Kabanata 21

1.5K 91 29
                                    

Kabanata 21


"LAWRENZO, halika't maupo ka rito."

Sinunod ni Enzo si Tita Nella. Umupo siya sa bakanteng silya malapit sa kama nito. Ginagap ni Tita Nella ang palad ni Enzo at marahan iyong pinisil. Hindi man ipakita ni Enzo pero apektado siya sa nangyayari dito. Allie's mother, Tita Nella, have become a second mother to him.

"Gusto kong magpasalamat sa 'yo," panimula nito. Napakunot ang noo ni Enzo. Akmang itatanong niya kung para saan nang magpatuloy sa pagsasalita si Tita Nella. "Pinasaya mo si Allie. Naging kaibigan ka sa kanya noong panahong ayaw sa kanya ng lahat. Sinamahan mo siya. Hindi mo siya pinabayaan."

"Limang taon—"

Umiling si Tita Nella. "Naintindihan ka ni Allie. Natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa sa loob ng limang taong nawala ka sa buhay niya. She missed you but at the same time, she was grateful. I'm grateful to you, Enzo. You made my daughter happy."

Napayuko si Enzo. "She's making me feel," mahinang aniya.

"That's a good thing."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Tita Nella—" I love your daughter.

"May pakiramdam akong iiwan ko na siya, Enzo," putol ni Tita Nella sa sasabihin ni Enzo. "Kung... kung mangyari man na hindi ako magising pa, gusto kong iwan sa 'yo si Allie. Alam kong... alam kong iingatan mo siya. Alam kong iuuna mo ang kaligayahan niya. Make her happy, Enzo. Promise me. Promise me you'll let her be happy. Promise me you'll let her have a bright future. Help her have the best in life; a man that will make her the most happy and a complete family she wasn't able to have because of me."

Hindi nakakibo si Enzo. Everything she was asking for Allie was not him. He wasn't the best for Allie. He wasn't even good for her. He could not give her a complete family. He just... loved her.

Allie needed someone not like him.

"Give her the future she deserves. Protect her. Can you promise me that, Enzo?"

Hindi kaagad nakasagot si Enzo. Pero para kay Allie... kahit masakit.

Tumango si Enzo. "I promise, Tita. I'll help her find the right person so she can have the best future."

Isang ngiti ang sumungaw sa mga labi ni Tita Nella. "Remember, Enzo, as long as she's happy, I will be happy, too."

"I understand."

"Be happy, too," anito at idinugtong sa mahinang tinig ang, "With her."





"ANG DAMING tao!" ani Allie habang inililibot ang paningin sa paligid.

Mayroon kasing ginaganap na Pyrolympics. Nang malaman niya ang balitang iyon ay kaagad niyang niyaya si Enzo. Nakakita na siya ng fireworks pero 'yong kagaya ng sa Pyrolympics? Hindi pa. Kaya nga excited siya.

Umupo si Allie sa sahig. Sa tabi niya umupo si Enzo. Iniabot nito sa kanya ang binili nilang frappe at waffle.

"Salamat sa pagsama sa 'kin, Renz," nakangiting aniya sa lalaki.

Tumango lamang si Enzo. Napakunot ang noo ni Allie. Kung titingnan, parang walang nagbago sa lalaki. Pero kilala ito ni Allie. Alam niyang may malalim itong iniisip.

"May problema ba?"

Iling ang sagot nito.

"Okay."

Umihip ang malakas na hangin. Dahil gabi, malamig ang dampi ng hangin sa balat. Nakasuot ng uniform si Allie. Short-sleeve iyon kung kaya't ramdam ng braso niya ang lamig. Nanayo pa ang balahibo niya sa braso.

Narinig niya ang pagpalatak ni Enzo. Ang akala niya ay isusuot nito sa kanya ang tennis jacket na bitbit nito. Pero hindi iyon ang ginawa nito.

Ipinulupot ni Enzo ang braso sa baywang ni Allie at hinapit siyang lalo sa tabi nito. Napangiti si Allie. Oo na. Mali na kinikilig siya. Mali na umasa siya. Mali na magbigay siya ng malisya. Pero mali ba ang magmahal nang sobra?

Kinain na lamang ni Allie ang waffle niya. Nang maubos iyon ay napatingin siya kay Enzo. Napangisi siya saka kinagatan ang waffle nito.

"'Sarap," pang-aasar niya.

He turned towards her. His face was so near and with one wrong move, their lips would meet. He suddenly smirked and his smirk was full of evilness. He leaned towards her before saying, "Mine."

Ramdam ni Allie ang pamumula ng mga pisngi. Iniiwas niya ang tingin kay Enzo upang hindi nito makita 'yon. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa baywang niya.

"Alam mo, Renz, effective kang body-heater. Or jacket."

Pinisil ni Enzo ang tungki ng ilong ni Allie. "Shut up, Alianna. Just let me hug you."

"Sideways. You are hugging me sideways."

"Semantics."

Nakangiting tumingala sa kalangitan si Allie. Magsisimula na ang unang fireworks display. Napatingin muna sa paligid si Allie. She noticed a couple sitting not-so far to their place.

Mahina niyang siniko si Enzo. "Renz, tingnan mo sila, o," aniya rito at inginuso ang couple.

"Hn."

"Look at how the guy looks at the girl. Para bang sa kanya lang umiikot ang mundo n'ong lalaki," aniya. Napabuga siya ng hangin saka idinagdag sa mahinang tinig ang, "Sana may tumingin din sa akin nang ganyan."

"Siguro kasi hindi ka nakatingin kapag nakatingin na siya," mahina rin na tugon ni Enzo.

Tumingala na sa langit si Allie. Nagsimula na ang fireworks display. Ang lakas ng bawat pagsabog ng mga paputok. Kasabay niyon ay ang malakas na palakpakan ng mga nanonood.

"Ikaw ba, nakikita mo ako?" tanong niya sa mahinang tinig. Alam niyang hindi naman siya maririnig ni Enzo dahil sa ingay.

"Always."

Gulat na napatingin siya sa lalaki. Nakatutok ang tingin nito sa kalangitan kung kaya't naisip ni Allie na baka dinadaya lamang siya ng pandinig.

Sumipsip na siya ng frappe saka sumandig sa balikat ni Enzo. Iba't ibang disenyo ng fireworks ang nasa kalangitan. It was dark but because of the fireworks, everything seemed so bright.

Parang kapag nariyan si Enzo.

Nang mawala ang mommy ni Allie, pakiramdam niya ay ang dilim ng paligid. Pero dumating si Enzo. Hindi ito ang pinaka-warm na tao sa mundo pero ito ang naghatid ng init sa puso ni Allie. Dumating si Enzo at binigyan siya ng liwanag para hindi siya matakot, para hindi siya maligaw, at para makapagpatuloy siya sa paglalakad.

Naramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga ni Enzo sa tainga niya.

"May something sa mga labi mo," anas nito. Pinahid ni Enzo ang ibabaw ng labi ni Allie. "Foam."

Sinipsip ni Enzo ang daliri nitong ipinahid nito sa ibabaw ng labi niya. He was looking intently at her while doing this.

"L-Lawrenzo!"

His lips twitched. "Let's talk after this."

Bumilis ang tibok ng puso ni Allie. Kinabahan siya. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila? As if assuring her, Enzo grabbed her hand and squeezed it gently.

"Okay?" tanong nito.

Tumango siya. "Okay."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon