Kabanata 32

1.1K 82 39
                                    

Kabanata 32

"I HEARD from my mom. About your dad, that is."

Mula sa pagtingin sa kalangitan ay binalingan ni Allie si Enzo. Nandito siya ngayon sa park na matatagpuan din naman sa loob ng subdivision na kinalalagyan ng bahay nina Enzo.

It was almost midnight but Allie did not mind. Nag-swing siya at muling ibinaling ang tingin sa kalangitan. Ang daming umiikot sa isip niya. Ang daming emosyon sa puso niya. Pero ang nangingibabaw ay saya.

"Nagkausap kami kanina. Nalaman ko na ang lahat mula sa kanya." Napangiti siya. "At least, alam ko na ang tunay na nangyari kung bakit wala siya. Ang gaan sa pakiramdam pero at the same time... nanghihinayang ako. So many what ifs'. What if hindi tumutol ang parents ni Daddy? What if hindi siya naniwala sa mga papeles na 'yon?" Napabuga ng hangin si Allie at pinahid ang pisngi. Bakit ba kaunting-kibot ay naiiyak siya? "Pero medyo naiintindihan ko si Daddy. Ganoon siguro talaga kapag sobrang nasaktan. Minsan, nakakalimot. Madalas, nauunahan ng galit. Malungkot ako kasi hindi sila nagkaroon ng happy ending ni Mommy. Pero tapos na 'yon, eh. Nakaraan na. W-wala na si Mommy, eh."

Umupo si Enzo sa katabi niyang swing. Binalingan ito ni Allie. Hindi nito suot ang eyeglasses nito. Pansin niya ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito.

"I'm sorry I wasn't there for you," mahinang anito.

"Ayos lang."

"Patawad din kung nagalit ako."

"I understand. Basta... Kapag nagkatampuhan tayo, puwedeng pag-usapan natin? Nasasaktan at nalulungkot kasi ako kapag lumalayo ka."

"Okay."

"Good."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nina Allie at Enzo. Kuntento si Allie na kasama ito. Kuntento si Allie kapag nasa malapit ito. For Allie, Enzo was one vital part of her life. Nang mawala ang mommy niya, ang akala niya ay mag-iisa siya. Pero nanatili si Enzo sa tabi niya. Ito, maging sina Tita Lily at Tito Miguel, ang naging pangalawang pamilya niya. Then her father, Arthur Fernandez, entered the picture.

"Kung nakikita ako ni Mommy ngayon, masaya siya siguro, 'no?" mahinang aniya.

"Of course. She'll be proud of you," buong sinseridad na ani Enzo.

"Tanggap ko na naman na wala na siya, Renz. Pero hindi ko maiwasang hilingin na sana, nandito siya ngayon para kumpleto na kami. Kahit sandali lang makumpleto ang pamilya namin. Pero imposible naman 'yon, eh."

Humarap si Enzo kay Allie. "Kasama mo palagi si Tita Nella. She's here." Itinuro nito ang tapat ng puso ni Allie. "As long as she's there, she's not gone."

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Allie. No matter how low or how sad she was, Enzo really knew how to make her feel okay.

Nagpatuloy na sa pagsu-swing si Allie. Si Enzo ay nanatiling nakaupo sa swing. Parehas silang nakatingin sa kalangitan at tila binibilang ang mga bituin doon.

"Nang malaman kong ampon ako..."

Halos mapigtas ang ulo ni Allie nang marahas niyang binalingan si Enzo. Hindi niya inakala na ito pa ang mag-o-open ng topic tungkol sa totoo nitong mga magulang.

"Naghanap ako ng mga papeles sa study ni Papa. There was a vault inside the study room. I learned the password and was able to see my real birth certificate. Nalaman ko ang pangalan ng tunay kong mga magulang. Hinanap ko sila. Gusto ko lang malaman kung bakit. Pero kagaya nga ng sabi ng ilan, ignorance is bliss. Nang makilala ko ang tunay kong nanay, ipinagtabuyan niya ako. Hindi man lamang niya ako kinausap. Hindi niya sinabi kung bakit. I was in second year college that time." Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Enzo. Allie's heart went out for him, for that lost boy who was only trying to find out the truth. "I could not feel anything. No sadness. No anger. No disappointment. I was cold. Empty. Void. Para bang wala akong puso. I was unwanted. I wasn't enough. I was... no one."

Padarag na tumayo si Allie at tumayo sa harap ni Enzo. Ikinulong niya ang mukha ni Enzo sa magkabila niyang palad. Idinikit ni Allie ang noo sa noo nito. Noong panahong nanghina siya dahil nawalan siya ng nanay, si Enzo ang nagbigay-lakas sa kanya. Kaya ngayon, siya naman ang magbibigay ng lakas dito.

"You are not unwanted. Itinuring kang parang tunay na anak nina Tita Lily, 'di ba? Kung hindi ka nila mahal, hindi nila gagawin 'yon. They did it out of love for you, Renz. Hindi ka basta-basta no one lang. You are Lawrenzo Guttierez. Cyborg. Robot. Pero deep inside, may puso ka. Pinahahalagahan mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, saka ako. Kahit ano ang sabihin sa 'yo ng ibang tao, kahit ano ang isipin mo tungkol sa sarili mo, kaming nagmamahal sa 'yo, alam namin kung sino ka talaga. We love you, Renz. For us, you are enough. I'm sorry if your birth parents made you feel unimportant. Pero importante ka sa amin. Importante ka sa 'kin," mahinang aniya habang nakatingin nang deretso sa mga mata ni Enzo.

Gustong ipakita ni Allie kay Enzo na totoo ang mga sinasabi niya. Gusto niyang mabasa nito sa mga mata niya na tapat siya; na mahal niya ito; na marami silang nagmamahal dito.

"I feel incomplete, Allie," mahinang saad ni Enzo.

"I'll make you whole. I promise. May sinabi sa akin dati si Tito Miguel. A person was born to complete someone's life. Maybe I was born to complete you, Renz, the same way you completed me."

Nakita ni Allie ang pagdaan ng rekognisyon sa mga mata ni Enzo. Siguro ay nabanggit na rin ni Tito Miguel ang mga katagang iyon kay Enzo.

Ipinulupot ni Enzo ang mga braso sa katawan ni Allie. Nakatayo siya sa pagitan ng mga binti nito. Her front was pressed snuggly into his front. Isinubsob ni Enzo ang mukha sa leeg niya kasabay nang paghigpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

"Thank you, Alianna." Then in a soft and full of emotion voice, he added, "I love you."

Other people said Enzo was unfeeling, robot, and a cold man. But for Allie, Enzo felt the most. He might be a cold man on the outside but his heart was the warmest of all.

He closed himself to anyone because he felt too damaged to open up. Allie could proudly say that Enzo's stone cold touch warmed her heart.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon