Kabanata 28

1K 77 33
                                    

Kabanata 28


"RENZ?"

Kumatok si Allie sa pinto ng silid ni Enzo. Walang tugon mula sa loob. Napabuga siya ng hangin. Bubuksan ba niya ang pinto o hindi? Pinihit niya ang seradura. Hindi naka-lock. Sumilip si Allie sa loob ng silid ni Enzo. Nakita niya ang pigura nito sa may kama.

Walang ingay na pumasok si Allie. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto saka lumapit sa kama ni Enzo. He was sleeping so peacefully. Payapa ang mukha nito hindi kagaya kapag gising ito. Kapag gising kasi ito, passive ang mukha nito.

"Renz," mahinang aniya. Hindi ito nagising. Umupo siya sa gilid ng kama ni Enzo. "Ginaw na ginaw? Nakakumot pa?" aniya sa sarili.

Nang ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin ito magising-gising ay may naisip siyang kalokohan. Nangako-ngako 'tong si Enzo na tutulungan siya sa isa niyang subject pagkatapos tutulugan lang pala siya? Aba, teka.

Mula sa drawer ay kumuha siya ng pentel pen. Nakangising umupo siya sa may dibdib ni Enzo saka sinulatan ito sa mukha. Dr-in-awing-an niya ito ng eyeglasses sa palibot ng mga mata at ng whiskers sa mga pisngi.

Nasa pagdo-drawing na siya ng mustache nang biglang dumilat si Enzo. Napa-eep si Allie sa labis na gulat. Hinablot ni Enzo ang bisig ni Allie na may hawak na pentel pen.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Alianna?"

"Ahm, ginigising ka?" Tumabingi ang ngiti ni Allie hanggang sa nauwi iyon sa ngiwi lalo pa't tumalim ang tingin sa kanya ni Enzo.

Hinagod ni Enzo ang buhok nito saka umupo. Napadausdos siya sa kandungan ni Enzo dahil nakaupo siya sa katawan nito. He was hard all over. Allie felt the blush forming not only on her cheeks but all over her body. He was bare from the waist up. Tama nga siya na sa likod ng shirts at sando nito ay nagtatago ang matipuno nitong dibdib.

"What do you want?" anito saka humikab.

Cute, sa loob-loob niya.

"Sabi mo tutulungan mo ako sa project ko?"

"Ano'ng oras na ba?"

"Alas-onse na kaya."

"Fine. Get off me."

Nang makita ang drawing niya sa mukha ni Enzo, maging ang halfway done na mustache nito ay napahagikgik si Allie.

Tumayo na siya at eksaktong nasa gilid na ng kama nang bigla siyang sumabit sa kumot ni Enzo. Sa labis na takot ay kaagad siyang kumapit sa kung ano ang maaabot ng kamay—sa kumot.

"Aray," anas niya nang bumagsak siya sa sahig. Natabunan na siya ng kumot dahil natangay niya 'yon.

"Hey. Ayos ka lang ba, Allie?'

Inalis ni Allie ang kumot saka binalingan si Enzo. "Yes—" Napatili si Allie nang mapagmasdang mabuti ang lalaki. Kaagad na itinakip ni Allie ang mga palad sa mga mata nang may nakita siyang hindi dapat makita.

"Oh, my God! My eyes! It burns! Oh, my God! Lawrenzo! Bakit hubad kang buwisit ka?!"

Walang tugon mula kay Enzo. Kapagkuwan ay may narinig siyang tila musika sa kanyang pandinig. Umalingawngaw sa loob ng silid ni Enzo ang tawa nito. This was the first time Allie had heard his laugh. Sumilip siya sa siwang mula sa daliri at pinagmasdan ang mukha ni Enzo.

Amusement danced in his eyes. Lumiwanag ang mukha nito. Nanikip ang dibdib ni Allie sa saya na nakita niya sa mukha ni Enzo.

Kaagad siyang pumikit nang magtama ang paningin nila ni Enzo.

"Nakatago na ba?" tanong niya.

He chuckled instead of answering her question. Ang akala ni Allie ay senyales na iyon na hindi na ito hubad kung kaya't dumilat siya. Ang bumungad sa kanya ay ang nakatalikod na si Enzo. Walang sabi-sabing kumuha ito ng briefs sa aparador at isinuot iyon sa harap niya.

Jusko! Hindi na virgin ang mga mata niya! Halos umusok na ang mga pisngi ni Allie sa labis na pag-iinit niyon.

"Lawrenzo! I'll kill you!"

"Feel free to look," he deadpanned.

And she did.

Urgh. Temptation.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon