Kabanata 36

1.1K 74 33
                                    

Kabanata 36

"KAMUKHA mo talaga ang mommy mo, anak."

Pinagmasdan ni Allie ang larawang hawak-hawak ng daddy niya. Larawan iyon ng dalawa noong magkasintahan ang mga ito.

"Pero nakuha ko ang mga mata mo, Daddy," nakangiting aniya.

Silang dalawa lamang ang nandito sa mga Guttierez. Ipinapakita ng daddy ni Allie ang mga lumang larawan nito kasama ang mommy niya. Kaakibat niyon ay ang kuwento sa likod ng bawat larawan.

"Nang una kitang nakita, Dad, naisip kong pamilyar ang mga mata mo. Kasi parehas pala tayo ng mga mata."

"Yeah. I'm glad."

Nagpatuloy sa pagkukuwento ang daddy niya. Nakikinig si Allie sa kanyang daddy subalit habang tumatagal, tila ba unti-unting lumalayo o humihina ang tinig ng daddy niya. Para bang nasa harap niya ito subalit napakalayo nito sa kanya.

She was feeling weird all of a sudden. Her arms felt numb and her head was aching.

Ang nag-aalalang mukha ng daddy niya ang huling nakita ni Allie bago nagdilim ang lahat sa kanya.

"DAD? NASAAN ako?" mahinang tanong ni Allie. Ang huling naaalala niya ay ang pag-uusap nila ng daddy niya tungkol sa mga mata niya.

"Nasa ospital tayo, Allie. Ano ang huli mong naaalala?"

Sinapo ni Allie ang ulo nang kumirot iyon. "Nag-uusap po tayo. Then everything went black."

"Bigla kang hinimatay. No. You were having a seizure and then you passed out. Nataranta ako kung kaya't isinugod kita kaagad sa pinakamalapit na ospital."

Bumalot ang takot at kaba sa puso ni Allie. Naalala niya ang mga nararamdamang sakit nitong mga nakalipas na linggo.

"I think there's something wrong with me, Dad," mahinang aniya.

Ginagap ng daddy ni Allie ang palad niya. "I'm here. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo, anak."

"Huwag mo pong sasabihin 'to kay Enzo, Dad. Ayoko pong mag-alala pa siya."

Tinitigan siya nito nang mataman bago tumango. "Okay."

Mayamaya ay dumating na ang doktor. Umupo ito sa bakanteng silya sa tabi ng daddy niya. Ch-in-eck nito ang tibok ng puso niya, ang mga mata niya, at kung anu-ano pa.

"Allie, bago ka nag-black out, ano ang naramdaman mo?"

Isang nagsasaklolong tingin ang ibinato ni Allie sa daddy niya. Natatakot siya. Natatakot siya sa kakaibang nararamdaman ng katawan niya. Suddenly, everything came crashing at her. The numbness, the headache, the vomiting.

"Tell us everything, Allie. Huwag kang matakot. Nandito ako," anang daddy niya.

"My arm felt numb. Kumikirot po ang ulo ko," mahinang aniya.

"Kailan mo pa nararanasan ang kirot sa ulo mo?"

"Months ago. Naisip ko pong migraine lang dahil noon pa man ay inaatake na po ako ng migraine."

"And then?"

"Nagsusuka po ako. H-hinimatay din po ako. Minsan, kahit po sapat ang tulog ko, parang ang bigat ng pakiramdam ko. Nitong mga nagdaang araw, bigla-bigla na lamang pong namamanhid ang kanang braso ko. M-may problema po ba sa akin, Doc?"

"Why didn't you tell someone about what you are feeling, Allie?" mahinang tanong ng doktor imbes na sagutin ang tanong niya.

"I just... I don't know. Ang nasa isip ko po ay migraine lang. Bakit po, Doc?"

Napahugot ng hangin ang doktor. "I'm sending you for an MRI as soon as possible, Allie. 'Wag kang matakot, hija. We are just checking to see if everything's okay."

"Do it as soon as possible, Doc. Please," anang daddy ni Allie.

Tumango ang doktor. Isang check-up muli ang ginawa nito bago lumabas ng silid ni Allie. Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ni Allie at ng daddy niya.

"Bakit hindi mo sinabi ang mga nararamdaman mong 'yan, anak?"

Napayuko siya. "I'm sorry, Dad. H-hindi ko po naisip na... akala ko po... hindi ko rin po alam kung bakit, Dad."

Napaiyak na si Allie dahil sa takot. Kaagad naman siyang niyakap ng daddy niya.

"Sshh. Whatever happens, I'll always be here for you, anak. Hindi kita iiwan. Haharapin natin ito ng magkasama."

"Natatakot ako, Dad."

"Ako rin, Allie. Pero magpapakatatag tayo."

INABOT din ng isang linggo bago lumabas ang resulta ng MRI ni Allie. Nanlalamig si Allie habang naghihintay sa loob ng opisina ng doktor niya. Kasama niya ang daddy niya ngayon. Sa loob ng isang linggong paghihintay ng resulta, ni minsan ay hindi niya sinabi kay Enzo ang tungkol dito.

Hindi niya kayang dagdagan pa ang dinadala nito.

Isa pa, hindi naman siguro "malala" ang sakit niya. Baka nga migraine lang talaga ito. O kaya ay sakit sa mga mata. Hindi dapat maging morbid si Allie.

Napapiksi si Allie nang bumukas ang pinto ng opisina ng doktor niya. Nanginginig ang mga kamay na nilingon niya ang kanyang daddy. Bakas sa mukha nito ang kaba subalit pilit itong nagpakatatag para kay Allie.

Ginagap ng daddy ni Allie ang palad niya at marahan iyong pinisil.

"Ano po ang resulta ng examinations, Doc?" tanong ng daddy niya sa doktor nang makaupo ito.

Tumikhim muna ang doktor bago nagsalita. "Lumabas na ang resulta ng MRI. We found something. A tumor in the brain."

Allie felt her world stopped spinning. The only thing running in her mind was the word the doctor said: tumor.

Brain tumor.

"Brain tumor? Paanong... paanong nangyari 'yon, Doc?" gulat na tanong ng daddy niya.

"The exact cause of brain tumor is unknown. Minsan, hindi kaagad lumalabas ang sintomas ng ganitong karamdaman. Most oftentimes, the tumor has been there but the symptoms show up late."

Nakatitig lamang si Allie sa doktor. Nakikita niya ang pagbukas-sara ng bibig nito pero hindi na niya naririnig ang sinasabi nito.

"Allie? Allie!"

Napahugot ng hangin si Allie. Napapikit siya nang mariin kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata. Bakit? Bakit sa kanya pa nangyari 'to? She had been good. She was... she was just Allie. Why was this happening?

"Daddy—" Napaiyak na si Allie kasabay nang pagyakap sa kanya ng daddy niya.

"Sshh. Don't cry. I'll get the best damn neurosurgeon this country can offer. Or even in abroad. I will do everything, Allie. Everything."

"I can recommend you to the best neurosurgeon our hospital has, Mr. Fernandez. Kung gusto n'yo namang humanap abroad, hindi ko kayo pipigilan. But I suggest you do it fast. We need to check the tumor's case; to see whether it's cancerous or not. We will decide what course of action to follow after checking the tumor."

Hindi kumikibo si Allie habang nag-uusap ang daddy niya at ang doktor. Ano pa ba ang ang masasabi niya? She had been so stupid. She had been so careless. Bakit hinayaan niyang umabot sa ganito?

"Puwede n'yong kausapin bukas ang neurosurgeon ng ospital. Make an appointment today and have a talk tomorrow," payo ng doktor.

"We will do that. Thank you, Doc."

Nang makarating sa sasakyan ay tila nanghina si Allie. Para bang nahigop ang lahat ng lakas na mayroon siya. Iyong mga sintomas at panghihinang naramdaman niya ay warning signs na dapat pero naging kampante siya. Masyado siyang nag-enjoy sa buhay.

"It will be okay, Allie. Believe in me, in yourself, and in God. You will be okay."

Napaiyak muli si Allie. Natatakot siya. Natatakot siyang hindi na niya malagpasan ang dagok na ito sa buhay niya.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon