Simula

6.6K 220 62
                                    

Simula


"SAAN ka pupunta?" tanong ni Allie kay Enzo.

Hindi siya nito pinansin. Napalabi lang ang pitong taong gulang na babae. Pero hindi siya nagpatinag. Patuloy pa rin siyang nakasunod kay Enzo. He was her only friend, after all. Ito lang ang nagtatiyaga sa kanya dahil sakitin siya. Kaya kahit siya pinagtatiyagaan si Enzo kahit parang cyborg 'to. Quits lang sila.

"Saan ka pupunta, Renz?" ungot niya dito.

Bahagya lang siya nitong nilingon at muling nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan niya ang lalaki pero ang bilis nitong maglakad! Halos tumakbo na siya pero dahil lampa, hindi na siya nagulat nang bigla siyang nadapa.

Malakas na napaiyak si Allie lalo na nang maisip na baka iniwan na siya ni Enzo. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman na may humawak sa magkabila niyang braso at tinulungan siyang tumayo.

"Napakalampa mo," nakasimangot na anito.

Lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"'Wag kang umiyak!" pagalit na sabi nito, na para bang sobrang bad niya dahil umiiyak siya.

"But it hurts!" aniya na ang tinutukoy ay ang siko at tuhod na may sugat.

Napabuga ng hangin si Enzo. "Fine. Hop in."

Nagtatakang binalingan ni Allie ang batang lalaki. Nakaluhod na ito nang patalikod sa kanya.

"Ano'ng gagawin ko, Renz?"

"Pumasan ka sa 'kin. Ipapagamot kita kay mommy."

"Okay!"

Kaagad na pumasan si Allie kay Enzo. Ngiting-ngiti si Allie kahit na kanina lang ay umiiyak siya. Hindi kasi siya iniwan ni Enzo.

"Thank you, Renz."

Tumango lang ito. Mayamaya'y marahan nitong pinisil ang binti niya. "I'll always protect you. Because you are so clumsy. Iyakin ka pa."

"Okay. I'll protect you as well."

"As if you can. Stupid."

"'Susumbong kita kay Tita Lily!"

"Whatever."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon