Kabanata 27

1.1K 71 23
                                    

Kabanata 27


KAHIT maraming kasama ngayon si Allie, ang hinahayon ng mga mata niya ay si Enzo pa rin. Nandito siya ngayon sa mga Guttierez kasama ang Tennis Knights at ang nobya ng ilan sa mga ito. Celebration daw ito ng pagkakaayos kahapon nina Chuck at Ian, at Reus at Jelle.

Masaya si Allie na makitang nakikihalubilo si Enzo sa mga kaibigan nito. Sana, sa tulong niya at ng mga kaibigan nito, unti-unting maghilom si Enzo.

Nang magtama ang tingin nina Allie at Enzo ay kaagad na nginitian ito ni Allie. Enzo just raised his eyebrow at her. Napailing siya.

"Loko-loko talaga 'yang mga 'yan," ang tinig na iyon ni Skye ang pumukaw sa atensiyon ni Allie. Ang tinutukoy nito ay ang nagkakagulong Tennis Knights.

"Pero ang cute nilang tingnan, in fairness," ani naman ng nobya ni Les na si Airin.

Pinaglipat-lipat ni Allie ang tingin sa mga ito. Somehow, because she stuck to Enzo, she became friends with these girls.

"Mas masarap silang yakapin," singit ni Jelle.

"Nah, mas masarap silang ibenta sa Arabo," nakangising aniya.

Bigla siyang binalingan ni Airin. "Oo nga pala, Allie, ano ka sa buhay ni Enzo?"

Bahagya pang napapitlag si Allie nang marinig ang tanong na iyon. Hindi niya masisisi ang mga ito kung curious man ang mga ito sa relasyon nila ni Enzo. Enzo was after all, a cold guy and she was, well, she was Allie Ferrer.

"Mahal ako ni Enzo." Dahil itinatago pa nila ang relasyon nila ay saka niya idinagdag ang, "Bilang kapatid."

Narinig niya ang sunud-sunod na ungol ng pagkadismaya galing sa mga kausap niyang "keychain" ng ibang miyembro ng Tennis Knights.

Mayamaya ay nagsilapitan na sina Les, Cloud, Chuck, at Reus at niyayang kumuha ng pagkain ang kanya-kanyang mga nobya. Naiwan sina Allie at Jill. Si Jill ang "girlfriend" ni Guji at ang "current project" ni Enzo.

Nakilala ni Allie si Jill nang pinakiusapan niya itong maki-ride sa plano ni Enzo. Pinalabas kasi ni Enzo sa lahat, pati na rin kina Jill at Guji, na may taong gustong magpabagsak sa Tennis Knights. Itinuro nito si Jack Janson na ex-boyfriend ni Jill at mortal enemy ni Guji bilang salarin. Ang planong sinabi ni Enzo ay maghihiganti kuno sina Jill at Guji laban kay Jack.

Pero ang totoo, si Enzo ang may pakana ng alliance laban sa Tennis Knights. Kinuntsaba ni Enzo ang isa pang miyembro ng SVU tennis club na si Polo Navar na magpanggap na mastermind kuno. Ang nakakaalam lamang ng totoo ay si Enzo, Kei, at siya. Tumutulong lang talaga si Jack nang palihim para mapigil si Polo.

Noong una, talagang nainis si Allie kay Enzo. Pero nang malaman niya ang motibo nito ay naintindihan niya rin ito.

It seemed like Jack was Guji's step-brother. Gusto ni Enzo na magkaayos ang dalawa. Family, after all, was a big deal for Enzo.

"Kumusta na kayo ni Guji?" tanong niya kay Jill.

"We're getting there," nakangising sagot nito.

Napangiti si Allie. Alam niya kung gaano kahirap magmahal ng lalaking hirap maglabas ng emosyon; ng lalaking tila galit sa mundo. Pero kung may tao man siguro sa mundo na kailangan ng pag-ibig, ang mga kagaya nina Enzo at Guji ang taong iyon.

Nagpatuloy sa pagkukuwentuhan sina Allie at Jill tungkol sa estado ng relasyon nina Jill at Guji.

"Brat, kain na," anang tinig mula sa likuran ni Allie.

Nakangiting tumayo na si Allie saka lumapit kay Enzo. Kinuha niya mula rito ang pinggan saka sila pumuwesto sa pandalawahang upuan.

"Nakakatuwang makita na masasaya na sila, 'no?" ani Allie bago kinagatan ang barbeque.

"Yeah." Binalingan siya ni Enzo. Dumako ang tingin nito sa mga labi niya. His eyes had darken that it was almost black. Bumilis ang tibok ng puso ni Allie.

Hahalikan ba siya nito? Makikita sila ng mga kaibigan nito!

"Allie," anas ni Enzo sa mahinang tinig.

"Y-yes?"

Unti-unting bumaba ang mukha ni Enzo papalapit sa mukha ni Allie.

"You..."

Umangat ang palad ni Enzo at ipinatong iyon sa kanyang pisngi.

"M-may mga tao, Renz," aniya sa mahinang tinig.

Nang gadaplis na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya ay bigla itong huminto. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Enzo at ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito.

"You have something on your lips," he said before wiping the corner of her mouth.

Nanigas si Allie sa kinauupan. What?

"What? Iniisip mo bang hahalikan kita?" nakataas ang kilay na tanong ni Enzo.

Kaagad na namula ang mga pisngi ni Allie. Hindi lang yata mga pisngi. Buong mukha niya ang namula!

"S-shut up!" Naiinis na pinitik niya sa noo si Enzo.

Naiiling na ginulo ni Enzo ang buhok niya. Mula sa ulo ay dumausdos pababa ang kamay nito. Ipinaikot nito ang braso sa balikat ni Allie at hinayaang nakapatong iyon doon.

"I'll kiss you later," mahinang ani Enzo sa tapat ng tainga niya. "Kapag tayong dalawa na lang ang tao."

Napayuko na lamang si Allie at marahas na kinagatan ang barbeque. Hindi niya alam kung alin ang mas gusto niya; 'yong seryoso at tahimik si Enzo? O 'yong nagsasalita ito pero inaasar naman siya?

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon