Kabanata 22

1.3K 78 46
                                    

Kabanata 22


HINIPAN ni Allie ang lugaw bago iyon isinubo. Dumeretso sila ni Enzo sa pinakamalapit na lugawan. Ewan niya, bigla siyang nag-crave sa lugaw.

"Kasya na ba sa 'yo 'yang itlog? O baka gusto mo na naman 'tong itlog ko?"

Nasamid si Allie. Naniningkit ang mga matang pinalo niya ang katabing si Enzo. "Lawrenzo! Masyado kang ano, eh!"

"Ano?"

"Ano!"

Nakangiting napapailing na lamang si Allie. Bumalot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Dahil gabi na, kakaunti lamang silang nandito sa lugawan kung kaya't tahimik ang lugar.

"Allie, tungkol ito kay Tita Nella."

Itinutok ni Allie ang pansin kay Enzo. Iniiwas naman nito ang tingin sa kanya.

"Bago siya... 'Yong araw ng operasyon niya, kinausap niya ako."

Hinintay ni Allie ang susunod na sasabihin ni Enzo subalit nanatiling tikom ang bibig nito; na tila ba hirap ito.

"Then?" pukaw niya sa atensiyon nito.

"She made me promise to protect you; to help you find the right man for you, the man who will make you happy, the man who can give you a complete family." Napahugot ng hangin si Enzo. Marahas nitong hinagod ang buhok at hinubad ang suot na salamin sa mata. "That was why when you told me you love me, I told you I must not love you. I can't be the right man for you, Allie."

Hindi nakakibo si Allie. Bakit kung magsalita si Enzo, para bang sobrang layo ng agwat nila? Na para bang hindi sila bagay?

"Bakit? Bakit hindi ka puwede?"

"Dahil hindi ako ang gusto ni Tita Nella para sa 'yo."

Tigas ang pag-iling ni Allie. "Mali ka!"

"You need someone not like me."

Nakagat ni Allie ang ibabang labi. "You love me?"

Iniiwas nito ang tingin. "It's not right."

"But you love me."

"I love you but—"

Ito na dapat ang pinakamasayang parte sa buhay ni Allie—ang marinig sa mismong mga labi ni Enzo na mahal siya nito. Pero bakit wala siyang makapang saya sa puso niya?

"Ang hirap naman, eh. Mahal mo ako pero bakit hindi puwede? Bakit naman ganyan? Ang hirap ng kalaban ko, Lawrenzo. Ikaw mismo ang kalaban ko. Ikaw mismo ang ayaw."

Ginagap ni Enzo ang mga palad ni Allie. "Allie—"

"Sabihin mo naman kung bakit, o? Bakit hindi puwedeng ikaw 'yong tinutukoy ni Mommy?"

"Dahil hindi ako buo! Damn it, Allie! I don't know who I am."

"You are Lawrenzo Guttierez. My Renz," mahinang anas ni Allie. Pigil niya ang pagbagsak ng luha sa mga pisngi.

Natawa nang pagak si Enzo. Parang may tumarak sa puso niya nang marinig iyon. Puno ng pait at sakit ang tawang iyon ni Enzo.

"I'm adopted."

Nanigas sa kinauupan niya si Allie. Adopted?

"I'm unwanted."

Mahigpit na pinisil ni Allie ang mga palad ni Enzo. She could feel his anguish even though his face was calm and blank.

"Naisip kong alam ni Tita Nella ang tungkol dito kaya sa 'kin ka niya inihabilin. It was a warning. A warning for me not to fall for you. But I still did." Then he added in a soft voice, "Even before that."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon