Kabanata 15

2.8K 146 57
                                    

Kabanata 15



INAABANGAN ni Allie si Enzo sa labas ng SVU. Iniiwasan siya ni Enzo. Halata naman, eh. Bulag lang ang hindi makakahalata. Malabo lang ang mga mata ni Allie, hindi siya bulag.

Kaya ngayon, hinihintay niya si Enzo para makapag-usap sila once and for all. Hindi niya babawiin 'yong confession niya. Bakit pa siya magsasabi ng "I love you" kung babawiin din niya, 'di ba? Gusto lang niyang... maging maayos ulit ang lahat sa pagitan nila. Hindi man maibalik 'yong dati, sana man lamang, makapagsimula sila ng panibago. Ayaw niya ng ganito.

Napatayo nang tuwid si Allie nang makita ang pigura ni Enzo na naglalakad papalabas sa SVU. Akmang ngingitian niya ito at tatawagin nang mapansin ang pigurang kasabay nito sa paglalakad.

It was a girl. The girl was talking animatedly to him while he was listening to her. Tila ba tutok na tutok ito sa sinasabi ng babae at wala itong napapansin sa paligid nito. Unti-unting nabura ang ngiti ni Allie. Ipinatong niya ang palad sa tapat ng puso nang tila may kumirot doon.

Naramdaman marahil ni Enzo na may nakatingin dito. Umangat ang tingin nito hanggang sa nagtama ang paningin nilang dalawa. Wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito. She tried to smile at him but he just looked away; as if he didn't see her; as if he didn't know her.

Parang nagkandapira-piraso ang puso ni Allie dahil doon. Pakiramdam niya ay may dumakot sa puso niya, piniga iyon nang mariin, pinunit ng pagkanipis-nipis at tinapak-tapakan. OA man pero ganoon kasakit ang nararamdaman niya ngayon.

Hinayon ng tingin niya si Enzo at ang babaeng kasama nito. Kahit nang dumaan ito sa harap niya ay hindi siya nito pinansin. Nakagat ni Allie ang ibabang labi. Laglag ang mga balikat na naglakad na lamang siya sa kabilang direksiyon na tinahak ni Enzo at ng kasama nito.

She finally understood him and his actions. May gusto na itong iba kaya siya nito nilayuan. Ayaw siguro nitong makagulo siya sa buhay nito at sa babaeng nililigawan nito. 'Sus. Maliit na bagay. Hindi naman siya manggugulo. Ayos lang siya. Masaya siya para dito... Sana masabi niya 'yan ng bukal sa loob niya; na masaya siya para kay Enzo.

Pero ipokrita siya kung sasabihin niya 'yon. Hindi siya okay. Hindi siya masaya para dito. Bakit hindi siya ang minahal nito? Ano'ng kulang sa kanya? Ano'ng wala sa kanya? Ang love pala, parang susi at padlock. Kung hindi tama ang susi, 'wag mong ipagpilitan dahil wala kang mapapala.

Wala sa sariling tinawagan niya si Avi. "Hey. Puwede bang makitulog muna ako sa inyo?"

She needed to separate herself to him. Nagiging makasarili na siya, eh. Hindi naman pulos siya na lang. Dapat isipin din niya ang nararamdaman ni Enzo.





"UMIIYAK ka na naman."

Pinunasan ni Allie ang magkabilang pisngi saka binalingan si Avi. "Hindi ako umiiyak."

"Ano 'yan? Napuwing ka? Grabe naman nakapuwing sa 'yo, hollow blocks?!"

"Fine. Umiyak na ako. Naiyak ako sa movie."

"'Sus. Naka-relate ka naman?"

"Shut up, Avi. Brokenhearted ako, 'wag mo akong asarin. Sabi nga, asarin mo na ang lasing, 'wag lang ang brokenhearted."

"Pauso mo talaga, Allie."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nina Allie at Avi. Itinutok na nilang dalawa ang pansin sa pinanonood. Mabuti na lamang at pumayag si Avi na dito muna siya matulog sa bahay nito. Nag-text na siya kay Tita Lily. Pumayag naman ito. Ang palusot niya ay may project silang kailangang tapusin.

Kahit anong gawin niya, pilit pa rin pumapasok sa isip niya si Enzo.

"Dapat bang kalimutan ko na siya, Avi? Mag-move on kahit hindi naman naging kami?" tanong niya sa kaibigan.

"Tanong ka nang tanong, kahit ano naman ang sabihin ko, ang susundin mo pa rin, eh, ang gusto mo."

Hindi siya nakakibo.

"Ano ba ang gusto mong gawin, Allie?"

"Gusto kong gawin 'yong bagay kung saan ako sasaya."

"Saan ka ba sasaya?"

"Sa kanya."

"Eh, di doon ka. Basta 'wag mong hahayaang humantong sa puntong pulos sakit na lang ang maramdaman mo at nawala na 'yong sayang nararanasan mo."

Napangiti si Allie. Tama nga na si Avi ang pinuntahan niya. Alam nito kung ano ang dapat sabihin sa kanya.

"Tama bang manatili ako sa tabi niya kahit hanggang kaibigan lang ako sa kanya?"

"Kapag ba sinabi kong hindi, makikinig ka? Nagtatanong ka, eh, alam mo naman na ang sagot. Hindi mo lang matanggap kasi nga, nagmamahal ka. Ganyan naman ang tao, eh. Magtatanong pero alam na ang sagot. Kasi sa sarili natin, hindi natin matanggap 'yong sagot na nakuha natin."

"Ang dami mong hugot, Avi. In love ka?"

"Hindi ako magmamahal. Hindi pa ako handang masaktan. Kapag kasi nagmahal ka, dapat handa ka rin masaktan."

Unti-unting natawa si Allie. Magkaibigan nga sila ni Avi. Minsan, in denial. Madalas, tanga.

Lagpas alas-dose na rin nang mapagpasyahan nilang matulog. Sa guestroom natulog si Allie. Tiningnan muna ni Allie ang cell phone. Wala man lamang text galing kay Enzo.

Pumikit na si Allie. Siguro, darating din 'yong araw na mare-realize niya kung bakit siya nasasaktan nang ganito. Dumilat si Allie at muling kinuha ang cell phone. Napahugot siya ng hangin at nagbilang hanggang sampu. Nag-type siya ng mensahe. Muli ay nagbilang siya hanggang sampu bago pinadala ang mensahe.

Step one: Done.





HI, RENZ. Puwede ba tayong mag-usap bukas? Or rather, mamaya?

Marahas na hinagod ni Enzo ang buhok nang mabasa ang mensaheng iyon ni Allie. He was tired. He was tired of being the good guy. How could he be the good guy when he was hurting her? Fuck.

Hindi niya alam ang sasabihin kay Allie. What he wanted to do was different from what he was doing. But did he have a choice? Oh, fuck it. He would always have a choice. He had just chosen to hurt her; the only person who mattered to him. But staying with her means hurting her more.

Napapikit si Enzo. Hindi man niya gustuhin ay umiikot sa isipan niya ang mukha ni Allie; 'yong mukha nitong puno ng sakit nang hindi niya ito pinansin kanina sa labas ng SVU. Nasaktan niya ito. He, the person who promised not to hurt her, was the person who hurt her the most. Irony of life.

Naintindihan na niya ngayon ang ibig sabihin ng, "Dapat sana pero hindi talaga puwede." If only he wasn't born incomplete. If only he was the right one. But he wasn't.

Tumipa na ng reply si Enzo kay Allie, Susunduin kita mamaya sa SLU. Good night.

Napabuga siya ng hangin. "I'm making the right decision. This is for her."

If he was making theright decision, why did it feel like everything was falling apart? To love herwas easy. To leave her was next to impossible. But he has to. Not for himself but for her sake.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon