Kabanata 33

1.1K 77 15
                                    

Kabanata 33

"NANGANGALUMATA ka. Nagpupuyat ka na naman?"

Napapitlag si Allie nang may naramdamang mainit na humaplos sa ilalim ng kanyang mga mata. Kaagad niyang binalingan si Enzo. Ito pala ang humaplos sa nangingitim na parte ng mga mata niya.

"Marami lang kaming ginagawa," palusot niya. "Pursigido kasing mag-practice ang Tennis Titans nitong mga nakaraang araw kaya naging busy kami sa club—"

"Tennis Titans?" nakataas ang kilay na tanong ni Enzo.

Napakamot siya ng kilay saka napangisi. "Aba, ano 'yon, kayo lang ang may pangalan? Ako ang nakaisip niyan. Mas maganda kumpara sa Tennis Knights," pang-aasar niya.

"Sabi mo, eh." Binalingan na ni Enzo ang mga papel sa harap nito. "Kumusta na kayo ni Tito Arthur?"

Binitawan ni Allie ang ball pen at wala sa loob na pinisil ang kanang braso. Left-handed si Allie kung kaya't nagtataka siya kung bakit tila nawawalan ng pandama ang kanang braso niya.

"Ipapasyal ko bukas si Daddy pagkatapos ng klase ko. Susunduin niya ako. Bonding time. Gano'n."

"That's good," simpleng ani Enzo.

"Kumusta na pala 'yong natitirang Tennis Knights na wala pang love life?" tanong ni Allie kay Enzo.

"Kumikilos na si Kei para mapalapit muli kay Arianne. Kinukulit naman na ni Ashleigh si Rein, na alam kong alam mo na dahil magkaibigan kayo ni Ashleigh. Totoo na ang relasyon nina Guji at Jill. Nakipag-ayos na rin si Guji sa nanay niya at kay Jack. He's finally happy. Tennis Knights are slowly gaining their real happiness. Except for Chase."

"You should also include yourself. You're a member of Tennis Knights. Dapat maging masaya ka rin," sita niya rito.

"I'm happy."

Allie's heart went out for him. He might be happy but Allie could see that he wasn't that happy. Alam niyang ayaw na nitong makita pa ang tunay nitong mga magulang. Hindi maiwasang isipin ni Allie na kaya pakiramdam ni Enzo ay kulang ito bilang tao ay dahil wala itong closure mula sa tunay nitong mga magulang. Maraming tanong sa isip nito, kagaya ni Allie noong hindi pa niya alam ang tunay na kuwento ng mga magulang niya.

Ang akala ni Allie noon, hindi sila mahal o gusto ng daddy niya kaya wala ito sa kanila. Hindi pala iyon totoo. Ngayong nalaman na ni Allie ang totoo, pakiramdam niya ay buo na siya. Iyong mga taon na silang dalawa lang ng mama niya ang magkasama ay unti-unti na niyang iniiwan sa nakaraan.

Ang importante, alam na niya ang totoo at kasama na niya ang daddy niya.

Gusto niyang ibigay ang ganoong klase ng closure kay Enzo. Gusto niyang mabawasan kahit papaano ang self-loathing na nararamdaman nito. Isa ito sa pinakamalakas na taong nakilala niya. For Allie, Enzo was so much more to what he was seeing in himself. He wasn't unwanted. He wasn't not enough.

He was more.

Napatingin sa suot na relo si Allie. Kaagad siyang napatayo nang makita ang oras. Napahawak si Allie sa sandalan ng upuan nang makaramdam ng pagkahilo. Parang hinahalukay ang sikmura niya. Itinakip niya ang palad sa bibig.

"What's wrong?" puno ng pag-aalalang tanong ni Enzo. Hinawakan siya nito sa balikat na tila ba inaalalayan siya.

Parang nawalan ng lakas ang mga binti ni Allie at napasandal siya sa katawan ni Enzo. "B-bathroom," anas niya.

Pinangko siya ni Enzo at dinala sa banyo. Kaagad na nagduwal si Allie sa inidoro. Inilabas niya lahat ng kinain niya noong tanghalian.

"Ano'ng masakit sa 'yo?"

Iwinasiwas ni Allie ang palad saka pinunasan ang labi. "Wala."

Naramdaman ni Allie ang palad ni Enzo sa kanyang likod at marahan iyong hinagod. Hawak-hawak nito gamit ang isang kamay ang kanyang buhok.

"That's not just nothing, Alianna! Ano'ng masakit sa 'yo?"

"Ulo ko. Migraine lang 'to, Renz. Don't worry."

"Huwag mag-alala? Paanong hindi ako mag-aalala—"

"Dahil sa puyat kasi 'to. Ayos lang talaga ako." Pilit tumayo si Allie. Inalalayan siya ni Enzo hanggang sa kanyang silid. Humiga si Allie sa kama at pumikit nang mariin.

"Kukuha ako ng gamot sa migraine. Ako na ang tatawag kay Avi para i-cancel ang lakad n'yo."

"Okay."

Narinig ni Allie ang pagbukas-sara ng pinto tanda ng paglabas ni Enzo. Ang isip niya ay nasa lalaki. She never realized how her life had changed in just a matter of months. Losing her mother. Having Enzo back in her life. Loving him. Almost losing him. Meeting her father. She was happy and she was scared at the same time because she would never know when all of these would be gone in a blink of an eye.

Pagkabukas ng pinto ay napadilat si Allie. Kumirot ang mga mata at ulo niya sa liwanag galing sa ilaw kung kaya't napapikit siyang muli. Her eyes felt so sensitive at the moment.

Kamay sa likod at baywang ang dahilan ng pagdilat ni Allie. Inalalayan siya ni Enzo sa pag-upo. Inabutan siya nito ng tubig at gamot. Kunot na kunot ang noo ni Enzo. Kung tingnan siya nito ay para bang gusto siya nitong kutusan.

"Napakatigas kasi ng ulo mo, Alianna. Puyat ka pa nang puyat, alam mo namang mahina ang resistensya mo," paninita ni Enzo.

Ipinaikot ni Allie ang mga mata. "Kung hindi ako magpupuyat, hindi ko matatapos ang mga requirement sa mga subject ko."

"Quit being a manager of SLU's tennis club."

"No way, hi-way!"

"Yes way."

"No way!" matigas na tanggi niya. Padarag na iniabot niya kay Enzo ang basong wala ng laman saka humalukipkip. "Na-uh. Hindi ako magre-resign bilang manager. Never."

"Tsk." Dinama ni Enzo ang noo ni Allie gamit ang palad nito. "Hindi ka naman mainit. Magpahinga ka muna. Kapag bukas, masama pa rin ang pakiramdam mo, sasamahan kita sa doctor."

"Yes, Sir!"

Naiiling na pinitik ni Enzo ang noo ni Allie. Bahagyang umangat ang sulok ng labi nito bagaman nasa mga mata pa rin nito ang pag-aalala.

"Good. Sleep, Allie." Isang magaang halik sa noo ang ibinigay nito sa kanya. Inalalayan siya nitong muli sa paghiga. Akmang tatayo na si Enzo nang pinigilan niya ito sa bisig nito. "Bakit?" tanong nito.

"Dito ka muna hanggang sa makatulog ako," aniya sa maliit na tinig. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot na umusbong sa puso niya.

Tinitigan siya nang mataman ni Enzo kapagkuwan ay tumango ito. Umayos ng upo si Enzo sa tabi ni Allie. Sumandal ito sa headboard ng kama saka ipinaikot ang isang braso sa may ulunan niya.

"I'm here," saad ni Enzo.

Napangiti si Allie. Her fears were starting to fade away because of him.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon