Kabanata 2

3.4K 177 39
                                    

Kabanata 2


IF THERE was someone Allie trusted with her life aside from her mother, it was this person.

Lawrenzo Guttierez. Or Renz as she preferred to call him even if his friends and peers called him Enzo. Son of her mother's friends. Son of the people who were currently helping her when it came to financial matters.

Kilala na ni Allie si Enzo simula pa noong maliit pa lamang sila. Lumaki siyang nakabuntot dito. Kung nasaan ito, paniguradong nandoon din siya. Ang biro nga noon ng mga magulang nila eh anino siya ni Enzo.

Hindi palasalita o palakibo si Enzo. Pero pagdating kay Allie, hindi ito ganoon kaseryoso. Kahit hindi nagsasalita, alam niyang nakikinig ito sa kanya dahil minsanan ay sumasagot ito kapag tinatanong niya. Allie knew he liked her company because he was allowing her to be near him; to be his shadow. She could even say he spoiled her.

Nagbago lamang iyon noong tumuntong sa high school si Enzo. Naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Inaangilan siya nito kapag nakasunod siya rito. Kibuin-dili na rin siya nito at hindi na sumasagot kapag tinatanong niya.

Not that he was the warmest person before but he wasn't that cold. Something changed, she knew it but she doesn't know what.

Despite the coldness, Allie doesn't stop being Enzo's friend. Kahit ayaw nito, hindi siya mawawala sa tabi nito.

"Allie," malamig na anito. Dumiretso ito sa tabi ng kama at tinitigan ang mommy niya. "How's Tita Nella?"

Nabitin ang akmang pagngiti ni Allie nang marinig ang tanong nito. "She's fine for now. Katutulog lang niya," mahinang aniya.

Tinitigan siya ng matiim ni Enzo saka walang kibong lumapit sa isang bakanteng silya. Binitbit nito iyon at inilapag malapit sa kinauupuan niya.

"You're going to stay here?" gulat na tanong niya.

He nodded.

"Nasaan sina Tita Lily at Tito Miguel? Pupunta rin ba sila ngayon?" Ang tinutukoy ni Allie ay ang mga magulang ni Enzo. Mag-best friend ang mommy niya at si Tita Lily.

"At work. They won't be able to come today but they'll visit tomorrow."

Napatungo si Allie. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga reading materials na bitbit. Minsan, nahihiya na siya kina Tita Lily. Alam niyang hindi biro ang nagasta ng mga ito para tulungan ang mommy niya.

Naisip na nga niyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa pagpapagamot ng mommy niya ngunit hindi ito pumayag. Kahit sina Tito Miguel ay tumanggi. Mahalaga raw na makatapos siya dahil mas matutulungan niya ang mommy niya sa lagay na 'yon.

"Nalulukot na." Ang tinig na iyon ni Enzo ang pumukaw sa pag-iisip ni Allie. Naramdaman niya ang palad nito sa ibabaw ng nakakuyom niyang palad. Ibinuka nito iyon at kinuha ang mga papel. "Assignments? You better do it fast if you want to finish it early," anito.

"Renz, salamat, ah. Salamat sa tulong niyo. H-hindi ko alam kung..." Nakagat ni Allie ang ibabang labi upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi. Naiinis na pinunasan niya ang mga mata nang manlabo iyon. Naiinis siya dahil ayaw niyang makita ni Enzo na iyakin siya, na mahina siya.

May telang tumakip sa ulo niya dahilan ng pagdilim ng paningin niya. Akmang aalisin niya iyon nang may mabigat na bagay ang pumatok sa ulo niya.

"I'm not doing anything," walang emosyong anito.

"Being here is enough to me," sagot niya.

Wala siyang narinig na tugon mula kay Enzo. Dahil may nakatakip sa ulo ay hinayaan na ni Allie ang pagpatakan ng mga luha niya. Ngayon niya napagtanto kung bakit tinakpan ni Enzo ang ulo niya—para hindi nito makitang umiiyak siya.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon