Kabanata 19

1.7K 77 27
                                    

Kabanata 19

NANG maisuot ni Allie ang skates ay akmang tatayo na siya nang pigilan siya ni Enzo sa braso. Naguguluhang binalingan niya ang lalaki.

"Wait." Yumukod ito sa harap niya at inayos ang pagkakasuot ng skates. "There. Let's go."

Akmang mag-i-skate na ito papunta sa entrance nang pigilan niya ito sa braso. "Wait. Hindi ako marunong!"

Pinagtaasan siya ng kilay ni Enzo. "Nag-aya kang mag-ice skating tapos hindi ka marunong?"

Gustuhin man niyang humalukipkip ay hindi niya magawa dahil nakakapit siya kay Enzo na parang tuko.

"Yes! Kaya huwag mo akong bibitawan!"

Walang tugon mula kay Enzo. Sa halip ay naramdaman niya ang paggagap nito sa palad niya. Inalalayan siya nito hanggang sa makapasok sila sa ice skating rink. Kinakabahan si Allie. Baka mamaya, magtagpo ang pang-upo niya at ang malamig na sahig. Nakakahiya.

"Don't let me go," mahinang aniya kay Enzo.

Marahan nitong pinisil ang palad niya. "I won't," mahina nitong tugon.

Bumilis ang tibok ng puso ni Allie. Paulit-ulit niyang sinasabi sa puso niya na, "'Wag kang kikiligin. Walang ibang meaning 'to. Friends lang kayo." Pero pasaway ang puso niya.

Umaasa. Hindi malayong masaktan siya. Madapa. Pero babangon siya. At magmamahal muli. Mamahalin pa rin ito.

"Hindi ka matututo kung tatayo ka lang sa isang sulok," sita ni Enzo sa kanya. Bago pa makakibo si Allie ay hinawakan nito ang magkabila niyang kamay. "Follow my lead," anito.

Nagsimulang kumilos si Enzo. Patalikod ang pagkilos nito. Magkaharap sila at nakaalalay ito sa kanya. Nawala 'yong kaba niya. Ang tanging nararamdaman niya ay ang init na nagmumula sa mga palad ni Enzo.

"Kaya mo na ba?"

Wala sa sariling tumango siya. Binitawan naman ni Enzo ang palad niya.

Nanlaki ang mga mata ni Allie nang maramdaman ang paggewang ng katawan. Bago pa man humalik sa lupa ang pang-upo niya ay naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Enzo sa baywang niya.

"Kaya mo na nga, ha."

Tila ba nawala sa sarili si Allie. Ang tanging umiikot sa isip niya ay kung gaano kalapit ang katawan ni Enzo sa kanya. Halos magkayakap na sila. Umiikot sa ilong niya ang amoy ni Enzo. Kumakapit sa katawan niya ang init nito.

"Let's just skate together. Hindi kita kayang bitawan, Allie."

"Then don't. Huwag mo akong bibitawan," aniya.

Hindi niya alam kung dinadaya siya ng sarili pero tila naramdaman niya ang magaan nitong paghalik sa buhok niya.

"I won't."

Sa gilid na ni Allie pumuwesto si Enzo. Hawak nito ang isa niyang kamay.

"Renz..."

"O?"

"Na-out of balance ako."

"Hindi. Hawak kita."

Alam ni Allie na sinisira lamang ulit ni Enzo ang banat feels niya dahil nahuli niya ang kislap sa mga mata nito.

"Lawrenzo!"

Bahagyang pinitik ni Enzo ang noo ni Allie. Nang mapatingin sa mukha nito, nakita niya ang maliit na ngiti sa mga labi nito. Ah, good. She made him smile again.

"Fine. Bakit?"

"Na-out of balance ako. At nahulog deretso sa 'yo." Napakunot ang noo niya. "Walang impact. Syet."

"Cheeseball..."

"O, bakit? Babanat ka rin?"

"Nagugutom ako."

Natatawang pinalo niya sa braso si Enzo. "Akala ko pa naman babanat ka na!"

Pinisil ni Enzo ang ilong ni Allie. "That's not my style."

"Echos. Eh, cheeseborg ka nga, eh."

"Just for you," mahinang anito.

Nag-summersault na naman ang puso ni Allie. Haay. Hindi na talaga nadala ang puso niya.

"I know, right."

Siguro, hindi naman unrequited ang love niya para kay Enzo. Siguro, hindi lang talaga sapat 'yong nararamdaman nito para matugunan ang nararamdaman niya. Hindi lang naman love between opposite sex ang love na mayroon sa mundo, eh.

Marami pang klase ng love. Kahit ano'ng klase ng love ang kayang ibigay ni Enzo, basta love na galing dito, tatanggapin niya. Kaysa naman wala talaga.





NAPATINGIN sa pinto ng silid niya si Allie nang may kumatok doon. Bumukas iyon at iniluwa si Enzo. Dere-deretsong pumasok sa silid ni Allie si Enzo. Umayos ng upo si Allie sa kama niya. Iminosyon niya kay Enzo na umupo sa tabi niya. Sumunod naman ito.

Pagkaupo ni Enzo ay kaagad nitong iniabot ang isang kulay pulang paperbag sa kanya.

"Para sa 'kin?"

"Hindi. Para sa katabi mo."

Ngumisi lamang si Allie. "Para saan 'to?"

"Belated birthday gift. Kanina lang kasi dumating."

"Buksan ko na, ah."

"Kahit 'wag na kung gusto mo," asik ni Enzo.

Natatawang tinampal niya ito sa braso. "Masyado kang high blood. Menopausal?"

"Alianna!"

Napahagikgik siya. Binuksan niya ang paperbag at inilabas ang laman niyon. Isang brown na teddy bear na may zipper sa likod. Nagmistulan tuloy iyong isang backpack.

"Ang cute! Matagal ko nang gustong magkaro'n ng ganito!" aniya. "Thanks, Renz!"

Hindi niya napigil ang sarili at dinamba ng yakap ang lalaki. Hindi marahil nito inaasahan ang ikinilos niya. Dahil sa bigat niya ay napahiga si Enzo habang nakayakap siya rito. Pumulupot ang isa nitong braso sa baywang niya kung kaya't nasama siya sa paghiga nito sa kama.

She could feel him tensing underneath her. She stilled. Hindi niya alam ang ikikilos. Alam niyang dapat ay umayos siya ng upo pero parang biglang bumigat ang katawan niya at hindi siya makakilos. Umangat ang tingin ni Allie. Nagtama ang paningin nila ni Enzo. His eyes had darken with emotions she could not name.

"R-renz—"

He suddenly moved his free hand and placed it on her head. Hinapit nito ang ulo niya at isiniksik sa leeg nito. He tighten his hold onto her body as if he was afraid of letting her go.

"I'm selfish," mahinang anito.

Napapikit si Allie. Yes, he was. But she was selfish, too. Could two selfish people produce something good?

"Cheeseball," untag ni Enzo sa kanya. Hindi pa rin lumuluwang ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Bakit?" tanong niya; nakasiksik pa rin ang kanyang mukha sa leeg nito. She could almost taste his skin.

"Hindi ko na kailangan ng calculator."

Allie almost let out a giggle when she heard him. God. This guy was killing her with his cuteness.

"Bakit naman?"

"Kasi sa 'yo pa lang... heck. Ano nga ang kasunod?"

"Solve ka na?"

"Yeah."

Napailing si Allie kasabay nang pagtawa. Really. What would she do with her life if Enzo wasn't in it?

"Alam mo, minsan ka na nga lang babanat, Cheeseborg, kinalimutan mo pa."

He grunted the same time she felt his lips on her forehead.

Bliss.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon