allie si Rein at pumunta sa kanyang silid. Humiga siya sa kama at hinayaang pumatak ang mga luha niya. Lahat ng sinabi niya kay Rein, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya. She was taking away Enzo's choice but what choice did she have? Wala. Kahit ano ang piliin niya, masasaktan si Enzo. Mas mabuti pa 'yong ganito na lang.

Kinuha ni Allie ang red notebook niya. Hindi na niya nagawang isulat pa ang pandalawampung phrase ni Enzo. Wala na siyang maisip. Sa pinakadulong bahagi ng notebook ay isang sulat ang iniwan niya para kay Enzo.

"There are times when you have to sacrifice your own happiness for some people to be happy. I let you go not because my love isn't true. It's just that... I think this is for the best," mahinang aniya na tila ba naririnig siya ni Enzo. Sana lang, dumating ang panahon na mapatawad siya nito sa ginawang panghihimasok sa buhay nito; sa pang-iiwan dito. "I'm sorry, Renz. I'm so sorry."

Bumukas ang pinto ng silid ni Allie at iniluwa niyon ang daddy niya. Umupo ito sa tabi niya at masuyong hinaplos ang kanyang buhok.

"Ang hirap, Daddy. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko alam kung ano ang tama. Aalis ako nang hindi pa kami nag-uusap. Sabi ko tama 'to, na para sa kanya rin 'tong ginagawa ko. Pero sa huli, para sa sarili ko pa rin 'to. Sabi ko, gusto kong harapin niya ang nakaraan niya para sa sarili niya. Pero naisip kong ginagawa ko 'yon para sa sarili ko. Kasi gusto kong mahalin niya ako ng buo. Hanggang sa huli, sarili ko lang ang iniisip ko. No wonder he hates me. Masyado akong nanghimasok. Ipinagpilitan ang gusto ko. Hindi ko man lamang naisip 'yong mararamdaman niya."

"Naalala mo ba 'yong sinabi ko sa 'yo? Magagalit siya sa 'yo pero kung mahal ka niya, maiintindihan niya kung bakit mo 'yon nagawa. Pero tandaan mo rin, Allie, na hindi laruan o gadget si Enzo na kapag nasira, eh, aayusin mo. He is a person. Hayaan mo siyang magkusa na gumaling. Ginawa mo na ang parte mo. Sinabi mo na ang gusto mo. Panahon na para siya naman ang kumilos."

"Pero aalis na rin naman ako, Dad."

"Ang pagmamahal, kahit saan ka pumunta, susundan ka."

"I'm dying, Dad."

"You're not dying!" singhal sa kanya ng daddy niya. Mayamaya ay niyakap siya nito. "I'm against this whole situation, 'yong pagtatago mo ng sakit mo kay Enzo. Pero kung ano ang desisyon mo, igagalang ko. Pero para sa akin, hindi mo dapat itago ang sakit mo kay Enzo. Give him the chance to make a decision."

"He'll just waste his time to be with me when he should be reaching his dreams."

"I would gladly waste my time to be with the person I love in time she needed me the most."

Napatitig si Allie sa daddy niya at nakita niya ang luha sa mga mata nito. Alam niyang naaalala nito ang mommy niya.

"The company abroad? Iiwan ko ang lahat ng iyon makasama lamang si Nella. Kahit alam kong iiwan din niya ako dahil sa sakit niya, ayos lang. Ang mahalaga, nakasama ko siya. I think, if given the chance, Enzo will do that for you."

Nagkatunog ang pag-iyak ni Allie. "Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya, Daddy."

"Sshh. Hindi kita pipilitin. I love you, Allie. Kung ito ang gusto mo, gagawin ko."

Allie didn't know what being selfish means. Was it taking away Enzo's choice? Or letting Enzo know about her illness so she could still be with him?

Maybe selfishness was when she turned a blind eye on what mattered most to them—their happiness.

Nang mapag-isa si Allie sa kanyang silid ay kinuha niya ang bottle of messages na ibinigay ni Enzo sa kanya. Bumunot siya ng isang capsule at inalis sa pagkakarolyo ang papel sa loob niyon.

There's no one else but you, it says.

Bumunot siya ulit.

I love you.

At isa pa.

I love you.

At isa pa.

You're it for me.

Umiiyak na bumunot siya ulit.

You'll always be my Cheeseball.

At isa pa.

I love you.

Niyakap ni Allie ang bottle of messages.Sinubukan niyang ngumiti pero ang hirap. Dahil ang puso niya mismo ang umiiyak.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon