Kabanata 8

2K 128 25
                                    

Kabanata 8



"MALAPIT na ang birthday mo, Allie. Bonggang party ba?"

Umaktong nag-iisip si Allie sa tanong na iyon ni Avi. "No. Simple lang. Kahit nga tayo-tayo lang nina Ashleigh, ayos na."

Nakangising dinunggol siya ni Avi sa baywang. "Gusto mo lang masolo si Enzo, eh."

Hindi alam ni Allie kung bakit biglang namula ang mga pisngi niya. Hindi naman ito ang unang beses na inasar siya ni Avi kay Enzo. Nabanggit na niya rito si Enzo nang maging close sila. Simula no'n ay inaasar na siya nito kay Enzo. Pero walang epekto 'yon sa kanya. Pero ngayon...

"Oh, my God! You're blushing! Don't tell me..."

She crossed her arms to form a letter X. "Hindi. No. Never!"

Pabirong tinapik ni Avi ang ulo ni Allie na para bang isa siyang aso. "I see. Hindi mo talaga kayang pigilan ang puso kapag nagsimula na 'tong mahulog, Allie. Kahit na ba nahulog 'to sa pinaka hindi mo inaasahang tao."

Hindi nakakibo si Allie dahil sa sinabing iyon ni Avi. Iyong sinabi nito... tumagos sa puso niya.

Bago pa man makasagot si Allie—itatanggi niya siyempre ang ibinabato sa kanya ni Avi—ay may nakaagaw na sa pansin niya. Naglalakad palapit sa kanila si Enzo.

Seryosong-seryoso ang anyo nito at hindi alintana ang tinging ibinibigay ng mga nadaraanan nito. Karamihan ay mga babae. Hindi niya masisisi ang mga ito kung sundan man ng tingin si Enzo. Sa kabila kasi ng kaseryosohan, guwapo talaga ito.

May inis na gumuhit sa damdamin niya. Parang gusto niyang tusukin isa-isa ang mga mata ng mga babaeng nakatingin kay Enzo.

Super weird.

Tinapik niya ang magkabilang pisngi. "Aray," mahinang aniya.

"Problema mo, Allie?"

"Wala."

"Allie," anang kalalapit na si Enzo.

"Enzo," ganti niya saka idinagdag, "ang aga mo yata?"

"Maagang natapos ang practice." Binalingan nito si Avi saka tinanguan. Naipakilala na niya si Avi rito noon pa. Binalingan na siyang muli ni Enzo. "Let's go."

Kaagad na iniligpit ni Allie ang mga gamit. "Una na ako, Avi."

"Ingat. Remember what I told you."

Kinawayan niya ito saka sinabayan sa paglalakad si Enzo. "Saan tayo pupunta?"

Hindi sumagot si Enzo. Sinundan lamang ito ni Allie hanggang sa makarating sila sa parking area. Sumakay sila sa kotse ni Enzo. Tahimik itong nagmamaneho habang siya ay pinagmamasdan ang tinatahak nilang daan.

Ipinarada nito ang sasakyan sa mall malapit sa SLU.

"Bakit tayo nandito, Lawrenzo?" pangungulit niya.

"Quiet," tanging sagot nito.

She puffed her cheeks. "Lawrenzo! Bakit nga tayo nandito?"

"Quiet," muling anito.

Allie pouted while walking beside Enzo. Waepek naman 'yon sa lalaki dahil hindi naman ito nakatingin sa kanya. He could not resist her pout after all.

Nakarating sila sa movie section ng mall. Dere-deretso si Enzo sa bilihan ng ticket.

"Manonood tayo ng movie?" excited na tanong niya.

Tumango si Enzo. "Ilang araw mo na akong pinariringgan na gusto mong manood nitong bagong pelikula."

Gusto man supilin ni Allie ang ngisi ay hindi niya magawa. Sabi na nga ba niya, kahit hindi nito ipahalata, nakikinig ito sa kanya. Noong mga nakaraang araw kasi na nagpaparinig siyang gusto niyang manood ng movie, walang reaksiyon si Enzo. NR, kumbaga. Pero heto nga, dinala siya nito sa mall para manood.

"Thanks, Cheeseborg," she said to him while smiling sweetly.

He flicked her forehead. The shy-type cheeseborg was back. Biglang ginagap ni Enzo ang palad ni Allie at inakay papunta sa pila ng mga manonood ng movie.

Horror-suspense ang panonoorin nila. Oo, malakas ang loob ni Allie na manood ng horror basta kasama si Enzo.

Nang makarating sa pila, hindi kaagad binitawan ni Enzo ang palad ni Allie. Napatingin siya sa magkahugpong nilang mga kamay. Na-realize ni Allie na unti-unti niyang binibigyang kahulugan ang bawat kilos ni Enzo. Bawat haplos nito, bawat pagdaiti ng palad nito sa balat niya; iba ang hatid niyon sa puso niya.

It was as if she was seeing him in a different way now.

Nang makapasok sa sinehan ay pumuwesto sila sa gitna. Itinaas ni Enzo ang armrest ng silya sa pagitan nila. Akmang sasandal si Allie sa balikat ni Enzo nang matigilan siya.

She suddenly felt conscious; not of him but of her actions and feelings towards him. May nagbabago, eh. Para bang nagkakaroon ng malisya.

Tinutubuan siya ng malisya kay Enzo!

Bago pa man makausog palayo si Allie kay Enzo ay ipinatong na nito ang braso sa balikat niya. Hinapit siya nito pasandal sa katawan nito. Kung umasta ito, para bang wala lamang dito ang ikinilos nito gayong heto siya at ang bilis-bilis ng tibok ng puso.

Of course, hindi na bago 'tong kinilos ni Enzo. But still, it was kind of disappointing to know she did not have an effect on him; the effect he had on her when he was touching her.

Disappointing much.

Napailing si Allie. Ano ba 'tong iniisip niya? Si Enzo 'to. Kaibigan niya. Kababata niya. Parang kapatid na niya. She was being absurd.

Wala sa screen ang atensiyon ni Allie kundi na kay Enzo. Nang tiningnan niya ang lalaki ay nagtama ang tingin nilang dalawa.

"What?" tanong nito.

"N-nothing."

Akmang ibabaling na niya ang paningin sa movie screen nang pinigilan siya nito sa pisngi gamit ang libre nitong kamay. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Halos magdikit na ang ilong nilang dalawa. Allie could smell his breath.

"Alianna..."

Mabuti na lamang at madilim sa sinehan. Hindi nito makikita ang pamumula ng mga pisngi niya.

"N-natatakot lang ako."

Kumunot ang noo ni Enzo. "Hindi pa nagsisimula ang palabas."

Pahiya siya.

"Basta. 'Wag nang maraming tanong, Lawrenzo!"

"Tsk."

Bumaling na siya sa screen. Nasapo ni Allie ang dibdib. Ramdam ng palad niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

It was all because of Enzo.

She was deeply buried in a complicated situation. She didn't even know if she could escape this; if she could escape within Enzo's grasp.

Or if she even wanted to.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon